Third year high school ako nung unang mapansin siya ng mga classmate ko, Hindi ko pa siya crush nun nacutetan lang ako yun lang may gf din kasi siya that time classmate ng kuya ko. Pero unexpected nagustohan ko siya nung bago ako magfourth year high school ewan ba parang bigla na lang ako na gwapohan sa kanya. Kaya yun naging crush ko siya nagkakatext din kami. Tuwing nagtetext siya kinikilig ako lagi akong nagpapaload, wala pa akong nilampasan na text niya na di pa ako nagpaload. Kahit may pasok at may klase ako basta nagtext siya nagrereply ako habang nakikinig ako nagtetext ako. Nagka Internet kami lagi kung tinitignan ang friendster niya mga pictures at mga nagcocomment sa kanya. Lagi ko nga siyang status sa friendster ko may kanta pa nga ako sa kanya na lagi kung pinakikinggan yung “Just So You Know by:Jesse McCartney”. Dahil nga sobrang crush ko siya nagdownload ako ng mga pictures galing sa friendster niya at tuwing online siya sa facebook lagi kung hinihintay na ichat niya ako chinachat din niya ako kaya natutuwa ako. Ang hindi ko pa nga makakalimutan nun kasi uso ang farmville sa facebook pati din siya naglalaro nun minsan nagmessage siya sa farmville ko grineet niya ako ng Merry Christmas. Hindi ko binubura yun kasi yun ang unang message niya sa akin sa facebook. At nung Foundation Day namin nagpagawa pa nga ako ng jersy na combination ng name namin ang nakalagay. Hay naging love ang paghanga ko sa kanya. Tapos bigla ko na lang nalaman may gf pala siya huhuhu L medyo nalungkot ako na di na umasang magustohan niya pa ako. Hanggang nalaman ko sa mga kaibigan ko na pumunta pa siya sa house nung girl at alam niya ang facebook account nung girl. Tapos nakasabay pa namin siya minsan pauwi kasi kami bumili kami ng damit para sa Christmas party. Sa Dagupan siya nag-aaral kaya yun sobra ang tingin ko sa kanya standing sila sa bus nun magkatetx kami sabi niya paupoin ko daw siya kung di lang ako babae di pinaupo ko na siya. Tinawag pa siya nung barkada ko na pinsan ng gf niya nainis ako kasi ayaw ko yung showy ako sa crush ko na crush ko siya kaya medyo nahiya ako. Minsan pa nga linggo yun nakita ko yung girl kasama niya nagsimba hay sobra akong nalungkot kasi siya lang yung guy na nainlove ako ng sobra kaya yun di ko na siya tinext. December 24, 2009 ng gabi nagsimba kami ng mga barkada ko aba nakita ko siya sa church kasama niya mga barkada niya sobra akong kinikilig kasi nakita ko siya uli after a day. Lalo akong nainlove sa kanya tingin ako ng tingin kahit alam kung di naman niya ako mapapansin dahil nga sa may gf na siya. Fiesta ng barangay nila pumunta ako taga dun kasi yung mga barkada ko inaasahan kung makita siya. Nakita ko nga siya lagi ko siyang hinahanap ewan ko ba ang feeling ko di naman niya ako kakausapin bat ba hanap ako ng hanap sa kanya inlove talaga ako sa kanya. Then after that happenings nakita ko uli siya sa City Mall kakatapos ko lang magpaenroll nun then habang naglalakad kami ng kaibigan ko nakita ko siya may kasamang girl maputi, mahaba ang hair. Shit I was shock kaya nag iba ako ng way feeling ko gf niya yun kasi kasabay niya maglakad may dala pa silang foods at sa food court ata sila kakain. Mula nun parang nawalan na ako ng gana pero di mamatay matay feelings ko sa kanya kahit pinipilit kung mawala na. Pero di pa dun natatapos ang lahat. College na ako sa Dagupan ako nag-aaral dun din siya kaso magkaiba kami ng school. Tuwing papasok at uuwi ako hinihintay kong makasabay ko siya pero patapos na ang 1ST sem. Di ko pa siya nakakasabay kaya medyo nalungkot ako. Pero one time unexpected ulit nakasabay ko siya for the first time medyo maggagabi na nung sumakay ako ng bus sa terminal. Syempre di ko naman inaasahang makakasabay ko pa siya kasi ganung time ako lagi umuuwi ee hindi ko pa siya nakakasabay that time lang talaga siguro nga may ginawa siya at nagabihan. Sa likod siya umupo dun din kasi ako lagi umuupo sa bandang likod kaya yun magkatapat kami sa bus tinitignan ko siya pero tinitignan niya yung ex niya sa labas kaya yun di ko na lang pinansin. Then one time ulit nag-open ako ng facebook ko may nagmessage sken gosh! Gulat ako siya ang nagmessage grabe sobrang saya ko na parang nakalimutan kung broken hearted pala ako kakabreak lang kasi namin ng bf ko nun. September 16, 2010 nung nagmessage siya at ang sabi niya pa sa message niya sabay daw kaming umuwi, hay lalo akong sumaya. Nagkasabay nga kami umuwi nagkita din kami sa City Mall pinakilala ko siya sa mga barkada ko. Hindi kami madalas magkasabay kasi sobrang layo ng sked ko sa sked niya kaya if timing maaga uwian ko tiyaka lang kami nagkakasabay. Minsan pa nga nagcutting ako ng dahil sa kanya niyaya niya kasi ako manuod ng cheerdance sa school nila. Gusto ko din siya makasama kaya di ako pumasok pero di lang naman siya ang rason bat ako nagcutting gumawa din kasi ako ng report namin na movie ee mahirap un kaya yun. Pumunta nga ako ng school nila di naman kami magkasama nanuod nagkita na kami nung after ng cheerdance. Pero ayos lang sinamahan naman niya ako maggrocery hay sobrang tuwang tuwa nga ako nun ee. Kasi hindi ko talaga inaasahang magiging friends kami ng ganun sa personal kasi talagang hanggang text lang kami dati. Tapos one time tinext niya ako na may gusto siya sa akin di naman ako maniwala kasi basta ewan ba feeling ko parang malabong magkagusto siya sa akin. Kasi di naman ako maputi at isa pa hindi ako sexy kaya di ako naniniwala na may gusto siya sa akin. Then yun nagkakatext pala sila nung isang barkada ko sabi niya daw sa barkada ko na gusto daw niya ako ligawan. Kaya yun umasa naman ako na manliligaw nga siya J . Mag1month na mula nung sinabi niya yun sa barkada ko di pa din siya nanliligaw kaya yun nawalan na ako ng hope na manligaw pa siya. Nainis ako kasi pagkatapos ng lahat yung sabay kami umuwi pagiging sweet niya sa text tapos yung sinabi niya pa sa barkada ko umasa ako nun sobrang umasa. Hindi ko alam tumatakbo pala siyang Sk Chairman sa barangay nila kaya pala busy daw siya di daw niya ako magawang ligawan kasi madami daw siyang inaasikaso baka daw di niya ako maharap kaya daw ganun. Pero gusto daw niya ako ligawan pero sadyang ganun nga. Kaya ang akala ko hindi na talaga siya manliligaw kasi nga ganun kaya di na rin ako umasa nalungkot ako ng bonggang bongga. All Souls day nasa house ako ng barkada ko nagdradrama yun kweninto ko sa kanya lahat ng ng yari sa amin na umasa ako. Then maggagabi na andun pa din ako nagtext siya nabigla ako na parang gusto niya magkita kami. So, yun kinilig ako kasi bihira na siya magtext nun tapos biglang nagtext na want niya ako makita kaya yun naging masaya ako J. Maya maya pumunta sila sa tindahan malapit sa house ng barkada ko. Nahihiya daw sila pumunta sa house ng barkada ko. Kaya hinayaan ko na lang naisip kung kunyaring umuwi para makita ko siya, nakita ko nga siya. Nung malapit na ako sa house nagtext siya na pumunta daw ako ng plaza. Pumunta naman kami ng mga barkada ko at nakita ko siya. Nag-usap pa nga kami ee nahihiya ako kasi kumakain pa ako ng ice cream nun nakatingin pa siya sa akin J. Tumambay pa kami para pasakayin yung barkada kung isa kasama pa namin siya sobra akong kinikilig kasi tumitingin siya sa akin J. Nung nakasakay na yung barkada ko ako naman ang hinatid nila sa bahay nung papunta na ako sa gate namin lumalapit siya hay kilig ulit. Nung nasa loob na ako ng house nagtext siya kung anu-ano napag-usapan namin hanggang sinabi niya na manliligaw na daw siya. Hay di ko alam kung anung gagawin ko sa sobrang saya kasi unexpected lagi ang mga hirit niya. Syempre pinayagan ko na siya manligaw nun. Naging ok naman siya sa panliligaw. Ang di ko pa nga makakalimutan nun nagpuyat siya katext ako hanggang madaling araw sobra akong natuwa dun kasi unexpected ulit na magpupuyat siya for me J happiness bah . Yun dumating na ang time sinagot ko siya nung November 15, 2010 ng di inaasahan. Ang unang linggo namin parang naiilang pa ako sa kanya pag nagtetext siya wala na yung kilig kilig kaya medyo nanibago ako sa relasyon namin. Naging mas complicated kasi pumunta sila ng Baguio ng di niya sinasabi sa akin, syempre medyo na hurt ako kasi gf niya ako tapos di ko alam nasa Baguio pala siya hindi pa siya nagtetext sa akin, tapos tinext ko siya na nagtatampo ako tapos parang wala lang sa kanya. Tinawagan ko ung isang barkada ko sabi niya baka daw may iba na siya kaya siya ganun, ibreak ko na daw siya pero di ko kaya kasi sobrang mahal ko siya. Tiniis ko yun kahit di niya nirereply mga text ko hndi ko siya brineak umaasa ako na magiging ok din kami. Then one time uwian ko na nun hindi ko nanaman inaasahang magtetext siya kasi bihira na nga siya magtext kahit nung kami na. Sabi niya hihintayin daw niya ako at sabay kami umuwi, natuwa ako kasi ganun hihintayin daw niya ako. Nagkasabay kami sobrang saya ko pa nga nun kasi nagkukulitan kami tapos nilalambing niya ako J. Yun naging ok ang lahat nagkakasabay na kami nagkakatext na kami lagi. Tapos nabalitaan ko nagpalaro daw siya sa barangay nila ng basketball kasama siya sa laro yun trinay ko manuod. Kahit di talaga ako nanunuod ng basketball at ayaw ko talaga maging supportive pag mga ganun kasi halos lahat ng naging bf ko basketball player yun ang madalas na rason ng pag-aaway namin ng mga naging bf ko kaya yun napilitan lang talaga ako manuod nun. Natapos ang laru nila di kami masyado nag-usap umalis na ako nun. Di pa ako umuwi nun tumambay pa kami sa waiting shed kasi hinintay namin yung bf ng barkada ko, trinay ko siya tawagan para mag-usap kami kaso may lakad daw siya kaya yun hinayaan ko na lang pero medyo nalungkot ako kasi lagi na siyang busy na parang wala na siyang time sa akin. The next day nanuod ulit kami ng laru nila yun after ng laru umalis na kami sa cover court pero bago ako umalis kiniss ko siya sa pisngi. Tumambay pa kami sa waiting shed pero di ko siya kasama syempre di ko na iniexpect pang mag-uusap kami. Atfer a minute nakita namin siya ng barkada niya na bf ng barkada ko na kasama namin tumambay sa shed. Bigla siyang lumapit at nakipagkwentohan naman sa amin pero di kami magkatabi. Maya maya naisipan nilang magmeryenda sa bahay ng barkada niya yun pumunta kami kumain pa kami ng tinapay dun. Siya inutusan namin bumili, bumili naman siya, nakakatuwa nga ang takaw niya after nun pinasakay ko na yung barkada ko tapos pinasakay na rin niya ako. Naalala ko pa pinalitan ko yung name ko sa cp niya, tapos nagkiss pa ako sa kanya sa pisngi bago ako sumakay ng bus sobrang saya ko nun puno ng kilig ang relasyon namin. Malapit na ang Christmas nagkaroun ng usapan na magsisimba kaming dalawa sa Christmas. December 24, 2010 hindi siya nagtetext ng buong araw nun kaya di ko na inaasahang magsisimba pa kami ng gabing yun. Pumunta pa din ako ng church nun kahit di ako sure na pupunta siya, pumunta nga siya yun pinsaya niya ulit ako kasi may isang salita pala siya. Nagsimba kami after ng mass nag-usap pa kami niyakap niya ako yun lambing lambing malapit na ang 12am di pa kami nakakauwi kakahintay ng sasakyan yun nakasama ko siya sa dispiras ng christmas nasa gilid kami ng kalsada nag-aabang pa rin ng sasakyan kasama mga barkada namin. (yun na siguro ang isa sa pinakamasayang pasko ko kasi last year nun tinitignan ko lang siya sa simbahan ee. This year kasama ko na siya ako pa ang gf niya J kaya napakasaya para sken.). After nun naging busy na siya nanalo kasi siyang Sk Chairman nagpaXmas Party siya. Bihira na niya ako tinetext kaya medyo nagtampo din ako. May Xmas Party din sa amin nun nagpaparty din ung Sk namin wala akong balak pumunta nun kasi anu naman gagawin ko dun wala ako medyo kilala kasi kalilipat lang din namin dun sa barangay na yun. Pero ewan ba at sa himbing ng tulog ko nagising ako at pagtinggin ko sa cellphone ko ang daming text ng isang barkada ko na niyayaya ako pumunta sa Xmas Party ng barangay namin at ewan anu ang nakain ko at pumunta naman ako wala akong balak tumagal talaga sa party na yun sisilip lang sana kami. Kaso pinaupo kami ng isang barkada namin kaya yun napatagal kami sa party na yun at dun may nakilala akong gwapo at Sk din sa ibang barangay. Sinayaw niya ako at hinatid pa sa bahay nakalimutan ko tuloy na may bf ako pero mahal na mahal ko pa din bf ko. Yun nagkatext din kami ng guy na yun gusto niya manligaw at ewan ko ba ang tanga ko may bf ako pumayag naman ako. December 27, 2010 nag-aya yung guy na may sayawan daw sa kanila punta daw kami nung barkada ko dahil din sa kakulitan nung barkada ko pumunta kami nakapagsinungaling nanaman ako sa mama ko ng di orasL. Kinabukasan nun magkikita din kami ng bf ko. Nung nasa sayawan na kami nagtext siya ung bf ko sabi niya “bhe may prob. ba tayo??”. Hala at nakonsinsya ako sa ginawa ko nagpaligaw na nga ako kahit may bf ako pumunta pa ako sa sayawan nila, parang gusto ko na ngang umuwi nun kasi magkikita pa kami kinabukasan nun pero ang kulit talaga nung barkada ko ayaw niya pa umuwi pinagbigyan ko siya. Tinawagan ko na lang yung bf ko gamit yung cp nung guy na nanliligaw sa akin sinabi ko sa kanya na nasa sayawan ako nagpaalam na ako para naman alam niya. Hay lumayo ako para di niya marinig, kapal din ng mukha ko ay HAHAHA :D . Yun tinawagan ko na nga siya nakausap ko siya pupunta daw siya bukas sa usapan namin ng mga barkada ko nilambing ko na din takot kasi akong mawala siya sobrang mahal ko siya kaya para di maghinala nilambing ko na siya. Late na ako nakauwi sa bahay mga 3am na ata yun ee. Hala sabi ko sa isip ko baka di na ako payagan bukas kaya yun nagpalusot na lang ako para payagan ako sinabi ko reunion party namin ng mga high school friends ko pinayagan naman ako ng mama ko. Yun at natuloy nga ang reunion kuno pero hindi naman. Bonding time with bf kasama ko din kasi ung dalawang best friend ko na kasama din nila mga bf nila. Masaya nagvideoke kami inuman din na parang wala lang HAHAHA :D . Dun din naganap ang first torrid kiss ko sa bf kung crush ko nakakatuwang isipin noh. Di ko din akalain na aabot pa kami sa ganun kasi sa unang buwan namin walang ganung kiss sa pisngi lang. Kaya medyo kinilig ako ng bongga nun. Masaya ang party namin kahit anim lang kami sabay sabay ba din kami umuwi isa lang naman ang daan naming lahat. Kinabukasan nun pumunta na kami ng Urdaneta dun kasi kami magnenew year, medyo naging malungkot