Bakit ka magkukuwento?

10K 520 49
                                    

Storytelling is inherent to every human being. It is of the same nature as our curiosity and our need to make sense of things. We seek patterns and meanings to everything we see and experience. Kaya nga minsan, nagagawa nating lumikha at mamalikmata ng mga mukha, dibuho, at pigura kahit sa mga bagay na abstract.

Kaya rin mula pa noong unang panahon, chismis na ang pangunahing pampalipas-oras. Maging sa Bibliya ay may nagchichismisan. Hanggang ngayon, may nagchichismisan. Lumabas lang tayo sa bahay, tumambay sa kapitbahay, o tumayo sa kanto, may maririnig na tayong kuwento.

Wala pa ang papel, nagkukuwento na ang tao. May mga kuwentong nagpasalin-salin sa iba't ibang bibig hanggang sa maging alamat, mito, at kuwentong-bayan. Pinatulog tayo ng mga pantasya, katatakutan, at epiko. Pinag-isip ng mga urban legends. Inaliw ng mga dula.

Ang pinakalumang kuwentong naisulat sa kasaysayan ay ang Epic of Gilgamesh. Nakasulat ito in cuneiform, sa 3000-year old tablet na nahukay sa Mesopotamia. Tumambay nang dalawang dekada sa British Museum ang mga tableta bago ito mai-decode ni George Smith noong 1872.

Ibig sabihin, wala pang alpabeto, magkahalo pa ang mga salita at simbolo (cuneiform), halo-halo pa ang iba't ibang lengguwahe, ay sumusulat na ng kuwento ang tao.

Sa paglipas ng panahon, dumami ang porma ng pagsusulat at pagkukuwento. Nang maimbento ang printing press noong 1440, nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapag-distribute ng kuwento at peryodiko.

Nang maimbento ang radyo, nagkuwento tayo nang malayuan gamit ang radio frequencies.

Nang maimbento ang telebisyon at pelikula, nagkuwento tayo sa pamamagitan ng mga litrato.

Ngayong nasa digital age na tayo, nagkukuwento na tayo gamit ang ating mga gadgets. May mga writing softwares na. May digital printing press. May mobile publishing. May online publishing. May e-book publishing.

Dumagsa ang mga online writing platforms na nagpo-promote ng pagsusulat ng kahit na sino para sa kahit na kanino—tulad ng Wattpad, Inkitt, Webnovel, atbp.

This is an age wherein it is easy to write and easier to read. Pero dahil din dito, mapapatanong tayo: Sa laksa-laksang mga istorya, mga manunulat, mga pamamaraan, at mga dahilan para magsulat, bakit tayo ang magsusulat? Bakit tayo ang babasahin? Bakit tayo ang dapat na tangkilikin?

Marami ang tumitigil sa pagsulat dahil sa pag-iisip na hindi man magsulat, hindi naman tayo magiging kawalan sa masa. It won't matter, dahil hindi man tayo, may ibang magsusulat bukod sa atin.

Ngunit bumalik tayo sa simula: Storytelling is inherent to humans. We are design to seek for patterns and to make sense of things. And every human being is unique.

Ibig sabihin, iba ang boses, pananaw, pag-iisip, pangungusap, pakiramdam, at paningin natin kaysa sa iba pa. Magkaroon man tayo ng pare-parehong experience, magkakaiba tayo ng pagproseso at pagtalakay nito. Magkatulad man ang pananaw, magkakaiba tayo ng pagsasalin nito. Magkatulad man ang personalidad, may puntong magpapaiba sa akin at sa 'yo.

'Yong punto kung saan tayo nagkakaiba ang siya ring punto kung bakit tayo orihinal sa isa't isa.

Kaya bakit ka magkukuwento?

Dahil hindi nauubusan ng kuwento at aral ang mundo at hindi tumitigil sa paghahanap ng kahulugan ang tao.

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon