PROLOGUE:

79 8 6
                                    

PROLOGUE:

        Huminga siya ng malaim, pilit na ngumiti kahit bakas sa mukha niya ang galit, pagod, at lungkot na pakiramdam niya halos buong buhay niyang nilalabanan.

        Mag-isa lang siyang nakatayo sa roof top, dapit hapon na kaya naman makikita mong nag-uuwian na ang mga estudyante. Mula sa kinatatayuan niya, halos makikita mo na ang kabuan ng eskwelahang pinapasukan niya. Ang mga puno na iniayos na parang nakapila, ang mga estudyanteng naghahalakhalakan habang papalabas ng gate, mga sasakyan na nagsisiksikan dahil sa trapiko diyan lang sa tapat ng paaralan.

        Tumingin siya sa ibaba at nakita ang bubong ng covered court na may taas na dalawang palapag. Walang emosyon ang mukha niya, walang ningning ang mga mata, blanko siyang nakatingin sa ibaba na parang nalimutan niya na kung ano ang nasa ilalim.

    “Bwisit na buhay to.” Anas niya at pinunasan ng maganda niyang kamay, pero puno ng paltos dahil sa pagtatrabaho, ang mga luha na tumakas sa bilugan at kulay itim niyang mga mata.

        Nananakit na ang kanyang mga kamay pero wala na siyang maramdaman dahil mas masakit pa sa kamay na puno ng paltos ang nadarama niya ngayon.

    “Tapos na. Matatapos na din lahat ng ito!” Pagkasabi niyon ay agad na siyang umakyat sa railings na nakaharang para walang mahulog sa rooftop. Nadudulas ang mga paa niyang may suot pang sapatos sa bakal na tinatapakan, ngunit pinilit niyang ibalanse ang katawan at tumingin muli sa ibaba. Huminga siya ng malalim at tumingin naman ngayon sa kalangitan at saka siya pumikit. Inihakbang ang kanang paa sa kawalan At hinayaan na ang sarili na mahulog sa hukay na siya mismo ang pumili. Sa lugar kung saan niya gusto siyang maalala ng lahat.

Hindi bilang si Cloe…

…kundi bilang isang estudyante na sumuko na lang sa hirap ng buhay.

        Wala siyang pakialam kung balang araw ay magiging dahilan siya ng katatakutan sa paaralan, o di naman kaya katuwaan ng mga batang mahilig maghanap ng multo, pwede ding maging dahilan na pagkaba sa dibdib ng mga pulitiko dahil isa na namang bata ang nagpakamatay dahil hindi makabayad ng tuition fee at depression dahil sa hirap ng buhay sa panahon ngayon.

        Unti-unti siyang nahulog at marahang tinanaw ang langit. Panigurado dahil sa ginawa niya hindi siya tatanggapin sa itaas, pero ayos lang dahil sa ngayon titigil na ang mundo niya. Ang mundong halos ayaw na niyang makita pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

L.I.V.ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon