APL| V

24 1 0
                                    

Ang pag babalik

Evelyn

'Hayys!Lumalablayp na ang mga kaibigan ko,Pano naman kaya itong Hambog na to? ' Turo ko sa sarili ko sa harap ng salamin at ngumuso nalang ako at Naligo na ng tuluyan

Pagkatapos ko maligo nag bihis na ako at bumaba at dumeretcho ako sa kusina namin

'lyn-lyn anak!Tapos kana ba? Kain na kayo ng ate at kuya mo oh! ' tanong ni mama 'Opo ma!' at naupo ako sa tabi ni ate Faye.'Oh Bunso? Kamusta naman ang school mo?' Nakangiting batid ni ate Faye

'Uhm Ayos naman ate,Ikaw?Kayo?kuya?kamusta school po niyo?' sabi ko habang kumukuha ng hotdog sa gilid ng mesa 'Okay lang Bunso,Nakaka stress din lalo na't sa subject na math,Ang Sakit sa ulo' namo-moblemang sabi ni kuya

'Math? Kuya math? Ang easy kaya ng math! Ang dali lang kaya non! Favorite subject ko yun hehehe!' dumila pa siya kay kuya at napakamot nalang ng batok si kuya Froyd

Nabalot ng tuwa ang pag uusap namin ng mga kapatid ko,Nakaka gaan ng loob. Alam nila yung mga sikreto ko at pag sa mga usaping ' LOVELIFE ' sumbong agad kay mama!Pero masasabi kong napaka swerte ko sakanila dahil meron akong katulad nilang pamilya..

'Ma!Alis na kami!' sigaw ko kay mama dahil nasa bakuran siya nag wa-walis 'Sige na nak!Ingat kayo sa school niyo!'sigaw uli ni mama pero biglang humabol samin si mama at Kiniss kami sa noo

'Hays, Ang lalaki na ng mga anak ko,Feeling ko ang tanda ko na..Huhu ' sabi ni mama at nag nag tawanan kaming tatlo ni ate

'Hay nako mama!Nag da-drama pa oh! Ikaw ang pinaka-maganda sa lahat ng kilala ko kasama na kayong dalawa hehehe ^_^ ' lambing naman ni kuya Froyd 'Ang sweet naman ng baby boy ko! Si mama

'Shempre naman mama,Pasok na kami ma. Baka ma-late kami' naka ngting sabi ni kuya Froyd 'O siya-siya! Sige na bye anak ko! I love youu!' si mama at kumakaway na

'I love you too mamaaa!' sigaw namin ni ate at kuya

Naka rating na kami sa school at agad na akong nag paalam kila ate at kuya. Nag lakad na ako papuntang classroom hindi ko na hinintay sila Felicity at Nicolette dahil tinatamad ako at sumumpong pa ang aking puson.

Ng di kalayuan may isang Matangkad,Moreno,Payat na lalake..Pamilyar siya..

W-william?

**

William

~FLASHBACK~

'pag matanda na tayo ako yung plinses mo ah!! ' Sabi ni Eve habang naka akbay sakin.

'Oo ako Hehe,Pag bumalik ako uli dito sa pilipinas Marami akong papasalubong sayong chocolate at kendi!' nag promise sign pako nun habang naka ngiti.

'Wag mo akong kakalimutan ah! Pag kinalumutan moko di na tayo Bati tapos di na rin ako yung plinses mo!' Malungkot at maarteng sumbat niya.'Oo naman! plamis!!' ngiting ganti ko sakaniya.

Sumakay na kami sa kotse namin kasama ang mama ko,nag Sasakay palang ng maleta kaya hindi pa umaandar yung sasakyan

'Mama?San tayo punta?' bangit ko kay mama pero di siya kumibo 'Mama kelan tayo balik?' tanong ko ulit.

'Anak,Hindi ko pa alam. Baka Hindi na' sabi ni mama at nag simulang pumatak ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi at agad yun pinunasan.

'Mama, Wag ka iyak. Balik tayo dito. Mamimiss ko si lyn-lyn. Wala akong bestplend pag di Tayo balik dito. ' at lumungkot aking muka dahil sa sinabi ni mama

'Wag kang mag alala Liam anak ,Mag kakaroon ka ng maraming kaibigan dun!' sumbat ni mama pero di nalang ako kumibo pa

Natapos na inakyat sa kotse ang mga maleta namin,Tumingin ako agad sa bintana ng kotse para makita ko si lyn-lyn at agad ko binuksan ang bintana

'Wag mo ako kakalimutan Liam ah!ingaaat!mamimiss din kita! Ikaw bestplend ko diba!' Nakangiting tugon ko sakaniya

'plamis ' naka Ngiting Sabi ko habang kumakaway-kaway pa 'Babaaayy!!' si lyn-lyn na kumakaway at may dala dalang bracelet na ginawa ko para sakaniya at kumaway nalang din ako.

Palayo ng palayo ang aming kotse,At sinarado na ni mama ang bintana

Ikaw lang ang bestfriend at plinses ko lyn-lyn ..

~END OF FLASHBACK~

'L-Liam?' mukang nagulat at hindi mapakaniwalang sabi niya 'Hi Lyntot ko !' kinindatan ko siya at ngumiti

'A-ang tangkad mo na Liam! !' naka kunot ang kaniyang kilay atsaka naka ngiwi pa. 'Wala manlang Hug jan? Or Kamusta jan? Hehehe' natatawang tugon ko

'A-ahe n-nakaka hiya nandito tayo sa tapat ng room ko eh' nauutal niyang sabi

'E Ano ngayon? Hahaha! Lika nga!' at hinila ko siya sa gilid ng katawan ko at yumakap ako ng napaka higpit 'Namiss kita pinsesa ko!' bulong ko sa kaniyang tanga

'H-hindi mo parin yun nakaka-limutan?' Takang tanong niya.
'Aba naman!Shempre hindi,hinding Hindi. Marami akong pasalubong sayo. Susunduin kita mamaya pag uwi ah.Sige na pasok kana. Baka ma-late kapa.' Nakangiti at kumakaway na batid ko at nag simula nang nag lakad.

To be continued•

APL| A PERFECT LOVEWhere stories live. Discover now