Prolouge:
Ideal Girl ng mga Boys:
*Matalino
*Mabait
*Maganda
*Maalalahanin
*Sexy (well based on my observation. xD)
Ideal Boy ng mga Girls:
*Pogi (sympre)
*Matalino
*Maunawain
*Faithful
*Loyal
*Mabait
*Hindi mayabang
But what if you met your ideal person pero hindi sya ang tinitibok ng puso mo? medyo magulo diba? Well basahin nyo nalang ang aking istorya na pinamagatang...
'' HOY MISS KANINA PA KITA TINATAWAG NI HINDI MO AKO PINAPANSIN! ANO BANG GUSTO MONG MANGYARE? GULO O AWAY? YOU DON'T KNOW ME SO YOU BETTER GET OUT OF MY WAY!''
O.O'' patay.
'' Sorry po. Sorry po.''
Nasobrahan ata ako pagkukwento sa inyo.
ayyy... Hindi yun yung title ah.. masyadong mahaba para sa Short Story ng buhay ko.
'' Sa susunod na makita ko yang pagmumukha mong paharang harang sa dinadaanan ko....''
lumapit sya sa tenga ko at bumulong..
''patay ka saken''
*wooooooshhh* (tunog ng hangin yan wlang aangal.XD)
kinilabutan ako sa sinabi nya.
Dumaan na sya sa kinatatayuan ko with matching bangga-bangga-shoulder effect,
And that's the start of my Story-________-''
Chapter 1:
*RRRRRRIIIIIIIINNNNNNNNGGGG*
Ang tunog na yan ang bumungad sa aking umaga.. Tsk. Tsk. Inaantok pa ako eh. -____-''
''oy Ran gumising ka na.''
'' Ma, give me 5 minutes.. 5 minutes pa Ma tapos gigising na ako.''
'' Ano kaya silbi ng alarm clock mo? Nag alarm clock ka pa...*dadadada*'
Tinakpan ko muna ang aking mga tenga. Dumadada este sumesermon nanaman sya eh. Sa totoo lang daig nya pa yung manok ng kapitbahay namin na walang ginawa kung di pumutak. -___-''
Haaaayyy.. Babangon na nga ako.
Pagkatapos kong maligo syempre nagpunas ng katawan alangan naman bihis agad basang basa pa. XD
'' Ma, papasok na po ako!''
''Oh sige anak. Ingat ka. Love you'' sabay halik sa noo ko.
Sweet nmn yan si mama eh. May pagka ano nga lang.. hmm.. mamaya ko na sasabihin. *^_^*
---Maria Asuncion Academy---
Iyan. yan ang aking pinapasukang school. Although mahirap lang kami, well hindi naman sobrang hirap na dadating sa point na kailangan namin manguha ng basura para lang mabuhay.. Yung tama lang. Nababayaran yung mga bills ng maayos yung ganun.
At ehem. May maipagmamayabang naman ako no. Matalino ako. (sabe ng nanay ko) Scholar ako at kung hindi dahil sa scholarship na iyon, hindi ako makakapasok dito.
BINABASA MO ANG
''Insert Title Of Your Story''
Short StoryLahat ng tao sa mundo ay may kanya-kanyang ideal type at kadalasan ito sa mga kababaihan. Pero pag si puso ay tumibok, ichecheck mo pa ba ang kung siya na iyong Man of your Dreams?