"BENITO"

151 1 0
                                    


Oh aking ama,

Syang nagtaguyod at nagpahalaga

Pagmamahal  na tunay

Ang  syang tanging alay.


Oh aking ama,

Kahit na tumanda ka

Ay wag kang mag-alala

Itong anak mong marikit ang siyang mag-aalaga.


Pantay-pantay  na pagtrato

Yan ang nakakahanga sayo,

Walang lumalamang,

At walang kinukulang.


Di man tayo pinagpala sa yaman

Basta't kompleto tayo sa tahanan,

Di kami masisilaw

Sa mga bagay na ginto ang sinisigaw.


Ikaw ang gumagabay

Sa aming paglalakbay,

Ikaw ang nagtuturo 

Sa landas na aming tinutungo.


Kung ikaw man ay pumanaw

Dito sa mundong ibabaw,

Laging tandaan, nakaukit sa puso't isipan

Ang iyong mala-alamat na pangalan.





Dedicated to my beloved father who always support us...love u pa <3 <3... :3 :3



ANG PINAKAMAMAHAL KONG AMA.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon