PASIMPLE

283 2 1
                                    






Kapag napapadaan ako sa room nila 'di ko maiwasang mapatingin sa kanya..Bakit kaya?

Hindi naman siya ganoon kagwapo,cute type lang ba..siguro napapatingin lang ako sa kanya dahil lagi syang nakangiti kapag nakikita ko..

Ang cute niya kasi kapag nakangiti.'Yung tipo na mapapangiti ka na lang din.

Second year high school ako ng makita ko siyang nakikipagbiruan sa mga klasmate niya sa corridor namin.
Noong una hindi ko siya ganoong pinapansin pero noong nag 3rd year high school na ako.Hindi ko inaasahang magiging klasmate ko siya!

Ako naman si PASIMPLE eh laging tinititigan siya kapag sa iba ang atensyon niya at sa tuwing lilingon siya umiiwas agad ako, Nakaka-curious tuloy kung anong ugali meron siya.

Kapag naman nakakasalubong ko siya diretcho lang ang tingin ko at kapag nalagpasan ko na siya palihim akong ngumingiti.Nakakaewan lang.

Ganoon lang ang routine ko araw-araw..Hanggang isang araw..

Katatapos lang namin makibakbakan sa madugong digmaan (Math exam) nang maisipan ng guro namin na i-check ngayon ito.

"Paktay."bulong ko na lang.

Kinuha ko ang papel na binigay sa akin.

"Ang agang pagluluksa ko naman nito."

Lumingon sa akin ang kaibigan kong si Aileen. "Huwag kang mag-alala,friend.Ipagtitirik kita ng kandila." Kinurot ko nga sa tagiliran.

"Gawin mo ng dalawa.Ipagtitirik din kita."Tinap ko pa ang balikat niya.
Tumawa na lang kami dahil gumaya lang din siya sakin. EKSDI.

Pagkatapos namin pagtawanan ang mga sarili,tumingin ako sa papel na hawak ko.



Froilan Karl Lafuente II


Napasigaw ako ng walang boses at pinaghihila ang buhok ni aileen. "Aray naman!makahila teh?"Singhal niya sa maganda kong peslak.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang ang paningin sa papel na hawak ko.

Agad ko itong sinulatan sa likod ng..

Corrected by:
        Josefin =>


Napangiti na lang ako habang tinitignan ang sulat kamay niyang..


Uh..Ano..Ok naman..Oo.ok nga! 



After kong checkan at lagyan ng score ang test paper niya,tinawag na niya ang mga pangalan namin.

"Lafuente,Froilan Karl the Second?"

Nagtawanan ang klase.


Eh?anong nakakatawa doon?

"Maam,naman! Buong pangalan talaga?" Rinig kong reklamo ni crush.

Natawa na lang din ako ng palihim.

"Lafuente?!" Medyo inis na sabi ni Maam.


Ay. Ako pala..

Si Josefin Himayo Lafuente.

EEEEEEEEH!


"29 po!"Proud na sagot ko.


PASIMPLE *Where stories live. Discover now