BBG: chapter 4

189 7 0
                                    

theOo alam ko! Napaka tagal na walang UD nito! HAHAHAHAHA sarreh na tamad ko magsulat eh😂BABALUUU⚠este BABALA⚠ MEDYO SPG. Dejoke lang😂 May scenes kasi dito na u know.. Di pwede sa underage? Enjoy!!

Ellaine's Pov

Pag mulat ng mga mata ko, automatic na may hinanap sila.

San ba yun nagpunta? Lagi na lang ako naiiwan. Anong oras na ba? Gutom na ako!! T_T

Isip ko habang nag iinat ako. Tumayo ako at lumabas dito sa kwarto ko. Nakita ko ang mga gamit ko na nasa isang tabi at di pa ito nagagalaw. Hindi pa din kasi ako nakakapag ayos eh.

Nakakatawa. Pag labas ko ng kwarto, kwarto ulit. Hahahahah! Magka dikit kasi pala talaga ang kwarto ko at kwarto ni AJ. Tanging pinto lang ang nag seseparate, tapos pag sara mo parang walang pinto at walang kwarto sa kabila nito. Ang boring ng kulay ng kwarto nya ah. Color gray. Pero sabagay gray din yung akin eh.

Pag labas ko hinanap ko agad ang CR. Nang maka kita ako ng pinto na kulay puti, dahan dahan akong pumasok. CR nga.

May salamin dito na katapat ng bawl. Naghilamos muna ako. Pagtapos ay nag toothbrush.

Bubuklatin ko na sana ang kurtina na naghihiwalay sa shower room at sa banyo ng may makita akong pares ng mga paa.

"AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!" sigaw ko. Binuklat nung taong nasa loob nung shower yung kurtina.

ANAKANANGTINAPA!! Si AJ!!!!
My virgin eyes!!!! Hindi ako makapaniwala sa kung ano man nakikita ko ngayon! Omygod, OMYGOD, OMYGOOOOOOD!!!

"WAAAAAAAAMMMMP--" napatigil ako sa pag sigaw ng takpan ni AJ ang bibig ko saka ako bahagyang itinulak at isinandal sa pader.

"Shut up or I'll kiss you."

-

Kumakain kami ngayon ng breakfast dahil may kailangan pa daw muna iklaro sila Sir sa akin kaya pinasabay akong kumain sa kanila. Naramdaman kong lahat sila naka tingin sa akin.

Nag angat ako ng ulo at naka tingin nga sila. Si Mam Anna at ang asawa nya nakatitig ng mabuti sa akin. Si AJ at Ace naman nagpipigil ng tawa. Si Monica, ewan ko dito. Mukha syang galit.

"B-bakit po?"

"Why are you wearing those?" tanong ni Sir Ian.

Bakit? Anong mali sa suot ko? Mali bang mag suot ng long sleeves at pajama? Naka aircon kaya buong bahay nila. Saka natakot ako kanina dahil sa nangyari dun sa CR noh!

"Ah! Ano po .... ahmm.. kasi...ano nga po... ahmm...malamig po eh... hehehe" anong sagot yan? Aish!

"HAHAHAHAHAH!" napatingin kaming lahat. Hindi na napigilan ni AJ at Ace kaya humalakhak na sila.

"I told you to don't switch the AC on, right?" mataray na tanong ni Mam Anna kay Manang Josie.

"Kase po Mam sabe ho ni Ser Ejey itodo ko daw po iyong Ercon."

Dinaanan naman ng tingin ni Mam Anna si Aj.

-

"Ayyy sa wakas!" sigaw nitong si AJ habang sumalampak ng higa sa kama ko. Bastos din toh eh noh?

"Pagod ka na nun?" tanong ko sa kanya.

"Nagbuhat lang naman ako ng ref, ng tv, ng cabinet at ng kung anu-ano pa. Sinong hindi mapapagod nun?" sarkastikong tanong nya pabalik.

"Buti nga utos toh ni Mommy eh kung hindi, hindi ko naman gagawin toh" bulong nya pero kinig ko naman.

