Patrick's POV
Bakit ganun?
Nag iba bigla yung mood ko nung nakita ko sila.
Kanina kasi mga ilang minuto ng nakalipas naisipan kong hanapin na kung asan pumunta si Margo eh.
*FLASHBACK*
Asan na kaya siya?
Pumunta ako sa may Comfort Room ng mga girls.
Everytime na may lumalabas na babae dun.
Tinatanung ko sila kung may isa pang babae sa loob.
Sabay explain nadin kung anong ayos ng buhok ni Margo. Haha
Natatakot lang naman ako na nalingat lang ako ng onti eh baka biglang pagtripan na naman siya nila Denise.
Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito kay Margo.
Kahit kay Denise, hindi naman ako ganito eh.
Iba yung pagmamahal ko sakanya..
Teka teka!!
Pagmamahal sakanya? Mahal ko ba siya?
Umiling iling ako.
Senyales na hindi.
Hinanap ko lang siyaaa..
Lahat ng sulok ng campus napuntahan kuna.
Pero hindi ko parin siya nakita..
TEKA! -_____-
Napuntahan ko na ba yung playground?
Dali dali akong pumunta dun, kasi alam kong yun nalang ang hindi ko napupuntahan.
Nagulat ako nang maabutan ko si Nathan at si Margo na nag uusap.
Nagtago lang ako dun sa may pader.
"Kung ako magtatanung nun. Papayagan mo ba akong manligaw?" tanung ni Nathan.
o____O
Hindi na pwede Nathan!
Kitang nanliligaw na ako diba?
"Uhmm." sagot ni Margo.
Bakit kailangan pang pag isipan Margo! Ibig sabihin nun may chance siya? -____-
"Oo papayagan kitang manligaw :)" sabi niya.
Luhh? >____<
Naiinis ako! Selos ba to? Tss.
Ngayon naniniwala na ako na Mahal ko si Margo!!
----
Margo's POV
Dito na sa room.
Tumingin ako kay Patrick,
Ayun nakaearphone na naman siya.
Tumingin ako kay Nathan,
Ayun tinetext ako!
Baliw nga eh! Hahaha.
Kitang magkatabi lang kami ng mokong na to! Text pa siya ng text.
Kinukulit na naman ata kasi siya ni Cindy.
At binigay na din samin yung mga eexamin.
Ayos! Nadalian ako sa mga exam ngayon :) Wala eh. Nagreview kagabi eh, pinagpuyatan ko yun ah. Para makabawi nung time na hindi na kami nakapag review ni Patrick :D
KRINGGGGGGGG!!
Uwian naaaa..
Nakalabas na ako nang room.
Pumunta muna ako sa locker ko.
Minsan lng ako mapadpad sa locker ko :D
Kinuha ko yung tatlong libro ko dun :))
Ang kakapal nun brad! Haha.
Wala eh. Babasahin ko yun mamaya :))
Habang naglalakad sa hallway.
Biglang may lalaking sumabay sakin sa paglalakad.
"Sabi ko sayo, dpat plagi mo kong kasama eh!" sabi ni Patrick.
"Eh umalis kana kasi kanina eh."
"Parang nawala lang naman ako saglit." sabi niya sabay ngiti.
Hinihintay ko siyang kunin yung tatlong libro na dala ko.
-______-
Gentledog siya brad! Sobraaaa :D
Naka-hands in pocket lang siya.
Lahat ng nadadaanan naming mga babae, napapatingin sakanya eh. Pati lalaki tumititig narin sakanya eh. Gwapo mo koyaaa!! XD
Hanggang makarating kami sa gate ng naka-hands in pocket lang siya.
"Pinapapunta ka pala ni Mama sa bahay." sabi niya bigla.
Ang gwapo tlaga ng boses niya :"> Pero kahit kailan hindi ko pa siya naririnig kumanta :) Baka bukas ko pa marinig pag sama ko sa mall show nila :) Kaexciteeee :'>
"Margo?" tnung uli niya.
Natauhan na ako sa pagkatulala haha.
"Huh? Ano uli sabi mo?" tnung ko.
"Sabi ko. Pinapapunta ka ni Mama sa bahay ngayon." sabi niya.
"Hahahaha. sigeee! Punta ako :)"
Papunta na sana kami sa parking lot nang biglang may humintong sasakyan sa harap namin.
Lumabas si Nathan sa sasakyan niya.
"Hatid na kita pauwi? :)" sabi niya sabay ngiti.
Killer smile tong batang to! =))
"Uhm.." sagot ko.
"Bro, aalis kami eh." sabi ni Patrick sabay hawak sa wrist ko.
Napatingin si Nathan sa pagkakahawak ni Patrick.
"Sigee! Margo text moko ha. Tawagan kita maya :)" sabi ni Nathan sabay sakay na sa kotse niya.
Dumiretso na kami sa sasakyan ni Patrick at pumunta na sa bahay nila Patrick :)
____
A/N: Ayos din tong si Nathan eh no? Hahaha ang haba ng hair ni Margoo :))
Vote, Comment and Become a Fan :)
BINABASA MO ANG
Our Life Together
Teen FictionSi Margo. Isang babae na simple lang, cute, matalino na walang kaalam alam sa love love na yan! Pero mapapaibig niya ang dalawang lalaki at mamahalin siya ng sobra sobra. Sino kaya ang matututunan niyang ibigin? Haba ng hair niya noh? HAHA. Basahin...