Chapter 3

186 2 0
                                    

Ella's POV

Brand new day, brand new frustration, brand new kapakshitan. "Good morning Ella!" Bati sakin ng isang 2nd year at accidentally kong nasungitan kasi putang ina bangag ako okay. "ANONG GOOD SA MORNING? PUTANG INA, LAYUAN MOKO." "SORRY PO." Agad niyang sagot, halatang natakot. Hindi ko alam kung talagang natakot saken o dahil sa balita na nananapak ako.

Kasapaksapak naman kasi yung baboy kahapon eh, putang ina niya. Pero nang dahil doon, hindi ako nakatulog. Dahil tinatadtad yung phone ko. Tunog ng tunog ampota, dahil hindi ko inooff ang wifi ko. Nakakareceive ako ng notifications ng tweets at follows, putragis.

FLASHBACK

BEEP

BEEEP

BEEP

BEEP

BEEP

Putang ina, isa nalang talaga.

BEEP

"ANAK NG POTA." Kinuha ko yung phone ko sa tabi ng unan ko at furiously nag-type ako at nag-tweet.

"UTANG NA LOOB, TUMIGIL NA KAYO SA KAKAMENTION SAKEN AT MATULOG NA KAYO, PUTANG INA. ALAS DOS NA NG UMAGA AT HINDI AKO MAKA-TULOG NG MAAYOS, PLEASE LANG." Tweet.

After ilang seconds, may nag-reply...

"@R4nZ_Ko: @ItsEllaInterino EDI I-OFF MO WIFI MO O KAYA YUNG PHONE MO!!! STUPID MUCH?"

Hindi ko alam kung yung username o yung tweet yung nagpabadtrip saken eh. Basta ang alam ko, makakasapak uli ako ng tao. Maibilis akong mabadtrip sa mga taong kabadtripbadtrip. Gaya ng chicser. TANG INA NILA. Nireplayan ko tong delusional na babae, bv.

"@R4nZ_Ko: UHM EX-FUCKING-CUSE ME, I NEED THE ALARM OF MY PHONE OKAY?? WAG KA RING BOBA, PUTANG INA. MANAHIMIK KA NALANG DYAN AT MAGBIGTI THNX" Aggressively tweets.

Tang ina ng mga tao, nagsisidagsaan ang mentions lalo. Putang ina pano ako makakatulog nito. Kung ayaw ninyo magpatulog thEN SO BE IT. "COMMENCE HATE TWEETING SA MGA DEPUTA."

END OF FLASHBACK

"Ella!" Inatake ako mula sa likod ng isang babaeng maliit, gustong magpa-piggy back. "Putang ina mong babae ka. Ano nanamang problema mo saken?" Siya lang at si Ian lang ata ang hindi ko kayang kabadtripan sa panahon ngayon.

Mukang uulan, tang ina wala akong payong. Buti nalang lagi tong handa, tang ina girl scout eh. May kapote, payong at botang naka-stock sa bag. Putragis diba? Kulang nalang salbabida. "Wala naman, muka kang pinagsakluban ng langit at lupa." Dutdut niya sa muka ko. "Ikaw, tang ina mo porket mas chubby ako sayo hindi ibig sabihin may karapatan ka nang dutdutin ang taba ko dahil naiinggit ka."

"Ikaw, putang ina mo rin hindi ako naiinggit sa taba mo, putang ina." Sagot naman ni Erica habang bumababa sa likod ko. Oo, may hagdan akong pasan. "Binangungot kasi ako, nandun ka. Nag-wawala ka raw sa twitter na parang sinasapian or something." Natatawa akong hindi sa sinabe niya, nakahithit nanaman ata to ng rugby. "Baka naririnig mo akong mag-wala kagabe kasi tang ina ng mga tao sa twitter."

"Ah ganun ba? Onga pala, nasa labas yung nanliligaw sayo. Yung taga-chicser. Putang ina tol, naaawa ako sa ilong niya. Baka hindi na nakakahinga hahHAAHHAHA." Maka-agaw pansin niyang tawa habang naglalakad kami papunta sa first class namin. "Wala kang karapatang maawa sa baboy na yon. May lighter ka? Maglilitson lang ako mamaya." Badtrip ako pero nakukuha pa niya akong tawanan.

Bakit baliw yung bespren ko? Bakit? Anong nangyayari sa buhay ko, jusko. "Tara na, baka ma-late pa tayo. Mamaya ka na magsiga, tutulungan kita." Mahinahon niyang sambit habang inuudyok niya ako papunta sa aming silid-aralan. PUTANG INA ANLALIM ANO DAW NAGDUDUGO UTAK KO

————————————-

Baboy's POV

Anong oras na, hindi ko parin siya nakikita... grabe mag-aalas tres na ng hapon, hindi ko parin nakikita ang magandang babaeng yon... asan na kaya siya. O Ella, aking minimithing yaman. Ang iyong sapak ay masakit parin ngunit ako'y ayos lang, basta ika'y nasa aking piling at aking yakap yakap. Ang corny ko, pero sweet. Kinikilig ako sa sarili. Ella, Ella, E—-

"KANINA KA PA MUKANG GAGO DYAN, BIBS." Medyo badtrip na sabi ni Ranz, naiinip na ata siya. Mga ilang oras na kasi kaming nag-aabang sa Juliet ng buhay ko. "Inaalala ko lang kasi si Ella." "Maharot." Siniko ako ni Ully. "Doon ka nga." Sinita ko siya bago ako lumabas dahil gusto ko na siyang makita.

Ang love of my life kong si Ella.

Na hindi ko alam ang full name.

"PUTANG INA."

—————————————————————

Ella's POV

Hay jusko buti nalang natapos na agad ang mga dapat gawin kaya medyo maaga akong makakauwi. "Anong oras na?" Tanong ko sa isa kong kasama na sandamakmak ang nakolektang relo kasi bawal ang accessories sa ROTC. "Andaming relo no?" Sagot niya. puTANG INA MO, SABI KO ANONG ORAS HINDI ANONG HAWAK MO. "Oo. Nakikita ko." Bigla siyang ngumisi.

"I guess you could say, I have lots of time in my hands."

"TANG INA SERYOSO ANONG ORAS NA." "8:30 NA." Sigaw niya pabalik na sa wakas na kuha ko ang gusto kong sagot. "Thank you." Mala-Maria Clarang mahinahon na dahan dahan kong sagot sa kanya. Baka kasi kulangan ako ng boses sa pagsigaw mamaya. Kasi ramdam ko at alam kong may nakaabang na saken dyan sa labas.

"AAAAAAAAHHHHHHHH!!! DI AKO SI ELLA!"

Oh putang ina, sabi ko sa inyo eh.

Nag-buntong hininga ako, ambaho pakinggan pero yan talaga ang tagalog ng sigh, saka ko hinablot yung bag ko at nag-lakad papalabas kasabay si Erica. "Baboy, alam kong nandyan ka. Tang ina, narinig ko yung sigaw nung babae kanina." Medyo malakas kong sabe habang nag-lalakad kami.

At lumabas nga si baboy. Muka siyang mascot. Mascot na panira ng araw at masarap sunugin, walakompake kung kasuhan ako ng arson basta masunog ko lang to. Tsaka yung mga kasama niya. "Hi Ella." Matamis yung ngiti niya para sa mga baboynatics pero para saken isa itong lason. Lason lason lason. "Asan na yung batallion mo ng kabaklaan?" Mataray kong tanong.

"Ah, sila Ranz? Nauna na silang umalis kesa sakin. Mag-papraktis kasi kami para sa mallshow namin bukas." Naka-inom ata siya ng gayuma o isinumpa siya na maiinlab sa isang babaeng kinamumuhian ang chicser. "Ganon ba? Bat di ka narin umalis para hindi sira ang mood ko?" Siniko ako ni Erica at nanlisik ang mata niya saken na parang sinasabe 'TANG INA MO WAG KANG GANYAN PUTRAGIS TAO RIN YAN'. "Hindi yan tao."

"Good evening, ako nga pala si Erica. Best friend ni Ella since high school, not so nice to meet you kasi tang ina ng chicser." Ngumiti at naglahad ng kamay si Erica at sila'y nag-shake hands. "Nice to meet you too. Kaya nga pala ako nandito kasi gusto kong imbitahan si Ella, well ngayon kayong dalawa, sa mall show namin bukas." Lalong lumawak ngiti ni Erica.

"Ganun ba? Sige, what time? I-excuse mo nalang kami sa school kung ganon, hihi." Nag-giggle siya. Tang ina, is Erica flirting with this shit? EW EW EWE WEW EW EW EW  HINDI NA KITA KAIBIGAN, ITINATAKWIL NA KITA. "Anong kabullshitan to Erica?" Bulong ko sa kanya habang nakangiti siya ng pang-Miss Universe. "Ayokong mag-long quiz bukas, ito lang ang nakikita kong paraan. Tang ina mo ang bobo mo talaga." Bulong niya pabalik saken.

Long quiz?

Ay shit, onga no.

"Sige lang, hahatid ko pa ba kayo or kaya niyo na?" Tanong ni baboy habang malagkit(hindi naman talaga) na nakatingin sakin. "KAYA NA NAMIN. BASTA, I-EXCUSE MO KAMI BUKAS. PUPUNTA TALAGA KAMI SA MALLSHOW. SIGE BYE." Kinaladkad ko na pauwi si Erica, papalayo kay baboy. Sa bakla. Sa baboy na baklang lusaw ang mayk ap.

Sana hindi ko pagsisihan ang pag-punta sa mall show na yon.

————————————-

A/N: HAHAHA SO AYON, HI ULE. SANA NAG-ENJOY KAYO. MALL SHOW SEGMENT NA WOOT XDDD Short story lang to kaya mga less than 20 chapters lang siguro to xD Geh byeee :P P.S. TANG INA NG CHICSER.

El FilibustegagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon