ANG BOYFRIEND KONG BAKLA (ONE SHOT STORY)

722 17 11
                                    

"Ui baklitang marz! Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko kay Kyla habang tinitignan ko siya sa salamin. Siya nga pala, ang bestfriend kong bakla. Take note! MY ONE AND ONLY BESTFRIEND KO!! Hahaha!!!!!

"Naghihilamos ako marz. Bulag ka ba marz?! Syempre nagpapaganda ako ng bonggang bongga birit para sa gradball natin mamaya."

"Ang kapal naman ng makeup mo marz! Bawas bawasan mo naman yan pag may time." puna ko sa kanya. Eh totoo naman kasi. Super kapal talaga ng makeup niya to the highest level! Ayan! Nahawa na tuloy ako sa kabaklaan niya. Haay...

"Ganyan talaga yan marz. Kailangan makapal ang makeup para mapansin ka kagad ni crush!" Lagay na naman siya ng... blush on ata yun. Blush on ba yun yung nilalagay sa pisngi? Ai ewan! Anong malay ko ba dyan sa makeup na yan, eh di naman kasi ako nagmemakeup. Psh! Daig pa ako ng baklitang yan. (_ _")

"Haay.. marz. Parang Pikachu na nga ang pisngi mo dahil to the highest level ang pula! Kaloka ka ha!"

"Grabe ka naman! Tara nga dito! Memakeupan din kita." Tapos na siya magmakeup kaya tumayo na siya at pumunta sa akin.

"Hay naku! Wag na oy! Baka maging Pikachu rin ako katulad mo. hahaha!!!!" Lumayo ako sa kanya.

"Ai naku! Hindi noh! Syempre light lang sayo. Tara na kasi." Hinila niya ako paupo sa may upuan para makeupan ako.

"Hehe..." pilit akong tumawa. "Di kasi ako sanay sa makeup eh. Pwede bang wag na lang ako magmakeup? Tutal wala naman makakapansin eh." (^__^" )7

"Asus! Naginarte pa tong babaitang to! Hindi pwedeng hindi ka magmakeup marz! Kailangan, kapag nakagown ka dapat may makeup na kapartner para maganda kang tignan. O di ba? Bongga! Pansin ka kagad ni crush!" naguumpisa na siyang makeupan ako.

"Haay... gusto ko kasi simple lang marz. At promise! Ayoko talaga ng makeup kasi nga di ako sanay. At saka baka di naman bagay sa akin."

"Asus! Nagdrama pa ang marz ko. Bagay sayo yan! Ano ka ba marz! Wag kang nega ha! Basta, magtiwala ka lang sa akin. Papagandahin talaga kita ng bonggang bonggang birit. Mas maganda pa kay Angel Locsin."

"Hahaha!! Patawa ka talaga. Sige nga. Dapat matalbugan ko ang kagandahan ni Angel Locsin ha! Echos!"

"Aba! Oo! Talagang matatalbugan mo yun."

Makeup dito...

Makeup doon...

Makeup dito...

Makeup doon...

Tapos na!! Bongga!!

"Marz, kulutin natin ang buhok mo ha." Sabi niya sa akin habang nilalabas na niya ang pangkulot sa buhok.

"Ikaw na bahala marz. Wala kasi akong alam sa ganyan eh. Basta siguraduhin mo marz na babagay sa akin yan ha?"

"Ai, syempre marz. Babagay yan sayo. Tiwala ka lang sa akin." nagumpisa na siyang kulutin ang buhok ko.

Kulot dito...

Kulot doon...

Kulot dito...

Kulot doon...

Tapos na!! Bongga!!

"O di ba bongga! Ang ganda mo marz!" naguumpisa na siyang magligpit ng mga kalat niya.

"Ang galing mo pa lang magmakeup marz. Natalbugan ko na nga si Angel Locsin! Hahaha!!!! Echos!" nakatingin ako sa salamin at pinagmamasdan ko lang ang new look ko. New look talaga! Ikaw ba yan Trixie? Or ikaw na si Karylle? Hahaha!!! Echos lang! ^____^

"Syempre ako pa! Osha, isuot mo na yung gown mo at ng makalarga na tayo."

"Okay marz."

Kinuha ko na sa kama yung gown na susuotin ko at sinimulan ko ng hubarin yung suot ko. Itataas ko na yung damit ko pero biglang tumili si marz.

ANG BOYFRIEND  KONG BAKLA (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon