Chapter 1:

4 0 0
                                    

"Yessss!!!!"- magkasabay na sigaw namin ng mga barkada ko matapos malaman na nakapasa kami sa scholarship exam sa isa sa mga school na enixaman namin.

" guys maaga akong uuwi ngayon sasabihan ko sila mama."- nakangiting usal ni Junna.

We're working in a fast food chain but in a part time job. Nag-iipon kasi kami. You know, malapit na ang pasukan at magco-college na kami. Nag exam kami ng scholarship in the same school dahil hindi naman kami mayaman kumbaga nasa middle class lang kami.

And luckily, pasa kaming magbabarkada sa scholarship examination.

"Ma, Pa. Good News."- nakangiti kong bungad sa mga magulang ko pagkarating ko galing sa trabaho.

" Siguraduhin mo lang na good news yan Aliyah Grace."

"Hehehehe.... Ma, Pa..... NAKAPASA AKO SA SCHOLARSHIP EXAMINATION."- nakasigaw kong saad.

Exaggerated pa ako niyan habang naka sigaw, na akala mo naka pasa sa board exam.

They've all know kong gaano ko kagustong makapag-aral kaya sinosoportahan nila ako. Even though minsan eh, wala kaming pera pero gumagawa sila ng paraan para meron lang maipangtustus para sa pang-araw-araw naming pangangailang magkakapatid.

Minsan nga ay naaawa na ako kay papa dahil kahit na pagod na siya ay hindi siya uma-absent sa trabaho niya.

Si mama naman ay may balak na namang bumalik sa kuwait dahil gusto siyang pabalikin ng amo niya. Buti nalang at nakahanap si mama ng isang mabuting amo.

" Wag na wag kang maglalakwatsta dun huh? Wag na wag karo'ng magpapabola sa mga lalaki dun."- bilin pa ni mama habang nag-iimpaki ako.

"Ma naman magbo-board lang ako dun."- natatawa kong saad sa kanya.

" Ayaw ko lang naman na matulad ka sa ate mo."- nakayukong saad niya.

Maaga kasing nag-asawa si ate kaya ganyan sila ka overprotective sa aming natitirang magkakapatid.

Katulad nalang sa akin na 18 years old na pero binabawalan akong gumamit ng lipstick ni papa kahit gano pa yan ka putla ang labi mo. Halata pa naman ang pagkaputla ng labi ko dahil anemic ako.

"Una na po ako."- paalam ko kina mama dahil pupunta na ako sa nakuha naming apartment malapit sa school na pinag-aaralan namin.

" Kumain ka ng mabuti dun huh?"

"Opo."- natatawa kong sagot kay mama. Umiiral na naman kasi ang pagkamamaalahanin niya.

" Oh, sige na at baka bukas ka pa makapunta dun sa dami ng habilin ng mama mo sayo."- natatawang saad ni papa.

Napanguso naman si mama sabay hampas sa balikat ni papa.

"Bye, bunso."- sabay halik ko sa pisnge ng bunso namin at ginulo ko ang buhok ng kapatid kong 14 years old.

"Ate naman eh."- nakabusangot niyang saad sabay ayos ng buhok niya.

Natawa nalang ako sa inasal niya.

" Bye."- tuluyan na akong umalis at nakita ko pang nagpunas si mama ng luha niya.

Tsk, si mama talaga para naman akong pupunta sa malayo at isang araw lang uuwi sa isang taon.

Pagkarating namin sa apartment na tutuluyan namin ay nahiga na ako sa kwarto ko. Malaki ang nakuha naming apartment, may anim na kwarto na tama lang sa aming magbabarkada. Napagdisisyunan din namin na hati kami sa lahat ng mga gastusin.

Napabangon ako ng magvibrate ang cellphone ko. Nakatulog pala ako at pagtingin ko sa wrist watch ko ay 6:30 na pala. kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang caller i.d, si mama pala.

"Hello ma??"

"Hello, nak. Kumusta? Nakarating na ba kayo?"- nag-alalang tanong niya.

" Opo ma. Kanina pa po. Hindi kita agad natawagan kasi nakatulog agad ako pagkarating namin."

Pagkatapos naming mag-usap ni mama ay pumunta na ako sa kusina para sana maghain ng hapunan namin ng mapasin kong nasa kusina na pala silang lima habang naka poker face na kumakain.

"Kain na."- nakasimangot na saad ni Rowena sa akin.

" Hindi ka na namin ginising kasi mahimbing ang tulog mo."- dagdag pa ni kuya Riel. Kuya ang tawag namin sa kanya kahit na hindi naman nagkakalayo ang idad namin kasi mukha siyang kuya namin kung makapag-advise sa amin daig pa ang magulang namin kung maka-asta.

"Ano ba yang kinakain nyo?"- tanong ko sa kanila.

" Pagkain!"- nakabusangot na sagot ni Chera habang ngumuya-nguya na halos hindi kayang lunukin ang pagkaing nasa bibig niya.

Naalala kong hindi pala marunong maluto tong mga kasama ko. Tinignan kung mabuti ang pagkaing nasa hapag.

Kanin pala ito na mukha ng lugaw at isang itlog na sunog, tinikman ko ang itlog. Nagnatatakbo ako sa labaho dahil sa lasa nito. Ang alat kasi na akala mo isang kilo ng asin ang nilagay.

"Sino bang nagluto nito?"

"Kami!!"- sabay-sabay pa nilang sagot.

Napapailing nalang ako sa kanila. Ang tatanda na pero hindi pa alam kung pano magluto.

Si Honey 20 years old na at siya ang pinakamatanda sa amin. Si Kuya Riel at si Chera naman ang pumapangalawa na parihong 19 na. Si Juna at Rowena na katulad kong 18 pero mas matanda sila ng buwan sa akin.

So, bali ako yung pina kabata sa kanila kaya nga ang tawag nila sa akin ay baby idagdag pa na mukhang bata yung boses ko at hindi rin ako kataasan kaya kung hindi mo talaga alam kong ang taon na ako baka mapagkakamalan mo akong grade 8 palang.

*******

CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon