Habang nagliligpit ang mga estudyante ng Jose P. Rizal elementary school ay may napansin silang isang boyscout na nakaupo sa labas ng canteen. nagtaka ang magkaka-klase dahil walang ibang nakasuot ng uniporme ng boyscout kundi sha lang. Nilapitan nila ito, ngunit hindi sila pinapansin. Tinapik ng isang batang babae ang balikat nito upang kausapin ito. Ngunit laking gulat nila ng humarap ang boyscout, puno ng dugo at sugat ang mukha nito, at tila inaagnas na ang mukha. Ang inaakala nilang sabi-sabi lang ay totoo pala. kwento iyon na nag camping daw noong nakaraang taon ang mga boyscout at naaksidente ang sinasakyang bus... ni isa sa kanila ay walang nakaligtas....