Chapter 8-Lady Crest

530 23 0
                                    

Chapter 8-Lady Crest

~~~

Samantha's POV

Lumabas ako ng bahay para sundan si Kyle pero diko sya nakita. Naisip kong pumunta sa may garden,ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang kabuuan ng lugar na ito dahil kanina mabilis akong tinawag ni mokong este Kyle pala,hahahah. Mula sa saktong pagkakagupit ng bermuda,sa mga nakapalibot na ilaw sa poste ng gate at sa mga diko alam kung anong uri ng mga puno ang nakalagay sa bawat sulok na bumubuo sa malawak na garden na ito. Meron ding isang mahabang gawa sa bato ang nasa gitna nito at dito nakatanim ang mga punong diko mawari kung anong klase.


May nakita akong swing na magkaharapan ang disenyo kaya naisip kong puntahan at umupo. Naghintay ako ng mga ilan minuto at nagbakasakaling nagiikot ikot lang dito si Kyle pero bigo ako. Mahigit kalahating oras na akong nakaupo at idinuduyan duyan itong swing pero wala paring Kyle na sumusulpot.


Napagdesisyunan kong lumabas na lang ng bakuran ng mansyon at dun hanapin si Kyle. Pakiramdam ko mas presko sa pakiramdam kapag nandito sa may malaking puno ng mangga sa tapat ng mansyon. Umupo ako dito at saka ipinikit ang aking mga mata para mas madama ko ang maaliwalas na hangin.


Naalala kong 'di ko nga pala inilapag sa loob ang pouch ko kaya pwede akong magmusic dito. Kinuha ko sa pouch ang cellphone at saka muling ipinalsak ang earphone sa aking tainga. Earphone lang ang dinadala ko kapag mga ganitong pagkakataon,para naman magkasya sa aking lagayan 'di kaya ng headphone malaki masyado.


"Loving can hurt,loving can hurt sometimes,
But it is the only thing that I know.
When can its hard,you know it can get hurt sometimes,
It is the only thing makes us feeling live..."


"Wow pare may chix witwit." napatayo ako sa gulat dahil may bigla na lamang nagsalita sa aking harapan. Lima silang nasa harapan ko kaya nakaramdam ako ng takot.


"S-sino k-kayo?" Tinatanggal ko sa aking tainga ang earphone na nakapalsak habang nauutal at nangangatal ko pang sabi. Sadyang nakakatakot ang awra nila isabay mo pa ang bilang nilang lahat.


"Hi miss,sama ka samin sisiguraduhin naming magugustuhan mo ang lugar na pagdadalhan namin." sabay kindat nung lalaking kulay pula ang buhok. Tumingin sya sa katabi nyang kulay dilaw naman ang buhok,ang totoo color coding ba ang buhok nila? May isinenyas sya sa lalaki at sabay hablot sa aking kamay. Nanlaki ang mata ko sa biglaang paghawak niya sa aking kamay,masyado akong nabigla sa kanyang ginawa kaya diko namamalayang kinakaladkad na pala nila ako habang ako nama'y  nagpupumiglas.


"Bitawan nyo ako,ano ba!!! Sabing bitawan nyo ako eh,saan nyo ba ako dadalhin!!!?? You monsters!!!" Nagsisigaw ako subalit parang wala lang silang naririnig bagkus tumawa lang sila na para bang naka-jockpot sila. Natatakot ako,natatakot ako sa maaaring pwede nilang gawin sakin. Hindi sapat ang lakas ko para labanan ang mga naglalakihang tao sa harapan ko. Nagsisisi akong lumabas pa ako ng mansyon gayong napakalawak naman ng maari kong paghintayan kay Kyle sa garden. Kyle? Nasaan na nga pala sya? Naisip kong sya na lang ang taong maaaring makatulong sakin pero ngayon hindi ko mahagilap kung saang lupalop ng mundo naroon ang lalaking ito.


Diko namamalayan na unti unti na palang nagpapatakan ang luha sa aking mata habang nagsisigaw at nagpupumiglas pa rin ako mula sa pagkakahawak ng lalaking ito saakin. Nagulantang na lamang ako ng biglaang sumulpot ang lalaking kanina pang tumatakbo sa aking isipan. Kitang kita ko sa mata niya ang alab ng galit,diko alam kung imáhinasyon lang ba o totoo ang nakikita kong galit sa mga mata niya. Hinablot niya ako mula sa pagkakahawak kanina saakin ng lalaking pula ang buhok saka niya ako itinago sa kanyang likuran. Napangiwi ang grupong kanina lamang ay nakangisi habang di pa dumarating si Kyle.


"Don't.you.dare.touch.my.girl." mahinahon pero may halong pagbabanta niyang sabi. Nagulantang ang mga ito pagkatapos sabihin ni Kyle ang mga katagang iyon,lalo tuloy akong hindi napakali dito sa likod niya. Dalawa lang kami habang lima naman ang nasa kabilang area,diko alam kung kakayanin namin kung sakaling maghamon ang mga ito.


May inilabas si Kyle mula sa kanyang bulsa at inilagay ito sa aking leeg,may oras pa siyang bigyan ako ng ganito sa mga pagkakataong ito. Pero ano ito? Kwintas? Ngunit kakaiba siya sa ordinaryong kwintas na nakikita ko. Bakit nya naman ako binigyan ng ganito? Puro tanong ang tumatakbo sa isip ko.


"A-ano ito? B-bakit mo ako binigyan ng ganito?" Nagtataka pa rin ako,parang nakita ko na ang bagay na ito hindi ko lang maalala kung saan. Hinawakan ko ang bagay na inilagay niya sa aking leeg,may nakaukit mula sa maliit na bilog sa gitna nito. 'S',S na kulay dugo ang nakaukit dito,meron ding dugong hitsurang korona sa taas ng letra. Hindi ito karaniwang kwintas lamang,medyo may kabigatan ito at ang kulay niya ay pinaghalong kulay dugo at ginto. Its kinda creepy,I guess.


Tanging ngisi lamang ang isinagot niya mula sa aking tanong. Naalala kong di lamang kaming dalawa ni Kyle ang nandito sa lugar na ito,tumingin ako sa grupo habang hawak pa rin ang kwintas na hitsurang dugo na ibinigay ni Kyle. Nag-cross arm si Kyle at saka umatras patalikod habang nakangisi. Natatakot ba sya? Kung natatakot sya mas natatakot ako. Sinenyasan niya akong humarap sa mga lalaki gamit ang kanyang ulo. Unti unti kong iniharap ang ang aking katawan sa mga ito at laking gulat ko ng makita ang kanilang mga matang gulat at may halong takot. Nakatingin sila sa bagay na hawak ko,pabalik balik ang tingin nila kay Kyle at sa kwintas. Anong meron kay Kyle at sa dugong hitsura ng kwintas na ito?


Tumingin muli ako sa mga ito.


"B-bakit i-ikaw?" Ako? Ano bang meron sakin? d- _ -b


"Oo. Sya na nga ang bagong magmamay-ari ng Lady Crest.." Nagsitakbuhan ang mga lalaki papalayo sa may eskinitang kinatatayuan namin.


Weird. Ano bang meron sa Kwintas na ito? Bakit binigyan ako ni Kyle ng mysterious na kwintas? At saka anong Lady Crest? Ano nga ba talaga ang katauhang nagtatago sa isang Kyle Sandoval?





A/N:
Huhuhu sorry kung medyo common na yung ginamit ko. I don't want to disappoint you guys,I'll try na gumawa ng mga chapters na worth it basahin. I promise :)

The Heartless Gangster Is In Love With Me [ON-HOLD]Where stories live. Discover now