You & Me

2 0 0
                                    


I love you.

This is all I could ever think of at that time. I love him. I love this man who's standing in front of me. I love every piece of him. His hair, his lips, his smile and his warmth I love it all. And he's all I ever wanted in my life. He's simply the missing piece of me. Problem is, he's not mine to have. So no matter how much I love him, no matter how much I wanted him. Hindi siya magiging akin and it breaks my heart knowing it. Really it breaks me. It breaks every piece of me.

"No, don't.! Don't love me. you're only hurting yourself" ­- he said and I can't quite comprehend the real meaning of these words. Ano ba ibig niyang sabihin? In the back of my mind may mga nabubuo nang sagot. I just can't find the courage to voice it out. Pero ang pinaka naisip ko is kaya niya sinabi yun is because he has her. And I just simply can't be her.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayaw ko siyang bitawan. Ayaw ko siyang mawala sakeng pagkakahawak baka kasi bigla na lang siya mawala na parang bula at baka kasi maya-maya panaginip ko lang pala lahat. Nais kong samantalahin ang pagkakataong yun para masabi ko sa kanya kung gaano ko siya ka mahal at kung gaano siya ka importante sa buhay ko. For the last time kahit naka ilang ulit na ako sa pagsasabing mahal ko siya. Uulitin ko ulit kahit gaano pa kadaming beses, kahit na marindi na siya sa paulit ulit kong paala-ala na mahal na mahal ko siya. Uulitin ko mahal kita. Mahal na mahal!

Ngunit tulad nga ng sabi mo kailangan na kitang pakawalan dahil kung magpupumilit pa ako sarili ko lang din masasaktan. Though hindi ibig sabihin nun e hindi na kita mahal. Mahal kita kaya lalayo na ako. Papalayain na kita kasabay ng pagpapalaya ko sa sarili ko mula sa pagkakatali sayo.

Ngayon ko lang naranasan ang ganito, ang magparaya at magpalaya ng taong mahal mo. Never kong inexpect na mangyayari 'to saken. Na nangyayari pala talaga 'to sa totoong buhay. Sa mga movies at korean drama lang ako nakaka witness ng mga ganitong eksena then out of nowhere, mangyayari rin pala sa'ken. Unexpected lang.

Masakit! Sobra!

At ang hirap pero tulad nga nang sabi nila kung mahal mo papalayain mo lalo pa't dun sila sasaya at mapapabuti. Pag mahal mo you'll only want them to have the best things in their lives. In my mind there's this voice screaming na sana, sana talaga ako na lang yung "best thing" na yun but alam ko na hindi ako yun. Kahit ano pa gawin ko, kahit magpagapang-gapang pa ako sa simbahan sa Quiapo kung hindi ako. Hindi ako! Kahit deep inside, nagnanais akong sana ako na lang talaga ang taong nakatadhana sa'yo.

Looking at you, di ko maiwasang mainggit sa babaeng nagmamay-ari sayo. Di ko maiwasang humiling na ako na lang sana siya. Ako na lang sana siya. Aalagaan at mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal at pag-aalaga niya sa'yo. Kung ako lang sana siya.

If ever na makakausap ko ang babaeng nagmamay-ari sayo ito lang masasabi ko girl, alam mo ang swerte mo kasi mahal ka ng taong mahal ko. Kaya sana alagaan mo siya at mahalin ng higit pa sa pagmamahal ko ha. Kasi somewhere out here, may isang katulad ko na naghahangad ng pagmamahal niya, bagay na di niya maiibigay saken kasi nga, merong nag-iisang "ikaw" sa buhay niya. At ang swerte mo talaga dahil mahal ka ng taong minamahal ko.

"Yun ba talaga gusto mo?" tumango lang siya saken to say yes. And I hugged him tighthly knowing that it's really over. Tapos na ang kwento naming dalawa. Ang kwentong minsan naming pinagbidahang dalawa.

And I know may simula ang bawat katapusan ng mga bagay-bagay. We just need to have patience to wait for the timing of everything.

And I wonder when will that be...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHEN I'M GONEWhere stories live. Discover now