Road

6 0 0
                                    

          Naglalakad, patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit ako naglalakad at saan ako papunta. Nakakapagtaka. Tuwimg lilingon ako, yung nilalakaran ko pa rin ang nakikita ko. Sinubukan kong ng lahat kung malaman kung anong nangyari ngunit ito daanan binabagtas ko pa rin ang nakikita ko. Nasabi ko na lang 'isa itong endless road'

Buti na lang habang naglalakad ako may nakita akong tao parehas lang ang dinadaan namin. Gusto ko syang iapproach ngunit siya na ang nauna.

"Hey! saan ka papunta?"tanong nya sa akin."hindi Ko alam."

"parehas tayo, hindi ko rin alam kung saan ako papunta." Sabi niya. "oo nga pala, Ako si Allie, ikaw anong panagalan mo?"

"hindi ko rin alam" sagot ko sa kanya,

"Ganun ba? Sige miss." Disappointed yata sya sa sinagot ko kaya parang mauuna na sya.

"Wait, wag kang umalis." Pigil ko sa kanya"pakiusap wag mo kong iwan."

At bigla na lang ako napaiyak. Sa tingin ko nga ayaw nya rin ako iwan.

"pwede mo ba akong samahan." Pakiusap ko sa kanya.

"Oo naman." Masayang pagtugon nya sa akin. "sabagay mukhang iisa lang pupuntahan natin".

Sinabayan nya ako sa paglakad. Nagkwento sya sa buhay niya, sayang lang dahil gusto nya rin malaman kung sino ako. Kung naalala kong lahat kung sino ako maikekwento ko rin. Masaya kaming naglakad hangang sa naisip ko mauna ng kaunti. "Waiiiiiiiit!" sigaw nya at napatingin ako sa kanya.

"Wala na sya , wala na akong kasama sa paglakad, bakit ko bang nakalimutan? ang tanga ko, bakit?" sabi ko sa sarili ko at muli akong napaiyak.

Hindi ko alam, bakit? Pero parang ilang araw na kami magkasama kahit hindi nagkakaroon ng paglubog ng araw at pagsikat nito.

Ngayon, wala na akong kasama sa paglakad. Mag-isa na uli ako.

Nagsimula uli akong maglakad na mag-isa habang umiiyak. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagpapatuloy sa paglakad.

Maya- maya may nakita akong liwanag.

"ano ba ito?" tanong sa aking sarili. Lalo pa itong nagliwanag at bigla nalang akong may naalala.

Isang parating na sasakyan. Papunta sa akin at doon natapos iyon.

"hindi pwede iyon, patay na ako? bakit?" Isa pala iyong alaala ng pagkabundol ko. Nakakatakot isipin na kaya pala parang iisa lang ang aking dinadaan ay iyon pala ang lugar kong saan ako naaksidente.

Lalo pang lumakas ang pag-iyak ko. Pag-iyak sa katotohanan. Katotohanang wala na akong buhay.

Ngunit habang nasisilaw ako sa liwanag na galing sa isang bagay. Ano ito? Boses? kanino?.

"Nagising na ang pasyente.?" Pasyente? Sino?

Nasaan ba ako? Ano ba lugar ito? Nasa Kalsada ako at ngayon ay nasa kwarto.

Kwarto puro puti.

"Miss, Anong lugar ito?" Tanong ko sa babaeng nakaputi.

"Nasa ospital ka miss."

"O...os...pi...tal?" pautal kong tanong "Oo, Matagal ka nang nasa coma. Tatangalin na sana mamaya ang life support mo mamaya ngunit bigla kang nagising. Maswerte ka." Sagot niya sa akin habang may tinatawag na doctor.

"ilan taon na po akomg nasa coma?"

"Tatlong taon. Ang pagkakatanda ko." Sagot nya sa akin. 3 years,Tatlong taon na akong nandito sa ospital.

May bigla pumasok. Umiiyak na matandang babae nasa edad 47. Hinawakan nya ang aking kamay "Anak, salamat sa Diyos at dininig nya ang panalangin ko."

"Ma, kamusta ka na?" yon lang ang bigla kong nasambit ko.

Lalo pa siyang humagulgol sa pag-iyak at niyakap akong mahigpit "Ikaw, talaga palabiro ka". Bigla rin ako napaiyak "Ma" at tinigil nya na sa pagyakap sa akin. Napangiti akong umiiyak. Tear of rejoice siguro ang tawag dito.

May pumasok pa ang tao at naka- stethoscope "Iha, miracle ang nangyari sa iyo." sabi nya sakin"Ang kabilang mong paa ay nasa hukay na at ito ngayon buhay ka."

"Dok, ano po bang lagay nang anak ko ngayon."

"Sa tingin ko nasa maayos na syang kalagayan ngunit isasailalim pa rin sya sa lab test".

"mabuti naman dok, "

"Dok kalian po ba ako makakaalis? " tanong ko.

"Mga ilang araw bago matapos ang lab test"

Pagkalipas ng ilang araw. Makakauwi rin ako. "ma pwede po ba tayong dumaam kong saan ako naaksidente."

"huh, bakit?"tanong nya sa akin "Gusto ko lang pong madaanan"

"kakaiba kang bata ka, isa ka lang yata sa gusto pang Makita kung saan sila naaksidente"

Dumaan nga ako kung saan ako naaksindente. Naalala ko yung dinadaanan ko.

Ito'y paulit - ulit lang na daan.

Sa lugar na aking napuntahan ay parang naglakbay na walang katapusan ngunit meron pala. Dito rin ako nakatagpo na karamay sa paglalakad.

Nasan na kaya siya?. 

Hindi ko alam kung buhay pa siya or wala na.

"Nak tumawag ang papa mo tinatanong kung ano oras tayo uuwi" biglang tanong ng aking ina habang ako'y nag gugunita ng pangyayari sa kin buhay.

"Pakisabi ano mang oras" sinabi ko habang tinitignan ko uli ang daanan Kong san ako naaksidente.

May nakita akong pamilyar na mukha na unti –unting lumalapit.

"Hello miss! Ako nga pala si Allie. Ikaw anong pangalan mo?"

The end








Note: 

 Salamat po sa nagbasa ng story 

Kahit Over sa kaikli nito at medyo magulo ang story.


By: Light Tale

Road(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon