Nagsimula ang lahat noong 4th year highschool ako...
Transferee ako nun kaya wala pa akong kilala doon. Nasa gilid lang ako, tahimik. Hanggang sa pinansin niya ako.
Clean cut ang buhok, matangkad siya at malaki ang katawan. Umupo siya sa tabi ko.
"Bago ka dito?" Iyon ang unang lumabas sa bibig niya. Napansin ko rin na ang gwapo gwapo niya. Lalo na ang mga mata niyang ngumingiti rin sa tuwing ngingiti siya.
"Oo." Tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya kasi nahihiya ako. Tumango tango siya at di kalauna'y ngumiti siya.
"Ako pala si Niel..." Inabot niya ang kamay niya sa akin. Very descent...
"Arkeya." Hindi ako nakipagkamayan sa kanya at tiningnan ko lang ang kamay niyang nasa ere.
"Malinis 'to." Nakangiti pa siya, ang tinutukoy niya ang kamay niya. No, nahihiya akong makipagkamayan sa iyo!
"Basa kasi yung kamay ko." Nahihiya kong sabi. Nababasa kasi yung kamay ko kapag kinakabahan ako.
"Ano ka ba. Okay lang yan." Tumawa tawa siya na ikinatindig ng balahibo ko. He's voice is very manly.
Siya na mismo ang kumuha ng kamay ko para makipagkamayan. Naramdaman ko ang libo libong boltaheng dumadaloy sa mga ugat ko ng hinawakan niya ang kamay ko.
Malambot at mainit ang mga palad niya. Okay lang ba ang basa kong palad?
Doon nagbunga ang pagkakaibigan namin.
May mga barkada naman siyang mga lalaki pero sa huli ako yung pinipili niya.
"Kain tayo Niel." Sabi ko na agad kong ikinasisi. Nasa mga kabarkada niya siya at masaya silang nag-uusap. Mukha tuloy akong KJ.
"Aryt." Ngumiti siya sa akin ng malapad ganun rin ang mga mata niyang chinito.
"Kain muna kami ni Ark." Pagpapaalam ni Niel sa mga kabarkada niya.
"Okay tol.""Halika na." Inakbayan niya ako pero okay lang iyon sa akin dahil magkaibigan naman kami.
"Mukhang masaya kayo, sorry sa isturbo." Sabi ko at ngumuso. Humalakhak naman siya.
"Ark first bago ang iba." Kinurot ko siya sa tagiliran dahil aaminin ko man o hindi ay kinilig ako at ayaw kong magka-crush sa kaibigan ko dahil masasaktan lang ako."Che! Halika na nga." Pabiro ko siyang inirapan at dumiretso na kami sa canteen.
"Hoy! May papel ka? Naubusan ako eh." Nakayuko ako at nakatingin kay Niel na nasa gilid ko.
"Wala rin eh." Sabi niya at nagkibit balikat.
"Manghingi ka dali." Sabi ko."Number 1..." Umalingawngaw ang boses ng Prof namin.
"Niel." Bulong ko na naiinis na.
"Sir..." Nagulat ako sa ginawa ng katabi kong si Niel. Tinaas niya ang kamay niya kaya naagaw niya ang atensiyon ng Prof namin."Yes Mr. Montenegro?" Puzzled pa rin ako bakit nagtaas ng kamay si Niel.
"Wala po kaming papel." Napa-'what the heck' ako sa sinabi ni Niel.
"Ang bobo mo Niel." Naiinis na bulong ko. Jusko, dinamay pa ako.
"Sinong kami?" Nakataas na ang kilay ng Prof namin at anytime kakainin na si Niel.
Niel huwag ako! Niel!
"Si Arkeya po." Bigla akong nagulat ng biglang bumaling ang tingin ng Prof namin sa akin.
"Fuck you Niel." Bulong ko.
"Anong binubulong mo Ms. Trueñes? Are you cursing me?" Lumapit ang teacher namin at halos malagutan na ako ng hininga pero tumayo pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Short StoryConfuse ka ba sa pinapakita ng boy best friend mo? Well, parehas tayo. Hindi ko alam kung M.U ba kami o magkaibigan lang talaga. Pero sana higit pa diyan ang nararamdaman niya para sa akin. -OneShot