MR. DAY DREAMER

30 0 0
                                    

April 11,2020; 6:00 ng umaga. nagisisng ako dahil sa malakas na tilaok ng mga manok. Marami kasi akong alagang panabong na manok sa aming likod bahay. Para bang sinasadya nila na ako'y gisingin. di kasi sila tumitigil hanggat di ako bumabangon. Para bang may gusto sila ipaalala sa akin.Isang mahalagang bagay na parte ng aking buhay.

             Dahil sa halos sabay-sabay sila sa kanilang ginagawang pagtitilaok ay napilitan na akong bumangon. Pumunta muna ako sa kusina. Nagtimpla ako ng kape at nilagyan ko ng creamer. Medyo masakit kasi ulo ko kaya umupo muna ako sa sofa. Kinuha ko ang dyaryo at nagbasa. Una kong binasa ang sport. Ayos! Nanalo ang team ko sa basketbol. Di ko kasi napanuod kagabi kaya sa dyaryo ko na lang inalam. Pagkatapos, sunod kong tiningnan kung ano tumama sa lotto. May taya kasi ako kahapon. Habang nakatitig ako sa mga numerong lumabas ay napasulyap ako sa petsa ng dyaryo na malapit sa kinalalagyan ng mga numerong tumama.

             Naku! April 11 nga pala ngayon. Kaarawan ko at ika-limang taong anibersaryo ng aming kasal ng asawa ko. Tumayo ako buhat sa aking pagkakaupo. Nakaalis na pala misis ko. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang kwentas na regalo ko para sa kanya. Habang kinukuha ko ay may nakita akong kard. Tiningnan ko. Kard galing sa asawa ko para sa akin. Di pa rin siya nagbabago. Napakalambing pa rin niya. Kahit sa sulat, damang dama ko ang pagmamahal niya. Kaya nga minahal ko siya ng sobra dahil sa katangian niya.

             Nawala bigla ang sakit ng ulo ko. Napalitan ng "guilty". Pakiramdam ko, napakawalang kwenta kong asawa. Nagawa kong kalimutan ang anibersaryo ng aming kasal. Saka ko naalala na umuwi pala ako ng lasing kagabi. Kasama ko nga pala ang FAMILIA MANSANAS, mga kaibigan ko simula nun college. Mas lalo akong nakadama ng "guilt"

             Paalis na sana ako ng bahay para puntahan siya sa ospital na pinagtatrabahuan  niya nang bigla siyang dumating. Gusto ko sana siya puntahan para mabati ko siya. Di pala siya pumasok. Nakipagpalit dw siya ng sked niya. Bakas sa kanyang mukha ang kaligayahan. Nilapitan niya ako  at niyakap. Una niyang binati ako sa aking kaarawan. Sunod ay ang pagbati sa aming anibersaryo. Labis ang galak na aking naramdaman.

             Binigay ko ang kwentas na pinabili ko kay Lester. Galing kasi siya sa abroad. Nakita kong masaya ang misis ko. Sinabi niya sa akin na wala siyang maibibigay na regalo sa akin. Malungkot ang kanyang tinig. Niyakap ko siya at sinabing okey lang naman kahit wala. Sinabi ko sa kanya na wala nang hihigit pa na kahit na ano pang bagay sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Napaiyak siya sa sinabi ko. Muli ko siyang niyakap at pinahiran ko ang kanyang mga luha.

             Niyaya ko siyang kumain sa labas pero di siya pumayag. Kasi may sorpresa daw siya sa akin. Hanggang sa dumating ang buong tropa ng FAMILIA MANSANAS, kasama ang mga pamilya nila. Nakahanda na pala ang lahat. May mga dala silang pagkain. Akala ko, ito na ang sorpresa sa akin ng asawa ko. Hindi pa pala. Habang kumakain ang lahat ay bigla siyang tumayo at nagsalita. Pinasalamatan niya ang aming mga kaibigan sa pagdalo sa aking kaarawan at higit sa lahat sa aming anibersaryo. "Gusto kong kunin itong pagkakataon na ipaalam sa inyo na ang kaibigan ninyong si Rhey ay malapit nang maging ama", sabi niya. Tuwang-tuwa ang mga tropa. Sa wakas daw ay magkakaroon na kami ng anak.

             Kung tuwang-tuwa ang mga tropa ko para sa akin, ako naman ay tahimik lang. Patuloy na nakikinig sa aking asawa. Di ko alam kung paano ko ilalabas ang aking kasiyahan. Gusto kong magtatatalon sa tuwa. Gusto kong sumigaw ng napakalakas. Gusto kong ipaalam sa lahat na ako'y magiging ama na. Magiging ama ng anak ng babaeng pinakamamahal ko. Talagang tulala ako. Para bang ako'y nanuno.

             Hanggang sa naramdaman ko na may tumatapik sa akin. Kanina pa pala ako tinatapik ni Pao. Kanina pa pala ako tinatawag ni sir jojo. Ipaliwanag ko raw ang pathophysiology ng cardiomegaly. Nakakahiya tuloy. Ayan kasi, kanina ka pa nakatingin sa crush mo. Di mo tuloy narinig na tinatawag ka na ni sir. Paninisi ni Pao.

             Hay naku! Umandar na naman ang sakit ko. Nangangarap na naman ako ng gising. Akala kotalaga, totoo na ang lahat. Hindi pala! Bunga lang ng aking imahinasyon ang lahat. Lahat pala ay pangarap ko lang. Pangarap habang ako'y gising.

             Hayan tuloy! May bagong tawag sila sa akin ngayon. Ako raw ay si MR DAY DREAMER.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MR. DAY DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon