Chapter 1

102 8 2
                                    

Myco's POV

"Kumusta ang class mo hon?" Malambing na tanong saken ni Tyron. Para akong malulunod sa ganda ng mata niya. I should say I'm lucky to be notice by one of the school's heartthrob.

Sasagot na sana ako nang biglang may humila ng ilang hibla ng buhok ko.

"Aray!" Paglingon namin ni Tyron si Dane lang pala. Nakita pa ng pheripheral vision ko ang pagsama ng expression ni Tyron.

Hinarap ko ang loko. Aba parang wala lang sa kanya ang ginawa niya. FYI sinira niya ang moment namin ni Ty!

"Ano bang problema mo Dane ha?"

"Uwian na." Tipid niyang sabi. Parang nilamig ako sa lalim ng boses niya isama mo pa ang cold at seryoso niyang stare. Napabuntung hininga ako.

"Ty, uwi na ako. Bukas na lang uli ha." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ty pero agad ring niwala niya 'yun.

"Ok hon. See you tomorrow. Reply ka agad sa mga msg ko ha." Why so sweet Ty? Tumango na lang ako sa kanya.

He kissed me on the cheek and smiled sweetly. Pagtingin ko sa gawi ni Dane anlayo niya na samen. Haaaaaaay naku! Kita mo 'yung lalaki na 'yun!

Pagpasok ko ng kotse niya, agad niyang pinaharurot paalis ng school.

"Wow naman! Baka pwede ka magdahan-dahan Dane? Gusto ko pa namang mabuhay!"

Hindi niya ako sinagot. Parang wala lang siyang narinig. Ano kayang problema neto? At napansin kong nakatiim bagang siya? Sino kaya kaaway nito sa school?

Ambilis lang namin nakarating ng bahay namin. Oo hinatid niya ako sa bahay namin. Ilang bloke lang naman ang layo ng bahay nila samen kaya ganun. And if you're wondering why he have to do that he's not even my boyfriend...

Flashback...

"Myco since magka.college ka na at same lang naman kayo ng school ni Dane, Dane will drive you to school and home everyday." Natigil ang pagsubo ko sa sinabi ni papa dahil nasa hapagkainan kami ngayon.

"Pa?" Tanong ko na di makapaniwala. Pagtingin ko kay Dane na ang chill lang kumain. Andito din kase ang family niya. You know, talk about our parents' friendship.

"Our Dane would love to do that!" Sigaw ni Tita Diana. Tumango-tango naman si Dane. Sabay tingin saken and smirk.

Unbelievable! Is trying to annoy me? Cause yes! I'm annoyed bigtime.

Flashback done.

Pagbaba ko ng kotse niya agad na nawala 'yun sa isang iglap. Problema nun? Pumasok na lang ako ng bahay.

The next day...

"Alam mo, hindi ako naniniwala na walang something sa kanila."

"Ano ba kayo e magkakababata kaya silang dalawa."

"Kawawa naman si Tyrone"

'Yun ang bulungbulungan na narinig ko pagkababa ko ng kotse ni Dane. This is one of the reason why I hate to be with him in his wheels. Lahat na lang nag-aassume na there's going on between us like duh!!!

Sinalubong ako ni Tyrone at akmang yayakapin ako pero pinagitna ni Dane sa pagitan namin ang bag ko.

"Bag mo."

Kinuha na lang 'yun ni Tyrone at akmang may sasabihin pero agad ko siyang hinila palayo.

"Hayaan mo na Ty. Don't give him the satisfaction ok?"

With that agad na nawala ang inis ni Tyrone and smiled sweetly to me.

Kahit kailan panira talaga ng moment 'yung mokong na 'yun!

Weekends

"Myco!!!! Kakilig naman ni Tyrone! You're one lucky gal!" Bulalas ni Pretzel saken. Meet my bestfriend! Netong college ko lang siya na.meet pero grabe nagclick kami agad.

"I know right!?" Sabi na kilig na kilig din. Nikwento ko kase sa kanya 'yung ginawang confession ni Tyrone. Take note sa buong campus.

Blag!

Napatingin kami sa biglang bumukas na pinto.

Gulat na gulat si Pretzel.

Si Dane lang naman walang ni ha ni ho na pumasok ng room ko at humiga sa kama ko. Andito kami sa harap ng vanity mirror ko ni Pretz at nagaayos ng mga sarili namin. Nganga kami.

"Hey Dane! Wag ka nga sa kama ko." Angal ko.

Hindi siya gumalaw. Tumayo ako at pinuntahan siya.

Zzzzzzzzzz!!!

Haaaaaaay naku! Tulog na. Pagtingin ko kay Pretz nag.mouth siya ng tulog na? Tumango na lang ako.

After namin magayos ni Pretz bumaba na kami ng sala.

"Baby, si Dane?" Tanong ni mama.

"Andun sa kwarto ko ma. Tulog." Nakasimangot kong sabi.

"O ba't busangot ka? Hayaan mo na hindi daw makatulog sa bahay nila kase abot hanggang kwarto niya ang ingay ng kapitbahay na nagvivideoke." Chill na sabi ni mama.

"Ma naman! Hindi na kami bata."

Natigil si mama sa pinupunasang vase. My mom is a dedicated housewife.

"What's that suppose to mean Myco?"

Natakot ako sa tono ni Mama. "Wala Ma. Alis na po kami ni Pretz.

"Ok baby! Take care! Uwi agad before 6 ha. Ipapasundo kita kay Dane!" Hyper na sigaw ni Mama.

"Your Mom is creepy, one moment she's so serious the next thing, parang walang nangyare." Natatakot na sabi ni Pretzel.

Nagkibit balikat na lang ako. Ganun naman talaga si mama. I bet nasanay na sila na ganun kami ni Dane. Haaaaaaay.

"Besty ganun ba talaga kayo ka close ni Dane?"

"Huh? Kami ni Dane close?" Himala ang sinasabi ni Pretzel!

"Oo! Tingnan mo nga natutulog pa siya sa room mo!"

"Haaaaaay naku besty! Ganun lang 'yun pero malayo sa "close" kami ng mokong na 'yun." Sabi ko sa kanya. "Let's just say we're neither friends nor enemy."

The Feeling Is MutualWhere stories live. Discover now