Pag akyat ko sa kwarto ko nagpalit agad ako ng damit at humiga sa kama para magpahinga. Hayyysss nakakapagod tong araw na to.
Naisipan kong mag open muna ng FB bago matulog. Nakita ko yung post ni crush nagpalit sya ng profile, ampogi haha. Ako naman to si malandi tinitigan pa haha.
30mins ago
1K likes
20 shares
495 commentsGrabe! Sya na! Kakalahating oras pa lang isang libo agad likes? Samantalang ako mag-iisang taon na wala pang isang daan?!Tsk. Tinignan ko yung mga comments...
"Kuya pa-add"
"Kuya pa accept po"
"Ampogi mo talaga joshua"Sus! Paulit ulit nalang eh! Anlalandi sarap sabunutan haha. Asa namang pansinin nya yang mga comments nila sa sobrang peymus ba naman nyan eh hehez
Naalala ko yung pinagusapan namin ni janna, tama sya kelangan duma-moves ako kesa sa nganga kaya naisipan ko ring magcomment pero nagisip ako ng comment na mapapansin nya hmmmm
"PUTANG INANG YAN HAHAHAHA!"
Hindi ko alam kung bat yan yung pumasok sa isip ko, siguro dahil sa nangyari kanina? pero sana naman mapansin nya na yan.
Pinatay ko nalang yung cellphone ko at natulog.
*****
KINABUKASAN
Nagising ako kasi nararamdaman kong nag va-vibrate yung phone ko.
Ano ba yan! Istorbo. Pagtingin ko "Janna babes calling...""Oh? Problema mo? Ang aga--"pinutol nya ang sasabihin ko.
"Woy! Bakla! Ano ba yang ginawa mo?" Medyo pasigaw boses nya.
"Bakit? Ano ba ginawa ko?" Kinakabahan na ko.
"Cheng! Yung comment mo sa profile ni joshua?!" Luh?
"Oh? Ano meron dun? Napansin nya ba? Tssss" asa naman.
"Basta! Magonline ka ng malaman mo leche!" Tas binaba na nya. Aba!
Sinunod ko nalang yung sinabi nya medyo nagpapanic na ren ako eh. Pagkalog-in ko.............
48 friend request
25 chats
99+ notificationsHala! Ano to? Bat ganto? Huhu.
Inuna kong pindutin yung friend request.Kirby Geronimo
Denise Porlahe
Yumi Buenaventura
Nate Lavar
Etc......Di ko na tinuloy andami eh mga hindi ko naman kilala kaya di ko nalang pinansin. Sinunod ko yung notifications..... O.O
-Denise Porlahe and 206 others reacted to your comment "Angry"
-Kirby Geronimo and 124 others reacted to your comment "haha"
-Janna Santos and 46 others reacted to your comment "sad"
-Joshua Alcantara and 389 others replied to your comment
Etc....WTF?! Pinagpapawisan na ko bat ganto? Akala ko hindi magiging big deal to sa mga tao tas ganyan?! Tas pati si joshua? Ohmy napansin nya kilig much haha. Kaso minura ko eh huhu.
Hindi ko muna pinindot yung mga notif, tinignan ko muna yung sa inbox pagkataposssssss...
Joshua Alcantara
-Anong problema mo? Huh?!Yan yung pinaka una kong nakita. Nako po! Huhu galit sakin si crush Lord, help meee T_T