The Broadcasting and Engineering Couple

55 0 1
                                    

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang kasabihang "Bakit ka nga naman magiging malungkot sa taong hindi ka naman inaalala, kung pwede ka namang maging masaya sa kaibigan mong alam ang tunay mong halaga". Parang pinapahiwatig at pinapakita kasi sa akin ng kasabihang ito na hindi natin kailangan maging malungkot sa taong hindi naman tayo pinapahalagahan, dahil meron pa rin tayong kaibigan na handang dumamay at sumuporta kung saan man tayo magiging masaya. At dahil din sa kasabihang ito, naaalala ko ang isang taong unang nagtanggol at nagmahal sa akin ng tunay.

Nagsimula ang aming kwento noong nasa ikalawang taon pa lamang kami sa high school at doon kami ay nagkakilala. Noong una hindi  kami magkasundo dahil sa sobrang yabang niya. Pero hindi nagtagal kami ay naging matalik na magkaibigan, siguro dahil sa pareho namin hilig ang pagluluto at pag-aalaga ng aso. Pet lover kasi ako at ganoon din siya. Nalaman ko lang na pet lover din pala siya noong inimbitahan niya akong kumain sa bahay nila kasama ang mama at papa niya na sina tita lea at tito carlo. Nakilala ko na din ang aso niya na si Ivan, ang cute nga eh at ang bait pa. Pero syempre mas cute at mabait pa rin ang aso ko na si MIchelle.

Kinabukasan nagising na lang ako sa ingay ng katok sa labas ng pinto ng kwarto ko, may kumakatok kasi na akala mo may sunog! Binuksan ko na lang yung pinto at bumalik din kaagad sa pagkakahiga sa kama ko. Hindi ko nga alam kung sino yung kumatok dahil noong binuksan ko yung pinto ay nakapikit lang ang mga mata ko at wala akong pakialam kung sino man yung kumatok dahil antok na antok pa talaga ako. Umaga na kasi ako nakatulog dahil sa hinahabol ko yung high score ng kapatid ko sa Flappy Bird at good thing nalampasan ko din naman yung kapatid ko. Kaya ito antok na antok pa ako at mukha tuloy akong zombie.

Maya't maya may naramdaman akong umupo sa tabi ng kama ko, pagtingin ko si Adrian pala ang bestfriend kong mayabang. Sigurado ako magpapasama na naman ito maglakwatsa kung saan man. Kaya inunahan ko na siya at sinabihan na hindi ako sasama dahil antok na antok pa talaga ako at umaga na ako nakatulog. Sinabihan ko din siya na yung mom ko na lang yung yayain niya, feeling dalaga naman kasi yung mom ko eh, purkit wala na si dad. Pero syempre joke lang iyon, mahal na mahal kaya ni mom si dad. Pagkatapos kong sabihan ng ganoon si adrian, tuluyan na rin siyang humiga sa tabi ng kama ko at matutulog na lang din daw siya. Hinayaan ko na lang siyang humiga dahil wala ako sa katinuan na makipagbangayan pa sa kanya.

Tuwing araw ng pasukan, lagi niya ako sinusundo at hinahatid sa bahay. Magkaklase naman kasi kami kaya sabi niya sabay na lang daw kami pumasok sa paaralan. Kaya minsan pag-late na ako nagigising, nalalate na din siya pumasok. Isang araw habang naglalakad kami ni Adrian papuntang canteen, may inabot sa akin yung isa naming kaklase na si Ruby, apat na rosas at may kasamang note na ang nakasulat ay 'Jara, punta ka sa basketball court ng freshmen. May mahalaga akong sasabihin, hihintayin kita'. Nagtaka naman ako kung sino yung pwedeng gumawa nito para sa akin. Kaya tinanong ko si Adrian at pinakita ko din sa kanya yung note. Ang tanging sinabi niya lang sa akin ay hindi niya daw kilala at huwag na daw ako pumunta at baka daw maupakan niya lang kung sino man yung nagpapapunta sa akin doon. Hindi ko alam kung bakit nabadtrip iyon, pero ganoon pa man pumunta pa rin ako sa basketball court ng freshmen.

Pagkadating ko sa lugar, nakita ko si Daniel. Hindi naman namin siya kaklase pero kilala ko siya dahil sa minsan niya na din ako tinulongan at pinagtanggol sa mga matataray kong kaklase. Magkatabi lang kasi ang classroom namin. Sa katunayan, matagal ko na siyang hinahangaan. Since, first year high school pa lang kami hinahangaan ko na talaga siya dahil sa sobrang bait niya at pagiging maginoo. Hindi ko lang masabi kay adrian kasi panigurado bibiruin at sasabihan niya lang ako na napaka-ilusyonada ko. Kasi sino ba naman ako para magustuhan ng isang tulad ni daniel na mabait, matalino, maginoo at gwapo pa. Habang papalapit na sa akin si daniel na may hawak na bulaklak, pabilis ng pabilis din ang tibok ng puso ko, hanggang nasa harapan ko na siya. Pagkabigay niya sa akin ng bulaklak, tinanong naman niya ako kung pwede daw ba siya manligaw. Napanganga naman ako doon sa tanong niya at tumingin din ako sa paligid namin. Grabe ang daming estudyanteng nanunuod at may ilang guro din na akala mo parang dalaga kung kiligin. Napa-oo naman ako sa tanong niya, syempre sino ba naman ako para tumanggi sa isang tulad niya at blessing na din ito noh! Tanga na lang ang humindi at tumanggi sa kanya.

Umabot nang dalawang buwan ang panliligaw ni daniel sa akin bago ko siya sinagot. At sa dalawang buwan na iyon hindi na rin ako sinusundo at hinahatid ni adrian dahil sa si daniel na yung gumagawa nun. Namimiss ko na nga yung mayabang na iyon eh! Kahit magkaklase kami hindi ko pa rin siya masyado nakakausap. Sa tuwing lalapitan ko kasi siya para kausapin, sasabihan niya lang ako na huwag ko muna daw siya istorbohin o kausapin dahil busy at may ginagawa pa daw siya. Hindi na rin niya ako pinupuntahan sa bahay, hindi na rin niya ako yinayaya para maglakwatsa. Ganito ba talaga iyon, pag may boyfriend kana yung bestfriend mo naman yung lumalayo. Parang kulang kasi ang araw ko pag hindi ko nakakasama, nakakausap o nakikita ang bestfriend ko. Sana bumalik na sa dati ang pagsasama naming dalawa ng bestfriend ko.

Lumipas ang anim na buwan naging busy na rin si daniel sa mga projects niya at ganoon din ako, kaya minsan mag-isa na lang ako umuuwi sa bahay. Yung bestfriend ko kasi may girlfriend na rin, ayoko naman istorbohin yun para lang magpahatid ako. Isang beses nakita ko si Adrian kasama yung girlfriend niya na si Jessa, nang nakita kong magkaholding hands sila parang tinutusok yung puso ko, hindi ko nga maipaliwanag pero parang nasasaktan ako sa nakikita ko. Kaya ang ginawa ko ay tumalikod na lang ako sa kanila. Ilang sandali lang tinawag ako ni adrian siguro nakita niya ako na papaalis pa lang. Nang nakalapit na siya sa akin, nakita niya ng mga mata kong lumuluha pero hindi  ko sinabi kung ano at sino ang dahilan ng pag-iyak ko. Tinanong niya rin kung dahil daw ba kay daniel kaya ako umiiyak pero syempre sinabi kong hindi, dahil hindi naman talaga si daniel ang dahilan kung bakit ako umiiyak kundi dahil sa kanya mismo.

Hindi nagtagal naghiwalay din kami ni Daniel, siguro dahil sa wala na kaming oras para sa isa't isa at dahil din sa nag-iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Minahal ko din naman si daniel sa katunayan nga perfect boyfriend na siya kung maituturing kaya lang sadyang may nagbabago at dahil may hinahanap pa ang puso ko. Nahanap ko iyon sa hindi inaasahang tao, sa bestfriend ko na si Adrian. Sa tuwing nakikita ko sila ni Jessa na magkasama at napaka-sweet sa isa't isa, hindi ko mapigilan ang masaktan at mapagtanto sa sarili ko na hindi lang isang bilang isang kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya, kundi dahil sa minamahal ko na pala ang bestfriend ko. Mabait at maganda naman si Jessa kaya walang dahilan para hindi mainlove sa kanya si adrian at wala rin akong karapatan para tumanggi sa relasyon nilang dalawa dahil sa isa lamang akong hamak na bestfriend.

Nang magkolehiyo kami, magbestfriend pa rin kami ni Adrian. Wala na rin pala sila ni Jessa, ang tanging sinabi niya lang sa akin tungkol sa paghihiwalay nila ay siguro raw hindi lang talaga sila ang para sa isa't isa. Pero hindi rin naman biro na umabot ng dalawang taon ang relasyon nila at alam ko naman na talagang minahal ni adrian si jessa dahil umiyak pa nga sa akin yung mokong noong naghiwalay sila. Parehong unibersidad pala ang papasukan namin ni adrian ngunit magkaibang kurso. Ang kinuha kong kurso ay AB-Broadcasting at siya naman ay Civil Engineer, ang talino ng bestfriend ko noh, akalain mo iyon wala naman sa pagmumukha niya na civil engineer ang kukunin niyang kurso. Pero ganoon pa man pinagmamalaki ko siya at masaya ako dahil nakilala ko siya at higit sa lahat dahil naging bestfriend ko pa siya.

Pagkatapos namin sa kolehiyo, nagkaroon kami kaagad ng magandang trabaho. Ako bilang isang hosting sa mga events at dics jockey sa isang radio station. Si adrian naman ay bilang isang engineer sa isang malaking kompanya. Kahit na napaka-busy na naming pareho sa mga trabaho namin, nagagawa pa din namin ang kumain ng sabay at mamasyal kung saan man. Parang noong nasa kolehiyo pa kami, pag wala na siyang pasok pinupuntahan niya ako sa classroom ko at makikisit-in siya para makasama niya daw ako ng matagal at para din daw sabay na kaming umuwi. Dinadalaw niya rin ako sa pinagtatrabahohan kong radio station at may dalang pagkain para sa akin at para din sa mga katrabaho ko. Minsan nga binibiro at sinasabihan na kami ng mga katrabaho ko na bakit raw hindi pa kami magpakasal eh sa simbahan lang naman daw ang tuloy namin. Nagkatinginan at tumawa na lang kami ni adrian dahil sa mga pinagsasabi ng mga katrabaho ko, hindi kasi nila alam na malapit na magkatotoo at mangyari ang sinasabi nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Broadcasting and Engineering CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon