Sobrang bibigat na problema halos di ko na makaya.Naisipan kong magpakamatay pero Iniisip ko rin na maraming lang angmalulungkot, Gagastos lang mga magulang ko at Pano na anak ko. Ano bang gagawin ko? Pakiramdam ko mag isa nalang ako. Pakiramdamko walang may pakialam.
Madrama daw ako, negative lagi eh yun yungnararaamdaman ko diko na ba dapat sabihin yun? Nahihirapan ako para sa anak ko.Sa magulang ko lalo hindi pa nila alam. Hindi nila ako kakampihan sa dami ngginawa ko. Oo siguro tatanggapin nila ako pero ako parin to. Desisyon ko parin to. Pano na? Ano nang sunod kong gagawin? Bakit parang wala akong kasama? Bakit parang ang dilim. Sumasakit na mga mata ko. Matagal na akong di nagyoyosi pero heto nanaman ako. Lublob sa usok ng yosing nakapalibot sakin. Nakakasulasok na amoy at malamig na hangin na gustong gusto ng lalamunan ko. Sinasabi nilang nakamamatay.. PERO MATAGAL NA AKONG PATAY.
Hindi kami mayaman. Hindi naman kami sobrang hirap noon. Tamang nagagawa namin gusto namin. Nakakain namin yung gusto namin dahil mahal na mahal kami ng mga magulang namin. Oo mahigpit sila minsan pero yun ay dahil sa lagi naming pagsuway sa utos nila na ikasasama namin.
Nagpaalipat lipat kami ng School dahil laging nadidestino si tatay sa ibat ibang lugar. Pulis kasi ang tatay ko. Si nanay naman isang mananahi. Masaya naman kasi ang dami naming nakikilala at marami kaming napupuntahang lugar, pero ang nakakalungkot kapag aalis na kami sa isang lugar at maiiwan na yung mga kaibigan namin.
21 yrs old na ako at tatlo palang naging boyfriend kong seryoso. Syempre marami nang iba pero childhood sweetheart ko lang yun. Peer pressure ganun..
Yung first love ko nakipaghiwalay sakin dahil gimikera daw ako at matigas ang ulo ko.LDR kasi kami e at mas matanda sya sakin ng very light lang 2yrs. Siguro mga 18 years old ako 20 na sya. pero okay lang feeling ko kasi mas mabilis magmatured mga babae kesa sa lalaki. Naging masaya naman kami. Nung First 3 weeks namin kasama ko sya kaya masaya kami kilala na ako ng parents nya pero sya hindi pa kilala kasi ibang religion sya at sabi nya hindi pa sya ready. Kaya hindi ko sya napakilala. 4 months lang yung tinagal namin pero worth it naman. Nagsaskype kami pag malayo, araw araw kaming magkausap sa phone. Di kami nawawalan ng communicataions. Kaso gimikera lang talaga ako. Kaya umayaw sya. Magkaibigan parin kami hanggang ngayon.
Yung naging pangalawa ko namang boyfriend. Mas matanda rin sakin pero sobrang adik sa sex. Halos araw araw kaming nagsisex kahit ayaw ko or kahit meron ako pinipilit nya ako. Lasingero at babaero. Nung nakilala ko sya nagbago na daw sya. Di na sya masyadong umiinom at di lumalabas ng bahay. Di ko sya pinagbabawalan lumabas ng bahay no. Sabi nya raw kasi para wala na syang makitang ibang babae. Nangarap na kami, Araw araw daw syang nakikipagsex sakin kasi gusto nya na daw mabuntis ako para habang buhay na kaming magkasama. May bahay na kami, may trabaho naman sya sa shop nila. Okay na. Pero dahil nga sa palipat lipat kami ng lugar LDR nanaman kami. Di na ako gumigimik dahil nga sa nadala na ako nung nawala yung first love ko sakin. Okay naman. Makwela yun e. Pinupuntahan nya ako sa amin kahit malayo nag iipon sya para mapuntahan lang ako. Maeffort yun e. Inuututan ako nun sa mukha e peste yun e.
May isang scene pa dun na iniwan ko sya sa hotel kasi nga uuwi na ako tapos umiiyak sya sakin na gusto nya pa raw akong makasama. Perfect na sana e pero Hindi pala. Naghiwalay kami kasi nafall out of love din kami sa isat isa so yun. At nalaman kong di lang pala ako girlfriend nya
YOU ARE READING
Even if and Even tho
General FictionDi mo naman kasi alam kong sya na ba talaga para sayo at kung ano magiging kalagayan mo sa buhay. Paano na kung gumuho na lahat para sayo? Kanino ka kakapit? Kanino ka lalapit?