Chapter 1
_Julie's POV_
Naglalakad ako sa field ng biglang...
*Boogsh*
"Aray!"sabi ko kasi natilapid ako.May kawayan pala sa daan,di ko man lang nakita.Ang t*ng* ko talaga.
"Hahahaha!My God Julie!Apat na nga yang mga mata mo,di mo pa nakita yang kawayan!Ang lampa mo talaga kahit kailan."sabi ni Dianne at nagtawanan sila nung mga kaibigan niya.
Tumayo ako at pinagpag ang uniform ko.Tapos tumingin ako sa kanila,patuloy sila sa pagtawa kaya hindi ko na sila pinansin at naglakad na ako palayo sa kanila.Wala akong balak patulan sila tutal wala naman akong lakas ng loob para ipagtanggol ang sarili ko.
Ako si Julie Marquez,nag-aaral sa Rich University na school ng mayayayaman.Kaya nga rich eh!I'm 3rd year highschool.Galing ako sa mayaman at sosyal na pamilya pero ang pagkatao ko hindi katulad ng pamilya ko.Simple lang ako pagdating sa sarili ko.Simple lang akong manamit tulad ng iba.Basta simple lang ako kahit anong mangyari.
I'm a very popular student in our school.Ako ung madalas na binubully sa school.Lagi akong pinagtitripan at wala akong kaibigan.Pero nasanay na ako,pero kahit na nasanay na ako di ko pa rin maiwasang umiyak paminsan-minsan kasi di ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko kasi weak ako at isa akong nerd na walang laban.
Lagi rin akong pinapakelman ng magulang ko pagdating sa itsura ko.Pero wala silang magagawa kasi ipaglalaban ko kung anong gusto ko.At dahil mahal nila ako hinayaan na lang nila ako.Pasalamat ako dahil naiintindihan nila ako at tinanggap nila ako.Masaya na ako sa pamilya ko at sila ang lakas ko kaya pumapasok pa rin ako sa school.Hindi ko pinapaalam sa kanila ung mga nangyayari sakin sa school kasi baka bigla na lang silang sumugod at mapaaway.Ayoko ng napapaaway ang magulang ko dahil mahal ko sila at ayokong bigyan sila ng problema.
"Hi Four eyes!Welcome back to school!"sabi nung kaklase ko pagkapasok ko ng classroom.Four eyes ang madalas na itawag sakin dahil naka-eyeglasses ako.Korni nila noh?Kala nila nasasaktan ako.Jombagan ko sila diyan eh.Choss!Di ko naman kaya yun kasi weak ako.Di talaga ako marunong makipag-away kaya hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.I'm an angel eh.Hahaha!
"Uy!Galema kamusta bakasyon mo?"tukso nung isa ko pang kaklase pagkaupo ko.Isa rin yun sa tawag nila sakin dahil nakatirintas lagi ang buhok ko na parang kay galema.Pero wala na akong pakelam at di ko na sila pinansin.It doesn't hurt me anymore.Pweh!
First day of school namin ngayon kaya wala kaming klase.I-di-discuss lang ung mga rules and regulations tapos election of class officers.At syempre Introduce yourself portion ang unang magaganap.
"Okay let's start with........you!"sabi ng magiging adviser namin at tinuro ako.Anak ng pitong bread!Well!Di ko naman siya masisisi dahil naupo ako sa unahan at nasa pinakatabi na katabi ng bintana.Gets?XD
Syempre tumayo na ako sa unahan at inintroduce ang aking sarili.
"Hi!My name is Julie Marquez.You can call me......"
"GALEMA!Hahaha!"sigaw bigla nung isa kong kaklase at nagtawanan ang buong klase.
"Hey!Stop it class!"sigaw ng adviser namin.
Nagsitahimik naman ang buong klase.
"Okay you may continue."sabi sakin ni maam.
"Ahmm.You can call me Julie."sabi ko tapos naglakad na ulit papunta sa upuan ko.
Tahimik lang ako hanggang sa matapos ang Introduce yourself portion.Nasaulo ko agad mga pangalan nila kasi high quality ang utak ko.Wahahaha!Joke lang.Mabilis lang talaga ako makamemorize pati Surname nila alam ko na rin agad.
YOU ARE READING
Superhero ng Buhay Ko
Teen FictionMasarap siguro magkaroon ng boyfriend? May taong poprotekta sayo. May taong magtatanggol sayo. May taong magpapasaya sayo. At may taong nagmamahal sayo ng totoo. All in all.... Siya ang magiging SUPERHERO ng Buhay MO!:D