Daina is not an ordinary girl, she can stop the movement of the people around her, except for one.
*~*
"Class, I want you to meet Jeddy Hernandez. He's gonna be part of your class starting today."sambit nang professor namin at may pumasok na isang matangkad at moreno na lalaki na may pagkamessy ang buhok at may makapal na frame glasses.
Nagtama ang paningin namin at hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa kanya. Kinabahan ako at umiwas ng tingin. May kakaiba akong feeling sa lalaking ito.
"Hi! Jeddy nga pala."sambit niya saakin habang nakangiti. Seatmate ko na pala siya since walang nakaupo sa tabi ng upuan ko.
"Daina Garcia."tipid kong sagot at tumingin na ulit ako sa Professor namin. Bakit kasi ang boring niya magturo. Napatingin ako sa orasan ko. 48 minutes pa akong maghihintay dito. Kung pwede ko lang i-fast forward ang pangyayari eh.
Wait--- I can stop the time and their movement. Napangiti ako dahil sa ideyang pumasok sa isip ko. Inikot ko ang paningin ko at naramdaman ko ang pag-iiba ng kulay ng mata ko. And suddenly all their movement stopped.
Natawa ako ng mahina at tumayo. Aalis na sana ako sa upuan ko nang magulat ako nang may humawak sa kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nilingon ko kung sino, it'sJeddy.
"Anong ginawa mo? B-Bakit nakahinto ang lahat?!" tanong niya. Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya saakin.
"Hindi ko alam!"hindi ko alam na may isang tao pala na nageexist ang hindi tinatablan ng power ko.
Naramdaman ko ang pag-iiba ng mata ko kaya tumalikod ako sakanya at gumalaw na lahat ng estudyante pati ang prof namin. Gumalaw na rin ang oras.
"Ms.Garcia go back to your seat!"sigaw saakin nung prof ko.
"Sir May I go out!"sigaw ko nalang at kinuha ko yung bag ko at tumakbo ako palabas ng room. Narinig ko pang sinigaw niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon.
Pumunta ako sa clinic at sinabi ko na masakit ang ulo ko kaya pinagpahinga muna ako sa hospital bed.
Paano niya nagawang makagalaw? May powers din ba siya? Is he normal? Where did he came from? Kung ano man ang katauhan niya malalaman ko yun at mahuhulog siya sa bitag ko. Ready yourself Jeddy Hernandez. Don't you dare fall inlove with me.. Or else You'll end up hurting.
*~*
"Jeddy!"sigaw ko nang makita ko siyang naglalakad sa hallway na papunta sa library. Hindi siya lumingon at nakahinto lang na parang estatwa. Agad akong tumakbo sakanya at hinawakan siya sa balikat na bahagya niyang ikinabigla.
"D-Daina? W-what do you want?"tanong niya saakin.
"I need your help, please."sambit ko at nagpuppy eyes. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ng what-kind-of-help-look? I gave him my killer smile at hinila ko siya papunta sa library.
"B-Bitawan mo nga ako. H-Hindi tayo close!"reklamo niya. Hinila ko siya palapit saakin at kahit matangkad siya ay inakbayan ko siya.
"Ayan close na tayo."bulong ko sakanya at kumindat. Bigla namang namula ang tenga niya. Hah! Sabi na nga ba effective ang charms ko eh. Tuluyan ko na siyang hinila papunta sa library at umupo kami sa isang upuan.
"I need a tutor and I want you on that position."diretso kong sambit sakanya.
"Ano namang kapalit?"tanong niya. Napangiti ako sakanya.