Chapter 51 Torn Between Lovers

267 3 0
                                    

This chapter is focused more on Anna and Mark (sadya ito). That's all. :) Happy reading readers!

____________

Kinabukasan, kaagad akong tumungo sa cr para maligo. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Maga ang mata ko from last night-hindi dahil sa pagiyak, kundi dahil hindi ako makatulog.

I'm worrying about Mark so much especially hanggang ngayon, walang text o tawag mula sa kanya-which is unusual for him.

Pagkatapos kong maligo, hindi na ako kumain dahil wala din naman akong gana. Mabuti nalang talaga at wala na si mama sa bahay. She was out for work.

Narinig ko ang busina ng service at kaagad na lumabas na ng bahay. I was eager to go to school wishing Mark would be there.

"Nakausap mo ba si Mark kahapon? I mean after he went talking to his dad?" Mahina kong sabi kay Josh. Tinitigan niya ako saglit and finally said.

"Nope." I sighed. Guess he wasn't talking to anyone. Yeah, that includes me.

Binalik ko ang pansin kay Josh who looked somehow distracted. Inakala ko nang tanungin ko siya non, e tatanungin niya kung bakit.

He didn't. Tumahimik lamang ito and went back playing with his psp.

"Okay ka lang ba?" Mel asked. I was too focused on Josh nang hindi ko man lang siya napansin. Tumingin ako sakanya, at muli, sighed.

"Not really." I didn't feel like explaining kaya pasalamatan na lamang ako nang makuha ito ni Mel. Afterall, she had no idea about Mark's mission about his dad kaya naman minabuti ko na ring tumahimik.

Minuto ang lumipas at nakarating na kami sa wakas ng school. Kaagad akong nagpaalam kay Mel and Josh na mauuna na ako though my goodbye to Josh seems not necessarily at all considering na magkaklase naman kami-meaning pareho lang ang destinasyon namin.

As planned, dumiretso ako ng classroom and was surprised nang buksan ko ang pinto, Mark was already in his seat. Walang ibang tao ang nasa loob. Siguro kasi maaga pa bago magstart officially ang klase. Ibinalik ko ang pansin kay Mark. He's surprisingly early. Kadalasan na, he's late considering he hates to wake up early in the morning.

Nilapag ko ang bag sa upuan ko at tinungo kung nasaan siya. He looked up from his phone at nang makita ako, his reaction was blank.

For a minute I debated kung tuluyan ba akong lalapit sakanya pero nang ngumiti siya sakin, not really a real smile but more of a forced one, ay tuluyan ko na siyang nilapitan.

"Hey," mahina kong bati sakanya. He regarded me cautiously.

"Hey," balik niyang sabi. So hey hey nalang kami ngayon huh?

"I was worried." Simula ko sa kanya na sabi after a minute.

"I know," tangi niyang sabi as he held up his phone. This means nabasa niya ang mga text ko-each wanting to let him know how worried I am.

I was actually quite mad at him. Shocker. Pero nang malaman kong nakuha at nabasa naman pala niya ang mga texts ko kahapon, why the hell didn't he send a reply? A simple 'fine' would be okay pero kahit isang text, wala siyang binalik sakin.

I know I may now sound so clingy pero can you blame me? Alam kong it's a big step para kay Mark to meet his dad again and I didn't exactly want to know kung anong nangyari but rather how's he handling it.

Huminga ako nang malalim and set aside my annoyance. Sa ngayon, kung tama ang hinala ko na hindi maganda ang naging takbo ng usapan nila ng dad niya,  what Mark needs is my silent comfort and not someone na dadagdag lang sa problema niya ngayon.

"Are you okay?" Napansin kong napahinga nang malalim si Mark at sinabi.

"I wish," he looked broken pagkasabi niya non. Hindi ko alam what exactly happened pero alam kong it's bad. Seeing him like this, wala akong pagdadalawang isip na niyakap siya. I didn't care na nasa school kami o nasa classroom to be specific. Sa oras na yon, what matters to me is Mark. He's hurt, and what hurts more.

I can't seem to do anything about it.

Pagkatapos nang ilang minuto, si Mark ang unang kumalas sa yakapan namin. Tiningnan ko siya at ngayon ko lamang napansin, his eyes look sore. Hindi ko alam if he's been crying o dahil kulang din siya ng tulog.

I desperately want to ask him what was wrong but I forced myself to back down. Kilala ko si Mark, he'll tell me if he wants. I wasn't the type of person to force him to tell me anyway.

"I actually just came here to see you," at nilagay niya ang isang palad niya sa pisngi ko. I leaned in to his touch. How I missed it. Funny, wala pa ngang isang buong araw ang lumipas and I was acting this way.

"Aalis din ako pagkatapos," kaagad nitong nakuha ang atensyon ko. Umatras ako sa pagkakahawak niya at tumingin sa kanya nang puno ng lito. He's leaving?

"Aalis ka?"

He regarded me carefully, like weighing my reaction sa sasabihin niya.

" Yep. But only for today. May kilangan akong gawin. I just came here para makita mong okay lang ako. I know you worry about me." Sinabi niya ang huli nang mahinahon.

"You know I'll always will."

"I know." This time, binigyan niya ako ng isang ngiti. An actual smile. He leaned closer to me at hinayaang isandal ang noo niya sa akin.

Tinitingnan niya ako nang malalim, more of like memorizing my face. Bumalik ang mata niya sa dati. The one that wore worry and sadness. I didn't know if because of the way he's staring at me and how much I could see his pain that caused me to ask what I was holding back simula pa kanina.

"May nangyari ba with your dad?" Naramdaman kong he tensed as the question left my mouth. He pulled away at tumingin sa mga mata ko like he would mean whatever he's about to say.

"I'll take care of it," tangi niyang sabi.

"Okay," mahina kong sabi. It's clear na ayaw niya sakin sabihin-not today anyway. I just hope he'll realize he could depend on me and not treat me like I'm fragile. I'm Anna Montenegro for Christ's sake. Hell I'm his girlfriend.

"I need to go," hindi ko alam kung sa akin niya ito sinasabi, o sa sarili niya. Hindi naman kasi siya nakatingin sa akin.

"If you must," I assure him. Sa isip ko, ano pa nga ba? Malinaw na importante ang anumang dapat niyang gawin sa ngayon. Hindi ko siya pipigilan sa paggawa non lalo't alam ko, or should I say trust him, to do what he thinks is right.

Binalik na sa akin ni Mark ang tingin. His looks softened. For the last time ay nilapit niya ang sarili sa akin. Tinitigan niya akong muli at ibinulong.

"I love you Anna." It was enough to make up sa pagaalala ko sakanya simula pa kahapon. Hindi na niya hinintay ang sagot ko, but instead he kissed me on my forehead. It was bittersweet dahil sa pagkakaalala ko, this was the first time he did this to me.

Naramdaman ko na lamang na wala na ang dampi ng labi niya sa noo ko. I opened my eyes and stared infront of me.

For the second time.

He was gone.

______________

This chapter is intentionally short if you'd be wondering. :)

Just a warning-some things are about to change. I'll let you brainstorm kung anuman yon. ;) Comment me your thoughts! Bye for now. <3










The Heartbreaker's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon