Third person's POV
Nakamasid nanaman ako mula sa malayo habang tinitingnan ko siya. Wala naman ng bago. Lagi ko naman na itong ginagawa simula ng makita ko siya.
Hinahantay ko siya lagi tuwing uwian at sinusundan ko siya habang pauwi para masigurado kong ligtas siyang nakakauwi sa bahay nila.
Araw-araw akong ganito. Nakamasid sa malayo,binabantayan siya sa lahat ng kilos niya.
Matagal ko na siyang gusto pero nahihiya akong umamin sakanya.
Paano naman kase ako makakaamin sakanya kung hindi naman niya ako kilala. Siguradong pag ginawa ko iyon,lalayo siya. At iyon ang ayaw kong mangyare. Ayos ng laging ganito yung set up namin atleast nakikita ko siya at nalalapitan minsan.
Kahit doon lang maiparamdam ko sakanya yung pagmamahal kong hindi ko maiparamdam ng harap-harapan sakanya.
Natatakot ako. Natatakot akong baka lumayo siya kapag nalaman niya ang nararamdaman ko para sakanya. Natatakot akong ma-reject. Lalo nang siya pa ang magrereject saakin. Natatakot akong hindi niya ako tanggapin and worst,baka ipagtabuyan niya ako. Natatakot akong umamin. Kumbaga sa isang salita, torpe ako.
Well,bahala na. Kung ganito lang talaga ang magiging tadhana namin, fine. Basta mahal ko siya at masaya ako dahil sakanya. Kahit hindi niya ako kilala at hindi niya rin ako mahal.
But I'll make sure that she's just mine, only mine. Walang sino man ang pwedeng magmay-ari sakanya maliban sa akin. And I'll make sure that she'll be mine. Yes, maybe not now but soon. Tiis lang ang kailangan ko kasi alam kong magiging akin rin siya. Sa akin lang.
Nakita ko na siyang lumabas ng school nila at gaya ng nakagawian ay sinundan ko ulit siya nang patago at hindi nagpapahalatang sinusundan ko siya.
________________
Habang sinusundan ko siya ay napansin kong parang hindi siya mapakali at palingon-lingon siya sa paligid. Baka napapansin niya na ako na kanina pa akong nakasunod sakanya kaya binagalan ko ang paglalakad ko at pasimpleng kinuha ko ang phone ko para magkunwari na may ginagawa ako at aksidente lang na halos parehas kami ng daanang tinatahak.
Nagpatuloy naman siya sa paglalakad ngunit ganoon parin ang kinikilos niya. Mukhang may problema..
BINABASA MO ANG
The Memorias
General FictionNormal Life. Happy life. Freedom. Live wild,young and free. That's just what I want. Is it hard to give it to me? All I want is peace. My freedom. But why you keep still doing this? Why?