False Alarm

14 4 7
                                    

-Cylen's Point of View-

Estudyante? Lahat tayo dumaan sa part na 'yan pero, Merong dalawang uri ng estudyante. Isang President, the one who excells in everything and the Papasa pa, 'Yung estudyante na Hindi tataas sa 80 ang marka pero hindi rin naman bagsak.

"Miss Cylen Montreal, pasang awa ka nanaman. Madali lang naman 'yung exam ah? You should study well. Are you even contented with your score? Call your parents, I wanted to talk to them." Sabi ni Ma'am Sanchez. Our Science teacher and at the same time our Adviser.

You heard it right? Ako yung tipo ng estudyante na papasa pa, Siguro hanggang d'yan lang talaga kaya ng utak ko.

I'm doing my best, Nag aral ako kagabi pinaghandaan ko talaga 'yung exam but the result sucks. I ended of failing. Sa katunayan madami naman ang pasang awa ah. May natalo pa nga akong isa pero bakit ako pang 'yung sinabihan? It's unfair. Ako na lang lagi. Hindi ba nila nakikita ang effort ko? Well, School days sucks. Science sucks.


Maaga akong pumasok para makita si Crush, kahit naman bobo ako. Tao parin naman ako nagkakagusto. Si Crush 'yung dahilan kung bakit pa ako ginaganahang pumasok.

Although, I already know that we aren't meant to be. Matalino s'ya bobo ako. Sikat s'ya , Nobody lang ako. See the difference? But I need to tell you something, We're Best friend.

"Girl diba s'ya 'yung nagpost ng picture ni Pres?" Sabi ng babae Sa may gilid ko.

"Utak ipis na nga ang landi pa" sabi ni ate girl.

"S'ya nga 'yun girl. Hmm, Feeling naman n'ya papatulan s'ya ni Pres , ang bobo, bobo naman n'ya." Sabi pa nung babae habang nakatingin sakin? Nagtawanan pa sila na parang wala nang bukas. Seriously? School 'to hindi mental.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, wala naman akong mapapala sakanila tsaka I'm sure na hindi ako 'yung nagpost ng damuhong picture nung lalaking 'yun. Eww lang! Speaking of the devil. Bakit ba ang aga aga nya pumasok lately, Kasama n'ya ang barkada n'ya sikat sila sa school. Kasama din nila ang Crush ko I mean best friend ko. Kyah!

"Bro, ayan na ang admirer mo" sabi ni Kye tapos tinapik pa ang balikat ni Pres.

Lumingon Ako sa paligid para makita kung sino ba ang pinag uusapan nila kanina pa. I'm a little bit curious though.

" Wala akong pake d'yan bro. Sanay na akong nagustuhan ng mga babae. Pero I didn't expected na pati si Miss Pasang Awa mahuhulog saakin." Sabi pa nya saka ako kinindatan. Tapos nagtawanan sila. Napa tingin naman ako kay Gin, Hindi s'ya tumatawa nakatungo lang. Ano kayang problema nito.

" Hi Admirer, Alam mo sa lahat ng nagkagusto sakin ikaw ang pinaka gusto ko" sabi n'ya sakin. Di ko nalang pinansin tsaka naglakad na ako patungo sa Room namin. Sad to say we're classmates. Well, Not only classmates. Seatmates din kami. See how unlucky I am?

False Alarm (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon