To The Sun and Front

1.7K 112 82
                                    

"A pleasant afternoon to everyone. Please allow me to leave a quote before I begin my valedictory speech. "Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is what dies inside us while we live." It is a beautiful quote by Norman Cousins."

Lumipas din ang mga araw. Sobrang hirap para sa akin na tanggapin ang lahat ng mga nangyari.

Ako ang valedictorian this year. I want to give an inspiration to my fellow students. Alam ko sa sarili ko na marami akong natutunan ngayong taon.

"I've experienced bullying from my classmates; abusive treatment from my step family; and I am morally degraded by other people. I've decided to commit suicide so many times. I am physically and mentally injured because of all those sufferings that I've experienced."

Napatulo na ang mga luha ko.

Huminto muna ako saglit sa pagsasalita. Gusto 'kong maging transparent sa kanilang lahat.

Nagbubulungan ang ibang mga tao. 'Yung iba ay halatang naaawa sa akin.

"I want to give hope. I want to give inspiration not only for my fellow students but also for everyone who is listening to me. How to overcome fear when you are surrounded by darkness? How to have courage when you are such a coward? How to live..."

Napahinto pa ako. Ramdam ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko.

"How to live happily when no one cares? How to love when no one loves you?"

Ang sakit sa dibdib... Hindi lang kasi basta valedictory speech ang iiwan ko sa kanila.

"I will answer all of that. Listen to me... Listen to my story."

• • •

"Ayoko nang mabuhay!" Humahagulgol 'kong sigaw.

"Ang sakit na! Sobrang sakit na! Anong silbi ng letseng buhay na 'to kung walang nagmamahal sa akin? Ayoko nang mabuhay na mag-isa! Pagod na pagod na ako!"

Nasa pantalan ako. Walang tao ngayon kaya malaya akong sumigaw at umiyak. Malaya ako na maglabas ng sama ng loob.

Ang sakit na... Totoo na walang nagmamahal sa akin. Totoo na mag-isa lang ako.

Iniwan lang ako ng dad ko sa step mother ko. Nasa ibang bansa si dad.

Binubugbog lang ako ng step mother ko; 'yung mga step brothers ko naman, sinasaktan din ako. Sa school, madalas akong ma-bully ng mga kaklase ko.

Kahit 'yung mga kapit-bahay namin, minamata lang ako. Oo... Bakla ako pero mabuti akong tao kaya bakit ganito sila sa akin?

Kasalanan ba talaga sa mundo na maging bakla? Wala naman akong tinatapakan na tao. Ako pa nga ang sinasaktan eh. Ako pa nga ang inaalipusta.

Ano pa bang dahilan para mabuhay ako? Para saan pa? Para kanino pa? Lahat naman ng tao, sinasaktan lang ako.

Lahat ng tao, hindi ako pinahahalagahan. Wala man lang nagparamdam sa akin na importante ako.

Sana mapatawad ako ng Diyos sa gagawin ko pero hindi na magbabago ang isip ko.

"Bakit pa ako nabuhay? Gusto ko lang naman na mahalin ako ng mga tao. Gusto ko lang naman na magkaroon ng mga taong magpapahalaga sa akin. Kahit pa mamatay ako, wala namang makakaalala sa akin. Wala namang iiyak sa burol ko kapag namatay ako," humahagulgol 'kong sabi.

Gusto ko nang mamatay. Hindi ko na talaga kaya. Sobrang bigat na ng dinadala ko. Sobrang sakit na.

"Paalam... Paalam na sa malupit na mundong ito," umiiyak 'kong sabi.

To The Sun and FrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon