First Kiss

42 2 6
                                    


"Aya gumising ka na diyan baka maabutan tayo ng traffic!"

Nagising ako dahil sa sigaw ni mama sa baba. Imagine nasa baba siya pero parang nasa may pintuan ko lang siya nung sumigaw.

'Hayss' ayoko nitong araw na to.
Bukod sa mamayang gabi na ang flight ni mama para magtrabaho sa ibang bansa. Ngayon din kasi ako Lilipat sa bahay ng lola ko sa cavite.

Hindi kasi ako pwedeng maiwan dito dahil wala ako makakasama.
Asan ang tatay ko? Wala matagal niya na kaming iniwan.

"Alexandra Yvana Alcantara! Pag hindi ka pa kumilos diyan ay susunugin ko lahat ng pinaka mamahal mong libro."

'Shit!' Hindi pwedeng mawala ung mga yun ng basta basta pinag iponan ko yun.

"Eto na po ma! Maliligo na po."

Dali dali na kong pumasok sa banyo dala dala ang tuwalya ko.

----

Pag kababa ko tsaka ko palang nakita kung anong oras palang.

7:30!! What the?! Anong oras ako ginising ni mama ala sais?

Huhuhuhu! Puyat na puyat ako kagabi sa pag eempake at pag aayos ng ibang gamit niya tapos ang aga niya kong ginising!

"Aya ano pang tinutunganga mo diyan? Halika na rito at sabay tayong kumain ng almusal."

"Huling beses na natin tong kain ng magkasabay." Naluluha na sabi ni mama.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Ma ano ka ba naman! Hindi pa to ang huli. Maraming beses pa po pero eto muna ngayon ang huli."

Humarap ako kay mama at nginitian siya. Kahit naman lagi kaming nag aaway ni mama. Alam ko kung gaano kahirap sakanya ang iwan ako. Syempre nanay ko siya at kaming dalawa lang ang magkasama parati.

"Tara ma kain na po tayo? Mahaba pa ang biyahe natin."

"Oh sige na maupo na tayo."

Pagkaupo namin ay sabay na kaming kumain.

Matapos kumain ay inayos na namin ni mama ung mga gamit sa sasakyan. Isinarado narin namin ang pinto ng bahay pati ang gate at saka sumakay sa kotse.

'Sana naman maging masaya ko doon'
----

"Aya gising na, anak. Nandito na tayo."

Nagmulat ako ng mata at tumingin sa paligid. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko sa biyahe.

Napansin kong may 2 commercial building na magka tapat.

Ang isa mukhang luma na pero maayos pa naman. Ang baba nito ay tindahan at ang taas ay parang kwarto na sa sukat ko ay maliit lang.

Ang isang naman ay 2 storey commercial building at sa gitna nito'y may mga bench, wooden chair at table.

Sa pangalawang palapag ay may computer shop, traveling agency, dental clinic, vape shop, boutique at salon. Sa unang palapag naman ay may food stalls,carinderia, ihawan, pharmacy, at school supplies.

Napa titig ako sa huling store dahil may lalaking lumabas mula rito.
Moreno, gwapo, medyo matangkad at may kakisigan. Busy ako sa pag titig sakanya ng bigla may kumatok sa bintana.

"Aya ano ba?! Sabi ko tara na at nagiintay ang lola mo."

Lumabas na ako ng sasakyan dala ang bagpack ko. Eto nalang ang dala ko dahil ang iba kong gamit ay pinadala na dito last week pa.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon