Bakit ba ang mga tao lalo na ang teenagers they talk about this love life thing. Ang babata pa naman namin. Ako, next time na lang ako diyan sa love life na 'yan. Kahit na 'yung dalawa kong best buds ay may boyfriend at out place ako kapag lalakwatsa kami.
Okay lang.
" Maganda ka naman, matalino at mabait pero bakit wala ka pang boyfriend?"
Simple lang. Ayoko magboyfriend eh.
Minsan naiisip ko, ano feeling ng may boyfriend? Paano mag celebrate ng monthsarry? Ano pinag-uusapan ng mag bf/gf?
Tao naman ako. Nagka-crush din naman ako. Nainlove pero inspiration lang. Infatuation siguro.
Hello, I am Paris. High school graduating student na ako sa pasukan. NBSB ako, kung 'yung iba nagkakaboyfriend na ng first year, ako hindi, okay na sa akin ang crush-crush. Ewan ko ba. May mga matitinong lalaki naman nanliligaw sa akin kaso pinakamatagal ata sa kanila 2 months, sumusuko na din sila kasi nga alam nilang hindi ko sila sasagutin.
Baka kasi, ayoko masaktan? ayoko mabroken...
Nilista ko 'yung dream guy ko.
- Maputi
- Mayaman
- Mabait
- Matangos ang ilong
- Matangkad
Taas daw ng pangarap ko. Kaya ng DREAM guy eh. Itodo mo na. Hahaha.
SUMMER VACATION
Hindi naman ako gala. Masaya na ako sa tapat ng computer at sa cellphone. Kausap ko barkada ko sa twitter o di kaya sa facebook. May nagchat sa akin
Peter: Hi Ate!
Paris: Hello! Uy ikaw 'yung top 1 ng second year, hindi ba? Congrats!
Peter: Salamat po! Hehehe. Ate, alam mo po ba, Idol kita?
Paris: Ha? Talaga? Bakit ako? Pwede naman si Hazel, 'yun yung top 1 namin eh. rank 7 lang naman ako.
Peter: Hahaha. Eh kayo po 'yung idol ko talaga eh.
Nakakatuwa naman. May fan ako sa lower level. Hahaha. Feeling ko nga crush lang ako nito eh. Feelingera ako ha! Si Peter, kabaligtaran siya actually ng dream guy ko eh. Hindi siya maputi, Hindi naman siya mayaman, alam ko, Hindi siya gwapo, tama lang. Matangkad siya. Pero tingin ko sa kaniya nerd maybe because top 1 siya at mas bata siya sa akin.
Lumipas ang mga araw ng bakasyon nasa kalagitnaan na ng April.
Tapos si Jen nagtext sa akin.
Jen: Bes! T-T
Paris: Huy, bes! Bakit? Anyare? Away na naman kayo?
Jen: Worst! Iniwan na niya ako!!
Paris: Girl, lalaki lang 'yan. Andami diyan na iba!
Jen: Paris, kasi hindi mo pa kasi alam 'tong feeling na 'to. 'Yung feeling na para kang pinatay habang buhay ka :((((( Bes, ansakit sakit talaga
Paris: Sorry na ha? Eh ayoko magboyfriend eh.
Jen: Nako Bes, ansakit talaga.
Paris: 'Yan ang dahilan kung bakit hindi ko talaga gusto magkaboyfriend, ito ka ngayon. Iyak ng iyak. Napakalakas mong tao pinahina ka ng love-love na 'yan
![](https://img.wattpad.com/cover/1264137-288-k494238.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed
RomanceBased from real life story, A story of a girl na ayaw magboyfriend but fell for a guy na opposite ng kaniyang dream guy.