"Ok. Prepare for the quiz tomorrow. Goodbye class"
Sa wakas ! -__- Kala ko mag oovertime na naman yung bwiset na prof. Na yun. May quiz quiz pang nalalaman. Akala nya naman may natutunan ang mga estudyante nya sa kanya. Eh, wala nga yang ginawa kundi magkwento ng buhay niya eh -__- Myghadd !
Anyways, bago niyo pa mahalata na may galit ako sa prof namen na mas makintab pa ang ulo sa sahig ng room namen (peaceyow ) eh magpapakilala muna ako.Hello everyone. My name is Jade Charlotte S. Flores, 17, Philippines !
Charr. Pang Ms. Universe. ^,^ Ok. Serious mode -__-
1st year college na ako sa MU( Monteverde University). Course ? Hulaan niyo :D Di jowk lang. MassCom student ako.
Lovelife ? Ahehe. Yung lovelife ko, yun yung magiging score ko sa quiz namen bukas kay Sir. Dimagiba, ZERO !! Oh diba ? San ka pa sa apelyido ? ^_^
Oh sya sige na. Magrereview muna ako. Mahirap na, baka ibagsak pa ako. Masira pa kinabukasan ko.