Chapter 5: Ending
"Pasensyahan tayo, Jaydee. Sa St.John na kita pag-aaralin nitong school year. Sobrang baba ng mga grades mo at mas magandang sa St. John ka na lang mag-aral para mas malapit at mas matututukan kita," sermon sa akin ni mama. Tapos na nga recognition at lahat tapos nanenermon pa siya. Palapit na rin kasi ang pasukan at napag-usapan namin 'yung tungkol sa papasukan kong school. Balak kasi nilang palipatin ako dahil sa mga grades ko.
"Pero, ma! Ayoko po," pilit ko kay mama. Makikita ko lang si Zian doon. Matagal ko na pinutol koneksyon ko sa kanya mula nung huling usap namin sa court.
"Hindi pwede. Ako ang masusunod," ayoko bumalik ulit yung feelings ko. Todo iwas na nga ako na makita niya ko sa 7/11 eh.
At ngayon nandito na ako sa St. John. 'Yun yung dahilan kaya nasa harapan ako ng school na 'to ngayon at may hawak na Jansport bag na naglalaman ng mga gamit pang eskwela. Pasukan na ngayon. Oo, makikita ko siya panigurado. Ihahanda ko na lang ang sarili ko.
Pagkatapos kong ipa-check sa guard yung bag ko ay naglakad na ako papasok sa loob ng St. John. Ang daming tao. Hindi ako sanay sa ganitong atmosphere dahil sa school namin dati, kilala ko lahat ng taong pumapasok sa gate dahil nga konti lang ang populasyon sa amin.
Nahanap ko na ang classroom ko at agad na pumunta doon. Kaunti pa lang naman ang tao. Pero may mga nagkukumpulan. Tingin ko matagal na sila magkakakilala kaya ganyan. Nagkakamustahan siguro. Bigla ko tuloy na-miss mga classmates ko dati.
"Hi, miss!" napalingon naman ako sa biglang nagsalita. Inangat ko ang ulo ko para makita siya ng diretso. Nakaupo kasi ako.
"Hi?" babae siya at mukhang kakapasok lang niya sa room.
"Bago ka pa dito?" nakangiting tanong niya.
"Ahm, oo. Bago lang ako."
"Ahhh. Gusto mo ba makipagkaibigan sa akin?" hindi ako makasagot nung una pero nang tumagal eh tumango na lang ako.
"Good. I'm France Lianne Barossa," halos manigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon.
"France? Lianne? Barossa?" nagtataka at gulat na tanong ko.
"Yes. Bakit parang nagulat ka?"
"Wala naman. Ako nga pala si Jaydee Jamie Javier," pakilala ko.
Tumabi siya sa akin at maya-maya nagsimula na ang klase. Nagpakilala ang adviser namin na si Ms. Karla at sabi niya makipagkilala raw kami sa mga kaklase naming bago.
After ng scenario na 'yun ay pinag-break na kami ni Ms. Karla. Nakakatawa lang na pati hanggang paglabas ko ng room ay sumasama sa akin si France.
"Sarap nito kumaiiin. Lalo na pag may kasabay," sabi ni France habang naglalakad kami papuntang canteen. Natigil kami sa paglalakad nang lumingon si France sa likuran niya na dahilan din nang paglingon ko.
"Oh, Angelooo!"
*dug dug dug dug*
"JJ?" imbis na pansinin niya ang tawag sa kanya ni France ay ako ang napansin niya. Halatang nagulat siya.
"Kilala mo si Jaydee?" sabay na tanong ni France at Zian sa isa't isa.
"Yes, last school year ko pa siya kilala," sabi ni Zian.
"Oh, I see. Classmate ko siya," sabi naman ni France.
"JJ, bakit ka nandito?" tanong sa akin ni Zian.
BINABASA MO ANG
Fall
Teen FictionShe is a hopeless romantic. Every time she falls, no one catches her. Then, he met this guy in an unexpected place and unexpected time. Is this the beginning of her another so called romantic, but not one sided love story? I hope so.