WAg kang tanga!!!

9 1 1
                                    

Kung mahal ka mahal ka, wag kang Tanga!
Kung mahal ka, itetext ka nun
Kung mahal ka, tatawagan ka nun
Kung mahal ka, priority ka nya hindi
Yung ikaw ang huli sa mga listahan nya.

Kung mahal ka, mag-eeffort sayo.
Kung mahal ka, importante yung "tayo" hindi lang yung "ako"

Kung mahal ka, hindi ka sasaktan,
Sa isip, sa salita at sa gawa
At lalong kung mahal ka hindi ka lolokohin at
Hindi nya sisirain ang iyong tiwala.

Kung mahal ka, lahat ng sinasabi mo mahalaga
Pati mga pangarap mo pangarap din nya.
Kung mahal ka, gusto ka laging mapasaya
Hindi yung sya pa ang dahilan ng iyong pagluha.

Kung mahal ka, wala ang layo at distansya
Kubg mahal ka, wala ang oras at pera
Kung mahal ka, mas lalong wala ang langit at lupa kasi kung mahal ka kahit buong kalawakan sususngkitin nya.

Kung mahal ka, irerespeto ka
Kung mahal ka, aalagaan ka na parang babasaging baso ng tinatagotago ng lola nya.
At kung mahal ka, ikaw lang sapat na

Kung mahal ka kahit ilang patalim o bala ng baril sasaluhin nya.
Kung mahal ka, kahit ilang milya ng dagat kanyang lalanguyin
Kung mahal ka, kahit ilang kilometro pa ng lupa kanyang lalakarin
Kasi kung mahal ka walang hadlang ikaw lang ay makapiling.

Kung mahal ka hindi ka sisigawan harapan man o talikuran
Kung mahal ka hindi ka sisiraan sa iba para lang makakakuha ng simpatya.
Kung mahal ka, mahal nya rin ang iyong pamilya at mas lalong kung mahal ka nya
Maiintindihan ka nya kahit sobrang pasaway mo na.

Eh kaso hindi ka naman nya mahal eh.
Magtatanong ka pa ba kung ramdam mo naman?
Magdududa ka ba kung alam mong ikaw lang.
Masasaktan ka ba kung alam mo naman na ikaw ay naalagaan?

Madaling sabihin ang salitang mahal kita
Pero mahirap patunayan ng gawa
Kasi nga ang salitang mahal kita ay parang bahaghari.
Sa una lang makulay at sa una lang maganda pero kapag tumagal ay unti unting nawawala.

Pero ang tunay na nagmamahal ay para talagang dagat.
Habang tumatagal ay lalong lumalalim at lalong nagtatagal. Lalong nadadagdagan at lalong lumalawak.

Kaya kung ang iyong pagmamahal o kung kaninuman
ay parang ilog na unti unting natitigang,
paki-usap lang tigilan mo na ang iyong kahibangan.
Dahil ang tunay na pagmamahal
kahit dumaan sa pagsubok ay parang bahay sa matibay na bato na hindi natitibag.

Walang barko na nakatalo sa dagat sa halip ay ang dagat ang nagpapalubog ng mga barko.
Wala ding araw ang nakapagpapatigang sa dagat sa halip ay nakapapagpalawak at nakakapagpadami pa dito

Kung mahal ka, hihintayin ka
Kung mahal ka,  mamahalin nya din ang sarili nya
Kung mahal ka, hindi ka magbabasa ng isinulat ko na tula
At kung mahal ka hindi ka din iiyak habang nagbabasa.

Sabi nga kung gusto may paraan
At kung ayaw may dahilan.
Ganun lang kasimple
Wala nang pilitan.

Kung sa tingin mo ay hindi ka na mahal
Ay bakit hindi ka bumitaw at iwanan
Dahil sa lahat ng tao ikaw ang nakakaranas
At mas nakakaalam.

Baka kapag umalis ka dun nya makita an iyong halaga
Baka kapag bumitaw ka dun mo madama ang maging masaya
Baka kapag minahal mo yung sarili mo baka dun nya marealize kung ano yung nawala sa kanya.

Wag magtiis kung toxic na.
Wag magsuicide kung alam mong may buhay ka pa.
Wag umiyak sa taong hindi naman dapat at
Mas lalong piliin mo ang sarili mo bago sya

Dahil dun kalang magiging masaya.
Dun mo lang mararanasan maging malaya.
Ang pagmamahal inuumpisahan yan sa sarili bago ibigay sa iba
At dun mo lang mararamdaman ang tunay na pagmamamahal

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

pagmamahalWhere stories live. Discover now