Playground (Got7)

782 28 11
                                    

            Kakauwi ko lang galing ng Canada pero dumiretso agad ako sa lugar kung saan nag simula ang pag kakaibigan naming pito. Ang lugar na ito ang naging saksi ng mga iyakan, tawanan at kung may  problema ang isa, dito madalas ang takbuhan para mag- damayan.

"PLAYGROUND "  ang saksi sa aming pangarap at saksi rin kung paano ko sila trinaydor

" Naka balik ka na pala" medyo kinabahan ako ng narinig ko ang boses niya hindi ko alam kung paano ko siya haharapin

"Jackson" ang tanging nasambit ko tumingin ako sa kanyang mga mata ewan ko pero hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya kung nagagalit ba siya o masaya sa pagdating ko

Ngumiti siya at nag lakad patungo sa swing " tara upo tayo" sumunod ako sa kanya at yumuko siguro sa tagal naring hindi kami nagkita medyo nahihiya ako

" Napatawad ka na nila Mark, noon pa except kay JR " nakatingin lang siya sa kawalan " Kung iniisip mo si JR wag kang mag- alala mabait naman iyon eh siguro nasaktan lang din siya katulad ko”

"Hindi ko naman kayo masisi kung may sakit ng loob ko kayo sa akin dahil pati  ako tingin ko na sa sarili ko GAGO at walang kwentang kaibigan "  gangster ako noon I can do whatever I want in 1 command I can destroy your life and that is the biggest sh*t in my life I should have think first before taking my actions because of that called love for a girl I destroy their trust and I beaten up my best friend JB

" Kahit kelan man hindi sila nagtanim ng loob sayo. Aaminin ko nagalit din ako sa sobrang galit ko muntik na kitang sundan sa Canada para sisihin ka sa nangyari sa barkada pero bigla kong napaisip sa sinabi ni JB na hayaan na raw kitang maging masaya sa piling ng minamahal mo " 

" Sorry, naging bulag ako sa babaeng akala ko minahal ako. sorry " pilit kong pinipigilan ang luha .Ako ang pinaka matanda sa grupo pero ako ang parang bunso nila dahil sa mga bagay na hindi ko pinag iisipan

" MARK???!!! sa wakas bumalik ka na!! " agad akong nilapitan ng mga tunay kong kaibigan

naunang yumakap sa akin si Bam Bam tapos sumunod si Yugeom, Yonjae lahat sila naka ngiting sumalubong sa akin maliban kay JR

lalapitan ko sana siya pero napatigil ako sa sinabi niya " Sana di ka na lang nag- pakita ulit, OK na ang barkada tapos babalik ka ulit? para saan pa?! para mang-sira? ngayong huli na ang lahat??"

" alam ko may kasalanan ako pero pinag sisisihan ko naman iyon, sorry " naiinis na ako sa sarili ko wala na akong ibang masabi kung sorry

*BOGGSSH! *  sinuntok niya ako sa mukha ,masakit ang pag kaka suntok ni JR pero konti pa lang yon sa ginawa ko sa kanila

" Sorry!? eh gago ka pala eh kung alam mo lang ang bunga ng ginawa mo!!!! Nama-"

“ TAMA NA JR!!!!” ngayon ko lang nakita si Bam Bam na sumigaw “ sa tingin mo anong mararamdaman ni JB kung nandito siya? Magiging masaya ba siya pinapakita mo? Hindi diba? Para saan pa ang sakripisyo niya kung masisira ulit tong barkada? Tama na! ” 

tumingin ako sa paligid wala si JB “te- teka nasaan si JB?” umiwas sila ng tingin sa akin hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong may MALI

“gusto mo  ba siyang makita?” malungkot na tanong ni Yugeom kahit medyo kumakabog na ang dibdib ko tumango parin ako

 Hindi ko na alam ang mararamdaman ko habang papasok kami sa lugar na ito kung saan ang lungkot, ang daming tanong sa isip ko at habang naglalakad kami walang nagsasalita lahat naka yuko lang

Playground (Got7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon