Kabanata 1

4 0 0
                                    

"Pixie, wake up! Wake up!" I was slamming the door as I shout my sister's name.

It's already past six in the morning but she's still asleep. Baka mahuli kami sa klase. Kolehiyo na kami pareho pero late parin magising si Pixie.

Napapadyak ako nang walang marinig na sagot mula sa kanya. Tulog mantika talaga!

"Gumising ka na, Pixie! Kapag ako pumasok dyan, ako mismo ang magpapaligo sayo. And I'm warning you! Hindi ako gagamit ng warm water!" Sigaw ko mula sa labas ng kwarto nya.

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng kalabog mula sa loob kasabay ng pagsigaw nya. Napangisi ako. Cold water is her weakness. Iyon lagi ang ginagamit ko sa kanyang panakot.

"I hate you so much, Jillian!" Napatawa na lang ako sa pagsigaw nya.

"I'll wait for you downstairs, sister! I love you!" Mapang-asar na sabi ko sa kanya bago ako magtatakbo sa baba.

It's our first day as seniors. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na isang taon na lang ay graduate na kami. It's always our dream— to graduate together.

We both took accountancy so we could have the same subjects, so we could be together all the time. Wala na nga yatang makakapaghiwalay sa amin. We share secrets. May sarili kaming mundo na kami lang dalawa ang nakakaintindi.

Naabutan ko si mommy na kumakain kasama si dada. I sat across them na syang pwesto ko talaga while Pixie will sit beside me.

Sinadyang maliit lang talaga ang mesa. Gusto kasi ni mommy na malapit lang kami sa isa't isa habang kumakain.

Nangangalahati na ang pagkain ko nang maramdaman kong may umupo sa gilid ko. It's obvious that it's my sister.

"Anong lunch nyo?" Napaangat ang tingin ko kay mommy. "Manang, pakihanda ang mga tupperware. Ano bang ulam dyan?"

Nagkatinginan kami ni Pixie. We both have this 'what-the-heck' look.

"Mom, graduating na kami. Kailangan mo pa ba kaming pabaunan? Hindi naman kami magpapagutom. May canteen naman sa loob ng campus. And besides, pwede naman kaming lumabas para bumili ng pagkain if ever na ayaw namin ng pagkain sa loob. Five years na kaming nag-aaral sa Montuer, hindi mo pa ba alam 'yun?" Ani Pixie.

"I was just joking! You're so serious kids." Natawa naman si dada pero nakatingin parin ito sa dyaryo na binabasa nya. "Na-realize ko lang na malalaki na pala talaga kayo, and sooner hindi na lang kami ng dada nyo ang mag-aalaga sa inyo kapag nagka-boyfriend na kayo."

Again, Pixie and I looked at each other with the 'what-the-heck' look.

"Mom, you're over reacting." I said pagkatapos ang panghuling subo ko.

"Matagal pa ako magbo-boyfriend." Pixie said. Napanguso ako sa sagot nya. Says who?

"Me too."

As usual, mom gave us her self-made lemonade before we rode to school.

Medyo malayo ang bahay namin sa Montuer kaya inabot rin kami ng kalahating oras bago makarating doon. We were both excited. New classmates, new life. Wala na akong ibang hihilingin pa.

Marami agad ang tao sa loob at labas ng campus. Nagkalat rin ang mga banners para sa welcoming program.

Every class is just given thirty minutes for the introductory part. And the rest of the day is for the students to enjoy the first day of class.

Lahat ng subjects ay magkaklase kami ni Pixie maliban sa P.E. Tuwing thursday ang schedule nya samantalang ako ay Friday. Nalungkot pa kami nang malaman namin iyon pero natanggap rin naman namin. Ayaw rin namin na makitang sumasayaw ang isa't isa. That would be a torture.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nobody ComparesWhere stories live. Discover now