din kasi di ko siya makakasama ng new year di kami makakapagsimba kaya yun pati din siya nalungkot. New year na nagpaNew year Party ulit siya ang saya ng barangay nila noh, binati ko siya ng HAPPY NEW YEAR ! binati din niya ako kaso busy siya ee kaya di kami masyado nagkakatext nun naiintindahan ko naman kasi Sk Chairman siya isa din siya sa mga spokesman kaya yun natulog na ako after ng kainan. Paggising ko ng umaga may 2missed call ako galing sa kanya nabigla ako kasi di naman siya tumtawag sa akin that time lang anu kaya nakain nun sabi ko baka miss na niya ako kilig ulit ako. Bawat bagay na gingawa niya kinikilig ako ewan ba bihira siya maging sweet pero sobra hay naku I really love him so much. Ibang-iba siya sa mga naging bf ko punong puno ng excitement bawat lambing niya. 12pm ng hapon siya nagtext sabi niya puyat daw siya 7am na daw sila natapos nag-ayos pa daw kasi sila ng upuan hay wawa naman puyat na nga pagod pa, tinanung ko siya bat siya tumawag nung gabi sabi niya miss daw niya ako haru kilig ulit ako na natuwa ang sweet niya, unexpected ulit yun. Di pa dun natatapos the next day umaga nagsend ako ng emo na madramang text sa kanya pangbungad sa paggising niya. Aba paggising niya nagreply siya sabi ‘’good morning bhe ,umagang-umga nagdradrama ka, hindi nman kita iiwan bhe” un ung text niyang sobra akong kinilig at natouch ng sobrang sobra . Umasa ako sa text niyang yun na di nga niya ako iiwan. January 3, 2011 umuwi ako para makita siya sobrang miss ko na din kasi siya ako lang ang umuwi sila mama nasa Urdaneta pa nun kaya solo ko ang bahay pumunta pa nga mga barkada ko dun ee tumambay at kumain kami. Hapon nun may usapan kami na magsisimba kaming dalawa pero di siya nagtetext, tinawagan ko siya gamit no. ng barkada ko sabi ko bat di niya ako tinitext sabi niya naiwan daw niya cellphone niya may pinuntahan daw siya ok sabi ko punta na lang siya sa bahay kasi wala ako kasama at hiramin ko charger niya kasi naiwan ko sa Urdaneta charger ko same din naman kami ng charger. Yun pumunta naman siya sa bahay hinatid yung charger at sinamahan niya ako magligpit ng plato after nun yun nag-usap kami syempre he kiss me ‘cuz he miss me J sobra naman ako natuwa kasi tagal ko din siya di nakita 4 days lang pala matagal na din yun HAHAHA :D. Naging ok naman kami kahit minsan di kami nagkakasabay umuwi sa Urdaneta kasi ako umuuwi ee. One time nagkasabay kami umuwi kasi pumunta ako sa house ng kaibigan ko. Habang nasa bus kami nilalambing ko siya kasi magpapadrawing ako sa kanya ng Skeletal System dradrawingan naman daw niya ako kayo yun natuwa ako. The next day ibibigay na niya yung drawing sa akin. Pumunta muna kami ng barkada ko sa Nepo Mall bago ako makipagkita sa kanya habang naggrogrocery yung barkada ko nakakita ako ng chocolate cabuary maliit binili ko siya ng tatlo para I love you sasabihin ko pag binigay ko HEHEHE J ang corny ko ee. Yun nagkita na kami sa terminal inabot niya yung drawing ang ganda, iaabot ko na yung chocolate nahihiya ako sabihin yung I love you baka sabihin niya corny kya inabot ko lang nagthank you siya pati ako. Then one time umuwi ako ulit sa amin di pa umuuwi sila mama nasa Urdaneta pa sila nun kaya ako ulit mag-isa sa bahay sinabi ko sa kanya na wala me kasama sa bahay sabi niya pupunta daw siya cge sabi ko. Tapos yung guy na nakilala ko sa sayawan na Sk din pumunta sa bahay kasi yung barkada ko na barkada na rin niya may plano sila kaso di na tuloy kaya ang plano nila sa bahay na lang mag-inuman total wala naman ako kasama ee. Sige pinayagan ko sila kaso di na natuloy kasi maraming tsismosa sa labas di namin madala dala yung alak sa loob ng bahay baka makita nila at tsismis pa ako kaya yun. After a minute dumating na siya nagulat ako kasi ung dating nanligaw sa akin nung kami pa nasa loob ng bahay di natataranta na ako nagpalusot na lang ako na pinsan yun ng barkada ko at namasyal lang sa bahay kasi wala me kasama. Tapos paglabas nung guy sa bahay namin tsk. Kilala pala niya ang bf ko gulat ako sabi ko na lang magkakilala ba sila dahil same silang Sk yun nasa isip ko. Then pag-alis nung guy sabi ng bf ko “yun pala yung crush mong Sk hah nasa bahay niyo pa”. Classmate niya pala dati yun kasi same silang engineering pero ngaun ngshift na yung guy ung bf ko engineering parin. Nagulat ako yun tinuloy ko pa din yung palusot ko na pinsan yun ng barkada ko kasi baka iba isipin niya takot akong magbreak kami ee L . Pero nag-away din kami panu kasi pumunta sa bahay ng nakaboxer short lang siya syempre dami kaya tsismosa dun anu na lang sasabihin nila na ganun pala bf ko di lang manamit ng maayos pag nagkikita kami kaya nagalit ako sa kanya. Sabi ko “umuwi ka at magpalit ka after 15mins. Dapat andito kana kundi break na tayo” sabi ko tapos umalis na nga siya nagtext siya nung pag-uwi niya sabi niya “di na ata ako babalik diyan” so sa loob-loob ko parang break na ata kami kasi sabi ko pag di siya bumalik break na kami. Tinawagan ko siya sabi ko “di kana babalik di break na tayo nian??” nabigla siya sabay sabi “ bakit totoo ba yun ??” sabi ko “oo, cge wag kana bumalik, galit kaba??” sabi niya “hindi” so umasa ako na hindi nga siya galit kahit di na siya nagtetext. The next day pumunta ako sa barangay nila sa bahay ng barkada ko malapit sa bahay nila, tinext ko siya sinabi ko na andun ako sa bahay ng barkada ko malapit sa kanila sabi niya pauwi pa lang siya so hinintay ko siya nakita ko na siya bumaba ng bus. Hindi siya nagtetext tapos sabi ko “punta ka dito” sabi ba naman niya “ayaw ko” di nainis ako di wag kung ganun di ko na tinext pinasakay ko na yung barkada ko at uuwi na din ako nun hinintay ko lang ung barkada kung isa at matutulog sa bahay kasi wala me kasma habang hinihintay ko yung barkada ko. Dumating siya nagulat ako kasi sabi niya di siya pupunta medyo natouch ako kasi kahit tampo siya pinuntahan niya ako tapos nag-usap kami, tapos may napansin ako tunog ng tunog cp niya sabi ko “tignan mo nga cp mo may nagtetext ata sayo mga chicks mo”. Tapos yun tinignan niya nga tapos inagaw ko dami ko nabasa panay text ng babae grrr! Sobra akong nainis nun sa kanya, tapos bigla niyang binawi cp niya. Ayaw niya ibigay tapos yung barkada niyang kasama niya makikitext daw yun binigay niya cp niya chance na yun inagaw ko cp niya sa barkada niya pero huli na nabura na niya mga text niya. Di ko binalik cp niya hanggang sa nagpahatid yung barkada niya sa bahay nila naiwan sa akin yung cp niya wala na ako makalikot kasi nabura na lahat kaya ang ginawa ko nlang pinagpalit ko yung sim namin kinuha ko sim niya sinalpak ko sa cp ko at sim ko sa cp niya. Dumating na siya binalik ko cp niya pero di ko sinabi na sim ko nakasalpak dun. Dahil sa madaming nagtetext sa sim ko umamin na ako na sim ko nakasalpak sa cp niya tsk. Halatang galit siya binabawi niya sim niya pero di ko pa rin binalik hanggang nagkasagutan na kami hinahatid na niya ako sa bahay di ko talaga binalik. Pag-alis niya may nagtext sa sim niya na babae aba asar na lalaki un dinenay niya na may gf siya ouch! Sobra akong nasaktan ang alam pala ng mga katext niya wla siyang gf. Sobra akong nasaktan nun di ko alam kung iiyak ako or wat pangatlo na yun na pagdenay niya sa akin sobrang sakit L. Kaya pinuntahan ko siya sa bahay ng barkada niya kasi andun daw siya gusto ko maayos agad to kasi mahal ko siya pero di ko na siya naabutan dun umalis na sila. Hay kahit wala ng masakyan pauwi pumunta pa din ako dun na akala ko maaayos agad hindi pla. Pero naisip ko karma ko ata yun kasi deninay ko siya dun sa isang Sk na nanligaw sa akin nung kami pa pero di ko naman na pinagpatuloy pagpapaligaw ko. Tinext ko siya sa mga pagdeny niya sa akin. Pagalit ako nagtext sa kanya aba pagalit din nagreply hanggang sa nag-away na kaming dalawa na malapit na sa break up pero panatag pa din ako na di kami magbrbreak kasi nasa akin sim niya. Di rin siya nakatiis nung di ko na tinext, tinext ako if gising pa ako sabi ko mag-usap kami kahit gabi na puntahan niya ako “oo siya ng oo” hinintay ko siya dumating siya 1am na andun ako sa bahay ng barkada ko nakapag-usap naman kami nag-sorry siya sabi niya di na daw mauulit (shit sobra akong natuwa kasi gusto din pala niyang maayos ang lahat). Niyakap niya ako niyakap ko na din siya, tapos yun kaming dalawa na ang nasa tapat ng bahay ng barkada ko umalis kasi sila gamit ang motorbike niya kaya kami na lang dalawa yun nakapag-usap naman kami ng matino naglambingan pa nga kami kahit pansin ko medyo nakainum na siya at inaantok na. Niyayaya niya akong umuwi na sa bahay namin kasi walang tao dun inaantok na daw kasi siya. So, pumunta kaming dalawa sa bahay kasi ang tagal din bumalik nung mga barkada ko di siya makauwi kasi gamit nila motorbike niya kaya yun. Nasa bahay na kami yun sweet moments, lambingan. Maya maya napatingin ako sa oras mag4am na darating kuya ko nun natataranta na ako kasi wala pa yung mga barkada ko di pa siya makakauwi kaya yun medyo nagkaproblema na di na kami nag-uusap kasi ang tagal nga nung barkada ko need na din niya umuwi. Dumating yung barkda ko 5am na sobrang late na siya umuwi yun nakauwi na siya natulog na din kami. The Next day Sunday na nun hindi niya ako tenitext hanggang hapon na di pa talaga nagtetext kinagabihan nun nakita niya ako naglalakad kami ng barkada ko nagtext siya sabi “san ka nanaman pupunta ??” sabi ko “ipapasyal ko lang yung barkada ko” sabi niya “maakar ka gabi na” sabi ko “kasama ko naman yung kuya kuyahan ko”. Tapos yun pinapauwi na niya ako dahil nga matigas ulo ko di pa ako umuwi at di na siya nagtext, text ako ng text di talaga siya nagrereply. Ewan ba bat ganun tuwing nagagalit siya or nagtatampo sa akin hindi siya nagtetext kaya naiinis ako kasi nagmumukha akong tanga tuwing nagtatampo siya di ko alam panu ba. Monday di siya nagtext sa akin ng buong araw kinakabahan na ako bat ganun may problema ata kami tapos kinagabihan gumamit ako ng ibang no. para tawagan siya di niya sinsagot mga tawag ko at text ko mukha na akong tanga sa ginagawa niya. Dahil nga sa mahal ko siya umaasa pa din ako na magtext siya. Tuesday na nung nagtext siya sabi ko sabay na kaming umuwi sabi niya “sige”. Kahit di ko pa uwian sabi ko “papunta na ako ng terminal” sabi ba naman niya “nakaalis na yung bus na sinasakyan ko, ingat ka na lang” ouch. Ang sakit sobra di na ako pumasok sa last subject ko major pa naman yun para lang magkasabay kami at maayos ko ang lahat. Kinagabihan nun nagtext siya ulit sabi ko “bat di ka nagtetext kahapon ??” sabi niya nalaman daw kasi ng parents niya na galing siya sa bahay at dun siya inabot ng madaling araw nung Saturday. Kaya daw di siya nagtetext sabi ko “bakit ayaw ba nila sa akin?” sabi niya “hindi naman, hindi kasi ako umuwi nun kaya nagalit sila” sabi ko naman “sorry bhe dahil sa akin napagalitan ka pa” sabi niya “kaw kasi pinapunta mo pa ako di yan”. Aray nahurt ako sa sinabi niyang yun sabi ko tuloy “sorry hah ako pa pala may kasalanan” yun nagtampo tuloy ako. Maya maya na bigla ako sa text niya sabi niya “panu kung ayaw ko na?? “ OUCH! AW! Nabigla ako ng sobra di ko alam sasabihin ko parang gusto kung umiyak. Natahimik ako nung sinabi niya yun sabi ko nalang “bakit sawa ka na ba?” sabi niya “oo panu kasi di mo ako nilalambing tapos pilusupo kapa sumagot”. Hah nagulat ako sa sinabi niyang yun di ko na alam sasabihin ko takot akong mawala siya nagpakakumbaba nalang ako sabi ko nalang sa kanya “mahal kita sorry kung di ako sweet nahihihiya kasi ako sayo tyka di naman ako ganun ka sweet tyka yung mga pilusupo kung sagot jowk lang yun.” Sabi niya “ayaw ko na talaga” huhuhu L wala na ako nagawa kung di tanggapin na lang na ayaw na niya. Pinipilit kung umiyak pero walang luhang tumutulo ewan ko din ba kung bakit ganun pero nahihirapan akong tanggapin na wala na kami kaya yun uminum ako kasama mga barkada ko hanggang sa nalasing na ako natulog na ako. Kinabukasan January 12, 2011 di ko alam kung anu ba panu ba ako magsisimula wala na siya yun naiiyak na ako sa sobrang depressed ko nag all black ako na naka shades pa namumula kasi mata ko. Di na nga ako pumasok sa mga minor subject ko sa major lang ako pumasok di pa ako nakikinig tinawag name ko tumayo ako sabi ni ma’am “what’s the problem Miss De Jesus?” wala umiyak lang ako ewan ba siya ang nasa isip ko di na talaga ako nakikinig. Pauwi na ako tinext ko siya di ko na kaya sabi ko sa kanya “bigyan mo ako ng 2nd chance magbabago na ako” sabi niya “sige babalik na ako” natuwa naman ako at bumalik naman siya. Friday na gusto ko siya makausap maaga ang uwian ko nun 11am uwian ko na nagkayayaan kami ng barkada ko sa City Mall. Tinext ko siya na magkita kami sabi niya “3pm pa uwian ko” sabi ko “sige hintayin na lang kita dito sa City Mall” sabi niya “ayaw ko na pumunta diyan galing na ako diyan kahapon” sabi ko “iba yung kahapon at ngaun, hihintayin kta dito di ako uuwi”. At yun nga naghintay ako ng parang tanga dun, buti na lang tumawag yung barkada ko sabi niya nakasakayan daw niya bf ko. Shit! Kung di pa niya siguro sinabi sa akin yun na nakasabay niya bf ko siguro mukha na akong tanga kakahintay sa kanya dun na di man lang niya sinasabi na uuwi na pala siya. Ok di ko na lang dinibdib nanuod na lang ako ng sine at after nun umuwi na kami. Saturday January 14, 2011 pumunta ako sa Dagupan kahit wala naman akong pasok pumunta ako dun para makausap siya kasi may nalaman akong ewan ko if maniniwala ako na nagawa niya yun o hindi. Sabi ko sa kanya “nasa Dagupan ako usap tayo.” Sabi niya “may klase pa ako mga 5pm uwian ko” sabi ko “sige hintayin na lang kita” sabi niya “sige masama din pakiramdam ko gusto ko na umuwi kaso may quiz kami” sabi ko “cge bili kita gamot maya, magreview kana”. 12pm yun nung nagkatext kami uwian niya 5pm di 4hours ko pa siya hihintayin, wala akong maisip na gagawin so kinuntak ko na mga barkada ko na magkita kami yun nagkita kita nga kami nagkaayaan ng inuman. Pumayag naman ako kasi may dinidibdib nga ako yung nalaman ko na may hinalikan siya nung kami na at anu nga naman talaga gagwin ko ng 4hours kakahintay sa kanya db?? . Yun nag-inuman na kami 4pm nagtetext na siya sabi niya “uwian ko na nasan ka?” hala di ko alam sasabihin ko may tama na ako at uubosin pa namin yung isang red horse jumbo. Sabi ko na lang sa kanya “wait bhe may ginagawa kami malapit na to.” Sabi niya “sige maya maya pa naman me punta sa terminal” sabi ko “sige bhe text mo ako if punta kana at punta na din ako”. Yun nilaklak ko na yung red horse para matapos na at makauwi na kami. Ang akala ko naman pag nilaklak ko na yun ee makakauwi na kami kasi hinihintay na din niya ako sa terminal. Di ko na natiis kahit lasing ako iniwan ko sila pumunta na ako ng terminal kasama yung isang barkada ko pero huli na nakasakay na siya sa bus at di ko na siya makausap kasi sobrang lasing na din ako. Nagkairingan pa tuloy sila ng barkada ko dahil sa kakulitan kung pababain siya sa busL. After that umuwi na kami nagsusuka pa ako na naiinis sa sarili ko. Kasalanan ko kung bakit di kami nakapag-usap SHIT! nagsisisi ako bat pa ako uminum pero ayos na din yun nailabas ko yung sama ng loob ko pati tuloy cellphone ko naihagis ko na di kasi siya nagtetextL. Sunday na January 15, 2011 monthsary namin paggising ko tinext ko agad siya at binati nagpaliwanag na din ako sa ng yari. Pero sad to say buong araw siya di nagtext di ko din natiis tinawagan ko siya gamit ang ibang no. sinagot naman niya sabi ko “bat di ka ngtetext” sabi niya “masama pakiramdam ko wala ako load” sabi ko “ok ganun ba may tanung ako sayo” sabi niya “anu yun” sabi ko “mahal mo pa ba ako at tayo pa ba??” sabi niya “oo mahal kita at tayo pa” yun binaba ko na yung phone. Natuwa naman ako dahil kami pa at mahal niya pa ako J. Monday na January 17, 2011 di niya ako tinitext nasa Urdaneta pa naman ako nun kaya di kami nagkasabay umuwi. Kinagabihan nagtext naman siya sa akin sweet pa nga ee. Kaya yun napanatag na din ako na ok na kami at kami pa dahil nag”Love you” pa siya pero wala akong kamalay malay na yun na yung last na sasabihan niya ako ng love you L. Tuesday ng gabi magkatext kami medyo naninibago ako sa pagtetext niya kasi parang di sweet at di niya ako tinatawag sa tawagan namin. Tapos ang huling sinabi niya sa akin ok lang kahit di na daw kami magkita tapos yun na di na siya nagtext ouch! Aw parang di ako nakahinga sa huling text niya sa akin. Text ako ng text wala talaga nagGood Night na ako nagLove you pa nga ako wala talagang reply. Wednesday boung araw siya di nagtext grabe di ko na alam gagawin ko. Thursday nagdecide na ako di pumasok sa last subject ko para makausap siya at nagbakasakaling magkasabay din kami umuwi. Tinext ko siya sabi ko “nasa 7eleven ako sabay na tayo umuwi wait kita dito” walang reply ok lang hihintayin ko pa din siya yun naghintay na ako 3pm pa lang andun na ako 4pm na uwian na niya yun kaya naghintay pa din ako 5pm na wala pa din mag6pm na wala pa siya. SHIT! DAMN! Naiiyak ako para akong tangang naghintay sa kanya. Hindi man lang nagtext first time ko yun ginawa sa lalaki maghintay ng almost 3hours. Friday ganun ulit tinext ko siya kahit di niya ako tinetext sabi ko ulit “andito ako sa 7eleven sana makapag-usap na tayo, wait kita dito text ka if papunta kana”. Tsk! sa awa ng diyos di pa din nagtext hinihintay ko siya wala tlga 5pm na 6pm na mag7pm na wala pa siya. Last trip ng bus nung umuwi ako gusto ko magwala at sumigaw sa ginawa niya sa akin nagmukha ulit akong tanga sabi ko sa sarili ko suko na ako ayaw ko na sobra na niya akong pinaghintay L di niya pa ako tinitext masyado na ata akong nagiging positive thinker na ok lang kahit ganito na mukha na akong tanga naghihintay sa wala umaasang babalik ang lahat sa normal. Nung nasa bahay na ako niloadan ko siya pero di ko sinabi na ako nagload sa kanya. Akala ko itetext niya ako dahil nga niloadan ko siya sad to say sa niload ko sa kanya maski isang text wala akong nareceive L. January 23, 2011 nagmessage ako sa kanya sa facebook kasi di talaga nagtetext baka sakali sa facebook magreply siya sabi ko “So, ganito iwanan na sa ere” ang bilis niya nagreply online pala siya sabi niya “tama na ang pagsisinungaling mo”. Nalaman na pala niya na yung Sk na naaabutan niya sa bahay nung pumunta siya ee hindi talaga pinsan nung barkada ko L. Aw! Alam ko nagsinungaling ako ayaw ko lang naman mawala siya sa akin at mag-away pa kami ee. Kaya ko nagawa yun kaso wala na talaga di na niya ako pinakingan sa pagexplain ko sa message ko sa facebook. Umaasa pa ako na kami pa kasi wala naman siyang sinabi na break na kami. Nagpakatanga na lang ako na kami pa at nabayaran ko na siguro yung kasalanan ko na yun kasi pinaghintay niya ako ng dalawang araw sa 7eleven ng di man lang nagtetext. So, yun January 24,25 2011 di siya nagtetext sabi ko wala na kami nito. January 26, 2011 nagkatext kami sabi niya ayaw na daw niya nagsinungaling daw ako nag mukha daw siyang tanga. Gusto kung magExplain sa kanya parang di ko tanggap na yun ang rason ng paghihiwalay namin. Sinubukan ko sinabi ko sa kanya na mag-usap kami sa personal pero ayaw na daw talaga niya. Ok nanahimik na ako siguro nga di na niya ako mahal at ganun na lang kadali para sa kanya ang lahat o di kaya may nililigawan na siya kaya ganun. Janunary 27, 2011 lumipat na kami sa Urdaneta at dun na kami titira. Gusto ko talaga siya makita kasi di na din ako pumapasok nawalan na ako ng gana na para bang ewan. Pag dating namin sa Urdaneta nagmessage ako sa kanya sa facebook na babalikan ko siya pag balik namin ng labrador ok lang sinabi niya. Asahan niyang babalikan ko siya dahil sobrang mahal ko siya. Almost 3years ko siyang crush at 2months lang naging kami parang di ko tanggap na ganun lang kami kabilis. 1week na para akong tanga umiiyak gabi gabi lagi ko siyang panaginip na babalikan niya ako kala ko totoo na panaginip lang pala. Bihira na rin kami magkatext di na din kasi siya madalas magtext naiisip ko tuloy dati ako ang rason bat siya nagpapaload ngaun sino kaya ang rason bat siya nagpapaload L. Tuwing pumupunta ako sa Dagupan inaasahan kung makikita ko siya sa City Mall or sa terminal di kaya sa 7eleven na lagi niyang pinupuntahan bago umuwi kaso di talaga ata kami meant to be magkita kahit ako na ang gumagawa ng way pumupunta ako sa 7eleven bago umuwi baka sakaling makita ko siya kaso wala talaga. Ang akala ko di ko na siya makikita. Febuary 12, 2011 pumunta kami sa isang Valentine’s Party. Nakaupo na kami kasama ko yung Sk na nanligaw sa akin na rason bat kami nagbreak. Maya maya habang nagkwekwentohan kami bigla ko siyang nakita sa likod ko kasama mga kaibigan niya. Di ko alam gagawin ko pinagselos ko siya na ewan kung magseselos nga siya. Sumayaw ako kasama yung Sk nakatingin daw siya sana nga nagselos siya ang sakit pa kasi para sa akin yung break up namin. After that kinausap ko yung barkada niya na barkada ko din habang naguusap kami andun siya. Sabi ko “Hi Jayson” ok no comment siya. Maya maya aalis na daw kami tinignan ko siya na para bang naiisip ko kung di sana kami nagbreak di sana kami ang magkasama L. After that event umalis na nga kami tinext ko siya di ko talaga matiis talagang mahal ko pa siya kaso sad to say ang tipid niya magtext na para bang ayaw niya talaga ako katext kaya di ko na tinext. Umuwi na ako sa bahay Febuary 14, 2011 gabi na ako nakarating sa bahay punta agad ako sa kwarto ko at nagnet nagmessage ako sa kanya na miss ko na siya na sana bukas monthsary namin kaso kakalungkot di na siya nagreply sa message koL kahit online siya sa facebook wala talagang reply. Mula nun di na ako umaasang magbabalikan pa kami kasi kahit online siya sa facebook di niya ako chinachat di tulad ng dati. Di na din siya nagtetext kung magtetext man siya quotes naman hindi niya ako kinakamusta. Napaisip tuloy ako sana di na lang hinangan na maging kami sana hanggang ngaun crush ko pa din siya di sana haggang ngaun magkatext pa din kami at di ako nasasaktan ng ganito L. Wala na kong balita sa kanya pinipilit kung mawalan na ng pakialam sa kanya pero minsan naiisip ko pa din siya kung may gf na ba talaga siya mahal niya pa kaya ako. Febuary 26, 2011 pumunta ako ng Baguio nalaman ko kasi na may seminar sila dun baka sakaling andun pa siya kaya sumama ako sa barkada ko sa Baguio. Pag dating ko dun tinawagan ko yung barkada niyang barkada ko din na kasama sa seminar. Hay wala na daw sila sa Baguio sa pag-uusap naming dalawa natanung ko siya if tinanung ako sa kanya ni jayson sabi niya hindi daw basta ang sabi daw niya di na daw niya ako mahal. OUCH! Nanaman yun parang napatahimik ako dun binaba ko na yung phone parang gusto ko maglasing kaso wala naman ako mapapala kahit maglasing ako ee. Kaya yun iniyak ko na lang ng iniyak L hanggang sa di na ako makahinga. Dalawang gabi ako hindi nakatulog mula nung nalaman ko yun na di na niya ako mahal na para bang wala ako sa sarili ko. Masyado ata akong umasang magbabalikan pa kami. Ang bilis niya akong nakalimutan samantalang ako di pa nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. March na 1 month na din kaming break pero wala pa din di pa ako makamove on. March 05, 2011 nakita ko siya ulit wala ganun pa din siya di pa din nagbabago pati feelings ko ganun pa din pero anu pa magagawa ko db? May gf na daw siya kahit masakit tinggap ko pa din. Ngaun April na 1month ko na din siyang di nakikita ayaw ko na siyang makita pa para sa akin siya ang naging boyfriend ko na di ko makakalimutan sa dami ng effort ko para sa kanya. Itong feelings ko sa kanya hanggang ngaun alam ko mawawala din to. Di na ako aasa pang magbabalikan kami tama na siguro yung mga pagmamahal na binigay niya sa akin naging masaya din ako kahit di kami masyadong nagtagal. Kasama na siya sa happy memories ng buhay ko at kasama na siya sa history ng lovelife ko. At ng dahil sa kanya nalaman ko ang halaga ng pagmamahal na dapat hindi magsinugaling at dapat may tiwala sa isa’t isa.