Lexter

37 2 2
                                    

"Hi babes! Kamusta ka na?"

^_______________^ -mukha nung buwisit na lalake.

Andito na naman tong panirang to. Kaasar!!

Tiningnan ko siya ng matalim, at pasalamat siya hindi nakamamatay ang tingin dahil kung hindi matagal na siyang bumulagta. Kabwisit na lalakeng to.

"Hoy! Lalakeng walang magawang matino, lubay-lubayan mo ko dahil hindi ako natutuwa sa'yo ah! Namumuro ka na saken."

"Pano ba yan eh tuwang-tuwa ako sa'yo babes?"

Sarap sipain ng mukha nito eh. Pati ba naman ako pinagtripan. Sinira na nga niya date namin ni mylabs eh tapos hanggang ngayon ba naman hindi pa ko tinitigilan?! Tsk!

 "Tigilan mo nga ako!"

Lumapit siya at inakbayan ako. Naman! Naman!

"Sabing layuan ako eh!" Hinawakan ko yung kamay niya at pinilipit yun. Napaigik siya sa sakit. Hmpf! Buti nga sa kanya, asar lang eh.

"Oo na! Oo na! Lalayo na nga eh! Let me go, please."

Medyo naawa naman ako kaya binitawan ko siya. Kaso nung humarap siya saken bigla ba naman akong nakawan ng halik sa pisngi. Waaaaaaaaaaaaaah!

Sinipa ko siya dun sa kung saan masasaktan siya ng husto. Langya lang eh, halikan ba naman ako?!

"Wag na wag ka ng magpapakita saken ah! Dahil kung hindi mas masakit pa diyan ang mararamdaman mo."

Diretso walk out ako. Bahala siyang mamilipit diyan. He deserved it!

"O Ayame? Bakit parang badtrip ka ata?"

Haaaaaay, saved na naman. Buti na lang talaga andito si mylabs. ^_______^

"Ah, wala. May nakakainis lang akong nakita kanina."

Ngumiti siya. Ayun na naman yung kakatunaw niyang ngiti. "Ganun ba? Gusto mo na bang kumain? May dala na ko dito o."

Prinisinta niya yung paper bag na dala niya, medyo malaki kesa dati. Ano kayang laman? Yiiiiiieeeee! Excited na kong kumain kasama si mylabs. Obvious ba? Hahaha.

Lexter's POV

Ah, hello po sainyo. Ako yung kinaiinisan ng babaeng bida dito. Asar na asar siya saken kasi abala daw ako. Sensiya naman po, medyo bored lang talaga ako sa buhay ko kaya naman naisip kong gawing libangan tong babaeng parang nakalunok ng megaphone kung makatalak.

I find her interesting kaya don't hate me okay?

I plan on having her as my personal plaything. I'm sure magugustuhan niya din yun kasi ako lang naman ang pinakagwapo sa eskwelahang ito. Siya ang magiging pinakamaswerteng babae kung sakali.

Let the games begin!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IKAW at AKO Sana may TAYO (The Ayame and Ren Story) ^_______^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon