Rose P.O.V
"Hi rose." Bati sa akin ng tao aking likuran ko.
Sa gulat ko nabitawan ko yung hawak kong libro. Pagkalingon ko si Phillip lang naman pala.
"Ano ba Mr. Madrigal!!!bat ka ba nanggugulat jan ha!!!" pagalit kong sabi sa kanya pero ang totoo nyan natutuwa ako dahil nakita ko na naman siya.
"Woow chill rose, I'm just here to ask you where is your sister at. I can't find her else where. Wag ka namang magalit haha."sabi nito.
Kamoteng tao to natuwa pa na nagulat niya ako pasalamat siya di ko siya hinampas ng libro.
"Eh nanggugulat ka!!sino bang di magagalit nun tsaka hindi ko alam kung nasaan si ate kaya pwede ba umalis na jan sa harap ko bwisit."sabay pulot ko ng mga libro kong nalalaglag pati ata puso ko nalalaglag sa gagong lalaking to.
"Easy there rose nagtataka nga ako bakit ba ang sungit sungit mo pag ako ang kausap mo."sabi nito habang hawak ang baba.
"Paano naman hindi ka susungitan ng tao sa tuwing lalapitan mo ako ginugulat mo ako. Hindi mo ba ako pwedeng kausapin o lapitan ng di ka nanggugulat nakakainis ka eh."
"Haha nakakatuwa ka kasi pag nagugulat." Tumatawang sabi niya sa akin.
"Letse lumayas ka na nga at pwede ba sa iba mo tanungin yung hinahanap mo wag sa akin ginawa mo pa akong hanapan ng nawawalang tao, istorbo."sabay layas ko sa harap niya.
"Hey rose wait up."habol niyang sabi sa akin.
Binilisan ko nalang ang paglalakad para di niya ako maabutan.
Bwisit na Phillip John Madrigal na yun hindi porke gwapo siya, sikat, family friend namin at lalo na crush ko siya eh bigla bigla nalang niya akong gugulatin. Bakit pag nahulog ba pati puso ko masasalo ba niya?? Di naman diba kasi malakas tama nun kay ate eh so kawawa naman ako. He's my school mate here at Campbridge University same as my sister Monica Christina Cruz. We are all taking up Business Ad dilemma of a child who was born with a golden spoon. I am now currently in my Junior year at isang taon nalang matatapos na ako while ate and Phil are going to graduate already this school year. Pero kahit di pa sila nakakagraduate pinapahawak na ng mga aming magulang si ate ng mga business namin same as Phil. Hay mabuti pang kumain na nga lang muna ako before pa mag next subject.
"Roseyyyyyy....." tawag ng best friend kong si Kirstine Gene Lopez, may sobrang ingay na best friend as in. (saying it with rolled eyes)
"ang ingay lang girl, asa kabilang bundok lang kung sumigaw? Ang lapit ko na nga sayo."
"haha sorry naman girl namiss kasi kita, alam mo namang di tayo nagkita nitong weekend. Anyway saan ka ba kasi galing, kanina pa ako naghahanap sayo."
"galing akong library, may kinuha lang akong book na kailangan natin sa isang subject natin."
"hay naku umiral na naman yang pagiging nerd mo girl, huwag naman na masyado best, di ka pa ba masaya consistent na ngang deans lister ka from 1st year natin 'til now, pahinga pahinga din pag may time."
"eh anong gagawin ko magparty everynight katulad mo? Aral aral din kasi pag may time. Tsaka pwede ba wag ka namang maingay about sa DL na yan."
"ay grabe siya oh, nagsasaya lang naman ako kasi for sure magwwork agad ako pag graduate natin, tsaka nag aaral naman ako best di lang tulad mo na tutok."
"ganun talaga kelangan ko namang may patunayan kela dad na kaya ko ding maging cumlaude pag graduate best." malungkot kong saad sa kanya.
"naku ayan na naman ba tayo best, gang ngayon pa rin ba rose kinukumpara ka parin nila tito kay ate ica? Eh magkaiba naman kayo eh, mas matalino ka pa nga kesa sa kanya." malakas na sabi niya
"ssshhhh wag kang maingay mamaya anjan mga kaibigan ni ate, tsaka alam mo naman na mataas ang expectations sa akin nila dad, ayaw kong ma disappoint sila, at syempre dalawa lang kaming magkapatid nakakahiya naman kung si ate lang ang cum laude pag graduate ako high honors lang. "
" hay ewan ko sayo rose masyado kang mabait, kahit inaapi ka na ng ate mo di ka parin lumalaban, kahit ipahiya ka na di ka parin umiimik, parang di kapatid turing sayo. " nagrereklamong sabi sa akin
" syempre ate ko siya tine, ayaw ko naman siyang sagutin. "
" hay naku ewan ko sayong babae ka, sobrang bait mo. " biglang hinawakan ni tine kamay ko" minsan best kelangan mo ring lumaban para di ka nila tinatapakan, minsan kelangan mo ring sumagot para di ka napapahiya. "
Hinawakan ko rin ang kamay niyang nakapatong" salamat best, alam ko naman di mo ako pababayaan pero wag kang mag alala kaya ko pa naman. " sabi ko sa kanya
" siya kain na tayo, mag start na class natin later, alam mo namang napakataray nung prof nating susunod. " tawa ng bruha " ako na kukuha ng pagkain natin. " sabay tayo niya.
Nakalimutan ko pa pala ikwento sa kanya about kay phillip, well mamaya nalang siguro after ng class namin."
____________€€___________€€__________
Vote.comment salamat po
BINABASA MO ANG
SOMEBODY TO LOVE
RomanceStory of love and sacrifices. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para lang sa pamilya mo. This is the story of Phillip John Madrigal and Rose Penelopé Cruz.