"Tss." nag irap ako ng tingin sa kanya at nagsimula ng ayusin itong kwarto ko. Sama din ng ugali nito minsan eh. Hayyyy. *pout*

"Oy, anong nginunguso-nguso mo jan ha?"

"Nakanguso ba ako? Hindi naman ah" *pout* baliw.

Hindi ko na sya pinansin hanggang hindi ko na namalayan na nasa harap ko na sya.

"Ayan oh, naka nguso ka kaya."

"ANO BA?!!?!" sigaw ko sa kanya habang hawak ang nguso kong nilamog nya.

Tatawa-tawa lang sya kahit ako nag uumapoy na ang ilong sa galit dahil sa kanya.

IKAW BA NAMAN KASI HILAHIN ANG NGUSO, MATUTUWA KA KAYA?!

"Hindi nakakatawa." seryosong sabi ko sa kanya at nilagpasan sya.

Pumunta ako sa mga dingding nitong kwarto ko at sinimulang linisin ito.

Hindi ko na nararamdaman ang presensya nya sa likuran ko kaya naman humarap ako kung nasaan sya kanina.

Nakatulala sya sa sahig at nakatitig lang duon. Ano naman kaya ang tinitignan nya dun?

Nung lumapit naman ako sa tinitignan nya langgan lang naman ang nandun. Masaya ba pag masdan ang mga langgam? Try ko kaya minsan?

"Tama!" bulyaw ko. Napatingin sya sa akin.

"Anong tama, ha?" ako lang ba or ano? bakit parang iba yung pananalita nya. Eeee! nakakatakot sya kapag ganyan...

Unti unti syang lumapit papunta sa akin...

"Tama ba na panalitaan ako ng ganun ha?"

Papalapit sya ng papalapit...

"Tama ba na ganun mo tratuhin ang amo mo?"

Sumisikip ang dibdib ko sa mga salitang nanggagaling sa kanya.

"Ganyan pala ugali mo? Akala ko pa naman iba ka sa mga babaeng may gusto din sa akin." sabi nya pagkatapos ay ngumisi. Ngayon nasa harap ko na sya at naka sandal na naman ako sa pader gaya nang puwesto namin kanina sa cr.

"Bakit nga ba naging personal maid kita? Ah alam ko na..." sabi nya at tinitigan ako ng seryoso. "Siguro dahil patay na patay ka sa akin kaya mo pinagsisiksikan ang sarili mo dito sa amin para lang magustuhan din kita ano? Napaka desperada mo naman. Mahiya ka nga. Ikaw tong babae. Dapat sa--"

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko sa mukha ko habang sinasabi nya lahat ng kasinungaligang iyon. Hindi ko na sya pinatapos sa kung ano ang mga panunumbat na sinasabi nya sakin. Sinampal ko sya dahil kahit naman pinagsisilbihan ko sya at ang pamilya nya ay wala pa din syang karapatan na pagsabihan ako ng mga ganyang bagay na hindi naman totoo.

Ganyan pala sya mag isip tungkol sa akin? Huh, wag sya mag alala kapag naman may sapat na akong ipon aalis din kaagad ako dito. Sayang din sya eh, gwapo na, mayaman, biniyayaan na sya ng lahat kaso ang ugali. Akala ko pa naman mabait sya dahil napaka amo ng mukha nya. Buti pa yung mga kapatid nya. Naalala ko tuloy yung nangyaru sa akin dati dahil sa note na nakalagay sa likuran ko.

"Sorry AJ, pero sana naman alamin mo muna yung dahilan ko kung bat ako nandito at nagtatrabaho bago ka manumbat." sabi ko sakanya habang pinupunasan ang mga luha ko at lumabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung saan ako didiretso kaya naman pumunta na lang ako sa Astrea Park kung saan ako tumatambay kapag may problema ako.

-----------------------------------------------------

Votes, Comments and shares are highly appreciated!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Boys Generation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon