Naglalakad lang ako pag-uwi.
Ayoko pa kasing umuwi eh.
Wala naman akong gagawin sa bahay.
Sila Peter kasi eh, uwi agad! ><
Pero okay na din yun para makapahinga ako.
Naglalakad lang ako at napapaisip.
Ano kayang madadatnan ko sa bahay?
Andun ba si Mama?
Hmmm.
Baka may mga pagkain?
Nang biglang may nakita akong malaking puno.
"Ang ganda naman nitong punong to, ang lago lago.. Pero walang bunga"
ANo kaya yung punong yun?
Hays. Tumambay na lang muna ako doon sa puno.
Parang ang sarap ng hangin eh.
Nang paglkingon ko para mahiga, may nakita akong notebook.
Pero muka namang espesyal. Hindi lang siya notebook lang.
Ano kaya to?
Nang matitigan ko nang maigi..
Nakita kong may mga puso sa harapan at smileys.
Nang buksan ko..
May nakalaga na..
*Shhhhh! It's my Secret Diary! ~Riss :)♥"
Ganyan yung nakita ko.
Grabe! Diary to.
Riss? Eto yung babaeng nakanta kanina ha.
Hmmm. E diba ang diary personal na bagay?
Atska bat naman niya iniwan dito to?
Hmmm. Baka naiwan lang.
Sige na nga, babasahin ko na.
Binasa ko yung diary niya, nalaman ko yung mga hilig niya at hiwalay na pala ang mga magulang niya.
May nakalagay pang
"Wala ako masyadong kaibigan, pero gusto ko talagang maging friendly, pero hindi ko magawa kasi takot ako na baka mareject lang ako"
Yan yung nabasa ko kaya naisip ko
yun pala yung dahilan kung bakit wala siyang kaibigan.
Atska hindi siya pansinin sa school.
Bigla na lang akong nawili na hindi namamalayang pagabi na pala.
Nakakwili yung malaman mga tungkol sa kanya.
Grabe, parang gusto ko siyang makilala pa lalo.
Hindi ko naisip na nadala ko na pala yung diary niya.
Nagbabasa ako hanggang naglalakad.
Parang nakakaexcite kasi yung mga susunod na pangyayari sa buhay niya.
Pagkauwi ko, dumiretso agad ako sa kwarto ko at patuloy pa ring nagbabasa.
Mga Magi-11 na nun, binabasa ko pa din yung diary niya.
Hanggang sa...
May nabasa ako.
"Hanggang tingin lang ako.. Hindi ko magawang magpapansin tulad nung ibang babae. haha. ang weird. Sabi nila, new generation na. Hindi na lalaki ang nanliligaw, pero hindi ako natutuwa sa ganun. haha. kaya nga tinatawag nila akong Manang. pero okay lang yun."
Nagulat ako sa nabasa ko.
Kaiba siya sa lahat ng nakilala ko.
Ngayon ko lang nalaman ang kagandahan niya.
Ang corny, pero parang nafofall-inlove na ako.
Pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa ko.
Nagtaka rin ako sa sinabi niyang "Hanggang tingin lang ako"
1AM na noon, at may nabasa akong..
"Ang astig talaga ni Nate. Ideal Man ko yung ganoon. Gwapo, Astig, pero Gentleman."
Nagulat ako.
At biglang tumibok nang matindi ang puso ko.
Sobra sa kabog.
at parang kinakabahan ako.
gulat na gulat ako sa binasa ko.
ako ang matagal na niyang pangarap?
Grabe, hindi ko man lang siya napansin.
Malapit na kaming magcollege.
Hindi ko man lang siya nakilala.
Hindi ko nahalatang gusto niya ako.
Napaka dalagang Pilipina niya.
BINABASA MO ANG
Diary About Me
Teen FictionA story about a boy who secretly sees a diary and when he read it, he found out that the details in this diary is all about Nate, his name. Will these turn to love or it will just fade away like how fast he discovered the personality of this simple...