Ceathair

131 68 44
                                    

Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong nakatigil ang kotse. Umayos ako ng upo at nag-inat. Nakatulog pala ako habang nakikinig sa kwentuhan ni Raffi at Chase.

Napalinga ako sa paligid, we're at a gasoline station, parked near the restroom. Tumingin ako sa harap, no one's at the driver seat at si Raffi na ang nakaupo sa may passenger seat. Nagpalit siguro ang dalawa nang hindi na makaya ni Raffi labanan ang antok.

Hindi nagtagal ay nakita kong lumabas si Chase sa restroom. Pinunas pa nito ang kamay sa pantalon habang naglalakad pabalik sa kotse.

"Oh, gising ka na pala," bati ni Chase nang makita akong nakaupo na, "malapit na tayo do'n sa hotel."

Tumango na lang ako, malay ko lang kung nakita niya ito mula sa rearview mirror. The car started moving soon after. It was really dark outside, iilang ilaw lang ng kabahayan ang nadadaanan namin kasama na do'n ang paminsan-minsang poste ng kuryente. Kapag probinsya talaga maaga natutulog ang mga tao, 'di katulad sa Manila na may night life.

Habang tumatagal ay nagbabago na ang scenery sa labas. Onti-unti ay dumarami na ang ilaw at kahit madaling araw na ay may mga iilang turistang naglalakad sa gilid ng daan. Ilang minuto pa ang nagdaan ay pumasok na kami sa isang parking lot ng hotel.

Chase parked the car near the entrance of the building. Hindi niya sinara ang makina bago bumaba ng kotse. Nag-inat siya pagkalabas bago nagsindi ng sigarilyo at naglakad papunta sa hindi kalayuan. Bumaba rin ako ng sasakyan at nag-inat but unlike him, I stayed and leaned on the car instead.

Habang nakasandal ay pinagmasdan ko ang hotel na pinuntahan namin. Napansin ko kaagad na Balinese-inspired ang resort at masasabi kong located siya sa beachfront dahil naririnig ko ang alon sa 'di kalayuan. According to Raffi, this hotel resort is a three star one as they host surfing tournaments since San Juan is known as a surfing spot in La Union. The hotel is really grand-looking but there's a chill and cozy vibe to it.

Pagbalik ni Chase ay pinatay na niya ang makina ng kotse at binuksan ang trunk nito.

"Tulungan na kita magbaba."

"Hindi na. Kaya ko na 'to. Chill ka na lang diyan," he smiled at me.

"Gusto mo gisingin ko na lang si Raffi para may katulong ka?"

"'Wag na, pagnatapos ko na lang ibaba lahat ng 'to."

Siya na talaga lahat nagbaba ng gamit sa kotse pero tumutol na ako nang sabi niya na siya na rin lahat magdadala ng mga 'yon sa lobby ng hotel. Pagkatapos ko siyang tulungan ay binalikan ko na si Raffi sa kotse.

"Gising na mahal na hari. Nakarating na po tayo," sabi ko habang marahang inaalog si Raffi. Buti naman ay nagising siya kaagad.

There's a spacious reception area facing the sea with wooden chairs and couches. I could already see myself hanging out here, chilling while sipping a coconut fruit.

"Ikaw bahala sa bayad ng kwarto ah, ikaw nag-imbita e," pagloko ko kay Raffi pagharap namin sa receptionist. Pero syempre hindi naman ako buraot na kaibigan. Binigyan naman ako ni Mommy ng pera kaya mag-aambag.

"No need since inimbitahan tayo ng kaibigan ko dito, arranged na ang tutulugan natin. All we need to do is check ourselves in and get the key."

After getting the key, nagtungo na agad kaming tatlo sa kwarto dahil pare-parehas kaming inaantok at pagod pa mula sa byahe. Pero na panga-nga na lang ako pagbukas ng pinto. Dalawa lang ang kama! Hindi ba sinabi ni Raffi na tatlo kami?

Bago pa ako makaapila, dumapa na si Raffi sa isang kama, talagang sinakop niya ang kabuuan nito.

"Dibs!" his voice muffled as his face was burried deep in the pillows. "Akin isang buong kama."

Cigarettes And HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon