❤*Chapter 58*❤

108 11 0
                                    

SECRETLY IN LOVE😍💑💞

Kate's POV

ENGLISH FESTIVAL...❤

Nandito ako ngayon sa gitna ng plaza ng school namin kasama sina Sandra at Flerice dahil naghahanap kami ng booth na papasukan namin. 

"LAHAT NG MGA NAKA WHITE T-SHIRT IPAPASOK SA JAIL BOOTH"rinig naming boses na nanggagaling sa speaker ng mini stage ng school namin kaya nagsitakbuhan naman ang mga ibang estudyante na nakawhite dahil ilalagay kasi sila sa Jail Booth at mabuti nalang at hindi white t-shirt ang suot naming tatlo kaya ok lang nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Nang nakita namin ang marriage booth nilampasan lang namin dahil ang sweet sweet naman ng mga couple na finifake ang kasal.

"FIND KATE ALZARINA ISANG 4TH YEAR HIGH SCHOOL NAKA PURPLE ANG T-SHIRT NA MAY HEART HEART SA GITNA ANG DAMIT AT NAKA PANTS NA KULAY DARK BLUE AT HINDI NAKATALI ANG BUHOK DALHIN NIYO SA MARRIAGE BOOTH"narinig ko sa speaker kaya halos mapako ako sa kinatatayuan ko.

"Hala bestie ikakasal ka"sabi ni Sandra.

"Sino naman kaya?"gulat na tanong ko.

"Ewan baka hindi mo kilala"sabi ni Flerice kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Ah guyss takbo na ako ha? Ba-bye"sabi ko at tumakbo na palayo sa kanila at naghahanap ng lugar na pagtataguan ko at pumasok naman sa isip ko na pumunta sa rooftop kaya tumakbo ako ng malakas oh my gosh.

At nakabangga naman ako ng isang tao kaya tumingin ako para mag sorry.

"Ah sorry kuya"dahil lalaki kasi siya eh kaso bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Ikaw ba si Kate Alzarina?"tanong niya sakin at halos maistatwa na ako oh my gosh.

"Ah eh hindi ako si Kate kuya"sabi ko at tatakbo na sana kaso hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya natatakot tuloy ako.

At hinila na niya ako pabalik sa plaza kung saan nandun ang marriage booth oh my gosh I'm doomed.

Tsaka ng papalapit na kami may nakita akong lalaki na nakatayo sa marriage booth at parang familiar siya.

At ng malapit na talaga kami nakita ko na kung sino at si....Terrence?

My heart skips a beat...seryoso? Si Terrence?

Nang makalapit na ako binigyan na nila ako ng bulaklak at may nilagay pa sa damit ko at ganun din ang kay Terrence hayyss hindi ako makapaniwala si Terrence ba talaga?

"Ok Terrence Arguilles do you take Kate Alzarina to be your........"at marami pang sinabi ang nagpapariparian sa harap namin.

"I do"walang pag aalinlangan na sagot ni Terrence kaya nakarinig naman ako ng hiyawan at nangingibabaw ang boses ni Sandra,Flerice,Dave,Kurt,Drake at Stephen...bakit nandito sila?

"Kate Alzarina do you take Terrence Arguilles to be your blah blah blah...."at marami pang sinabi yung nagpapari parian.

Ano ba ang isasagot ko?

Pabayaan na nga joki joki lang naman to eh bakit ko ba dinidibdib?

"I do"sabi ko pero naawawkward na naman ako tapos naghihiyawan na naman ang iba pang estudyante my gosh nakakahiya.

"Ok You may hug your bride"sabi ng nagpapari parian kay Terrence tsaka nung una parang naiilang si Terrence pero hinug lang din naman ako at hinug nalang din siya as a FRIEND oh diba at naghihiyawan na naman sila goshh..

Pagkatapos naming mag hug ni Terrence nginitian niya ako kaya ngnitian ko din siya.

"Oh my gosh kinikilig ako sa kanila"babae 1.

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon