Unspoken Words | 012 - Tayo

184 4 0
                                    

Inspired sa kanya. (*^▽^*)

———

012 | TAYO

Pumara ako ng jeep
Ang nakasanayan nating gawin
papaunahin mo 'kong sumakay
Sana kay dali lang ng pag-ibig
ang pagabot ng pagmamahal
Inabot mo ang iyong bayad
ng pagmamahal at hindi 'ko
na binitawan pa.
Ang jeep na ito'y papunta sa rutang
mala palasyo na'ting dalawang
Para sa atin ay kay ganda
Mga pasaherong bumababa
parang taong lumilisan sa buhay mo
Ibinigay ang pagmamahal ngunit
Ito'y lumisan pa rin.
Subalit mahal, ako'y mananatili
Sasamahan kung saang ruta ka pa
pupunta, sasama pa rin ako.
Ngunit mahal, tayo. Oo tayo,
Tayo'y pagod na.
Hindi 'ko mawari, ang salitang tayo
kung wala namang tayo
At ikaw lang at ako
Ako'y sayo
Ngunit, ika'y patungo sa ibang palasyo
Katulad nila, lilisan ka rin pala
Pinatagal mo pa
Hinawakan mo, para ito'y sirain ulit pala
Mahal, ikaw, ako, tayo?
Sinambit 'ko na naman ang tayo
Tayong, akala 'ko
Papunta sa iisang palasyo
Ngunit, mali pala ako
Ika'y papunta sa palasyo niya
Winasak mo na naman
Binitawan at sabay
Binasura at lumisan
Paalala 'ko hindi isang basura ang puso 'ko
Hindi isang basura ang tayo
Subalit binasura mo pa rin
At nagsimulang buoin ang salitang kayo

KabanataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon