Prologue:
Sa lahat naman ng storya may katapusan eh.
Katapusan sa lahat ng bagay.
May mga iniingatan tayo na ayaw nating malaman, masira, o masaktan ng ibang tao.
Kahit di natin alam kung hanggang saan natin to maiitatago o maipaglalaban.
Gaya ng pag-ibig, may mga bagay na lang tayong nagagawa na dati hindi natin kaya, na akala mo hanggang dun ka na lang sa akala mong kakayanan mo.
Meron din naman na akala mo kaya mo, na malakas ka na at kayang kaya mo laban lahat ng taong susubok na laban ka o dun sa mga bagay na pinoprotektahan mo.
Minsan naman yung mga taong nasa paligid mo na pinoprotektahan mo at ayaw mong madamay yun pa yung mga taong akala nila ay wala kang paki sa kanila, nakaya mo lang nagagawa yung mga bagay na yun ay dahil sa pag mamahal mo sa kanila.
Pero pano kung malaman mo na yung taong mamahalin mo ay yung taong sasaktan ka pala ng sobra.
Mamahalin mo parin ba siya? O mas lalamang ang pag kamunhi mo sa kanya sa mga bagay na malalaman mo, dun na lang ba mag tatapos yung storya ng pag mamahalan niyo?
O dun pa lang pala mag sisimula yung totoong storya ng buhay mo.
Madalas kasi nating isipin yung katapusan kaya minsan nakakalimutan natin kung anu nga ba at kung paano nga ba ang simula.
Kaya mas marami ang nasasaktan at maraming umaasa, pero hindi ba dapat ang mas isipin natin at mas intindihin natin kung anu yung meron tayo ngayon at kung paano natin patatagalin yung bagay na meron tayo sa kasalukuyan.
Dapat nating pahalagahan kung anu yung meron tayo kasi nga walang permanenteng bagay sa mundo kaya dapat natin mas bigyang pansin yung nasa kasalukuyan para kung sakaling matapos yung bagay na yun wala tayong pagsisisihan, kasi alam natin sa simula pa lang ay ginawa natin yung makakaya natin at di tayo nag kulang.
Ako si Yvone Lockhart sa mundo ng gangster world isa ako sa mga kinakatakutan ng lahat, maraming pwedeng mangyari, maraming pwedeng mawala, di ako pwedeng umatras ng ganun ganun na lang. Na pati sarili kong buhay pag-ibig ipagkakait.