COOL PARTNER

6 0 0
                                    


"Vincent Esmeralda Carpio,21 years old from Los Angeles Police nandito sya for some mission" sabay lapag ni Sir Bendiola ng folder na naglalaman ng information sa bago kong partner.

Ba't walang picture nya?

"Sir paano ko makikilala ang partner ko eh,walang picture sa Info nya?"tanong ko.

Kumunot naman ang noo ni Sir.

"Yan din ang pinagtataka ko Alvarez "Aniya.

Hmmm!Di kaya panget sya at nahihiya kasi maganda ang makakapartner nya.OM!Chos!haha...

"Pero sabi nila nakakakilabot daw sya?"dagdag ni Sir.

Nakakakilabot?Tss!.

"Paano mo namn nasabi yan sir?"curious kong tanong.

"Sa dinamidaming gusto nyang makapartner ikaw Lang ang di nag back-out."Ani ni Sir.

so lahat nagback-out dahil takot sakanya?Hmmm....interesting!

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Alvarez kailangan ka dito, may nahostage sa isang fast-food chain dito!Pitong lalaki armado silang lahat!"wika ni Chavez.

"COPY!".

Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko.

.

.

.

.

.

"Mabuti't nandito kana Alvarez,kailangan nating planohan ang pagpasok dyan sa fast food chain kung kinakailangan walang masaktang civilians "seryosong sabi ni Abley.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

Naputol ang pagpupulong namin ng may lumapit saming babae.

Civilian ba sya?Ang astig ng sout nya a.
Cool nya.At ang Ganda nya!

Pasimple nyang kinuha ang lollipop mula sa kanyang bibig.

"Ako ang papasok sa loob."sabi nya sabay balik ng kanyang lollipop sa bibig.

"And who are you Miss?Minamaliit mo ba kaming mga pulis?"pagtataray ko.

Muli nyang kinuha mula saknyang bibig ang lollipop.

"Oh I forgot!by the way I'm Esmeralda Carpio.You're Celestine Karyme Alvarez right?I'm your partner.Magiging cool ang team up natin"nakangising wika nya.

Napanganga nalang ako ,ang ganda pala nya pag nakangiti.

Walang pasabing lumakad sya papunta sa Fast Food Chain at pacool syang pumasok.

OH MY G!pumasok sya sa loob na walang baril or pang self defense.

Ibang klase!

(ESMERALDA POINT )

Pumasok na ako sa Oliver Fast food chain.

Tinanggal ko ang lollipop mula sa aking bibig para makapagsalita ako ng maayos.
Nakatabon naman ang mga mukha ng mga suspek.Nakadapa lahat ng mga biktima maliban lamang sakin.

"Anong ginagawa mo dito babae?Di mo ba alam ang mga nangyayari dito?"sigaw ng isang kasamahan nila.

"Ano po bang nanyayari dito?Bibili sana ako ng makakain pwede ba?"sabi ko sabay lapit sa counter.

"Hmmm... ano bibili ba ako ng fried chicken o Hindi?Spaghetti nalng kaya?Pwede?"pili ko sa malaking menu sa itaas.Nakita ko ang pagkunot ng mga noo nilang lahat.

"Mukhang wala namang mag seserve sakin aalis nalng ako.Sa iba nalng ako bibili."sabay talikod ko palabas.

Papalabas na sana ako ng humarang ang leader nila.Sabay putok niya sa kanyang baril pataas..

"Ba't sa taas mo pinutok e yung kalaban nyo nasa harap niyo?"tanong ko sa leader.

"TAMA NGA AKO PULIS KA!"sigaw nya.Na alarma naman ang kasamahan niya.Nakatutuk lahat ng baril nila sakin.

Ngumisi nalng ako.

"1.2.3.4....

"Ba't ka nagbibilang?"tanong ng leader na halata ang takot sa mukha.

Nagpatuloy lang ako sa pagbibilang...

"5...6....7.....8.....9....booom!too late!"ngising sabi ko sa leader. Agad kong nakuha ang kanyang baril at walang pag-aalinlangang binaril ang Anim na natira.Nabaril ako sa aking braso.Di ko nalng ininda ang sakit sanay naman ako.

Mabilis namang tumayo ang mga tao palabas sa fast food chain.

Kinuha ko ang lollipop ba nahulog kanina nung nagbakbakan kami.Pinulot ko ito at sinubo ulit.Hays!sayang naman.

(Alvarez POINT )

Narinig namin ang pinag-uusapan sa loob dahil naka connect ang speakers namin doon.

As in loud and clear .

"Ano ginagawa mo dito babae?Di mo ba alam ang nangyayari dito?" tanong ng isang lalaki.

"Ano po ba ang nangyayari dito?" wow!bulag ba sya?"Bibili sana ako ng makakain.Pwede ba?"nalaglag ang panga ng lahat na nakikinig sakanya.

How can she act like it's a simple things.Damnshit!.

Mas lalong nalaglag ang panga naming lahat sa sumusunod na eksena.

"Hmmm.....ano bibili ba ako ng fried chicken o Hindi? Spaghetti nalang kaya?Pwede?".

Oh my gosh!may sira ata tong babaeng to.

Sa gitna ng operation?Nag-order?GOSH!!!!!!!!!GRRRRRR!!!!

Matapos ang nakakaloka na eksena ay naghanda na ang aming team para sumugod ng di nila nalalaman...

Papasok na sana kami ng may narinig na kaming putukan sa loob kaya mas lalo kaming nakabahan baka may nasaktan na mga sibilyan.

Natapos na ang putukan.Tumambad samin ang nagkakagulong sibilyan na palabas sa fastfoodchain.

Kita ko ang pagkalaglag ng mga panga ng mga kateam mates ko tila hanga sa babaeng naglalakad ngayon sa harap namin na parang walang nangyari habang nakasubo parin sakanyang lollipop.Napadako ang tingin ko sa kanyang kanang bahagi ng braso na natamaan.

Hays!Grabe talag tong babaeng to!Masyadong walang kinakatakutan.

Tama sya magiging ASTIG ANG TEAM UP NAMIN!

ROCK'NROLL!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LETHAL LADIESWhere stories live. Discover now