Danielle's P.O.V
Nandito na kami ni Daneca ngayon sa Admission office,
kukunin na namin ang schedule namin.
Pagpasok namin tinulak ako ni Daneca ibig sabihin ako daw kakausap,
gusto ko pumunta sa likod ni Daneca at magtago,
ayoko talaga ng ganitong sitwasyon.
Me: "Hi ma'am, ..mag..uhm original schedule sa..sa section CA"
Mabilis kong sinabi yun,
ewan ko lang kung naiintindihan ako ni ma'am.
Si Daneca naman pinipigilan ang tawa sa likod ko kaya tiningnan ko siya ng nakakamamatay kong tingin pero mas lalo siyang natawa.
Hays
Miss: "Ok, your USN number?"
Tiningnan ko I.D ko at sinabi ko USN number ko at nag print na siya ng schedule.
Dalawang papel ang binigay sa amin, isang school map at schedule.
Umupo ako sa sofa dito sa office at binasa ko muna sched. ko.
Magkatabi kami ni Daneca.
May dalawang studyanteng pumasok sa office mga lalakeng tumatawa hindi ko sila nakita kasi naka focus ako sa schedule ko at boses lang nila naririnig ko.
Miss: "Ssshh guys quite."
Boy1:"Sorry ma'am, Ma'am may tanong ako"
Familliar ang boses na yun pero di ko pa rin inalis ang tingin ko sa map.
Ang laki kase ng school na'to baka mawala ako.
Miss:"Ano yun Ramirez?"
Nang marinig ko yung apilyedo ko bigla akong tumingin sa Desk at dun nakatayo ang si Jace at isang gwapong lalakeng di ko kilala at si Andrea.
Jace: "Ma'am sino mas pogi sa amin ni Chain?"
tumawa silang dalawa ni Jace at yung lalakeng Chain yata yung tinukoy niya.
Si Andrea tahimik lang nakasandal sa pader naka cross arms sa dibdib niya.
Napansin siguro ni Andrea na may nakatingin sa kanya kaya bigla siyang napatingin sa direksyon ko.
Shit!
Nahuli na naman ako.
Normal lang siguro to.
Kahit sino naman siguro mapapatitig sa kanya.
Normal lang yan Den Relax ka lang.
Sabi ko sa sarili ko.
Miss: "Ikaw talaga Jace puro kalokohan, walang pinagbago"
Jace:"Oh diba sabi ko na sa'yo mas pogi pa rin ako sa'yo"
Tiningnan lang ni Chain si Jace at humarap siya kay Miss.
Chain: "Ma'am bakit niyo po kami pinapunta dito? Nandito na po ba yung mag a.adopt sa onggoy na'to?"
Tinuro niya si Jace at tumawa lahat kasama na si Andrea mas lalo pala siyang gumaganda pag nakatawa siya.
Teka ba't ko naiisip to?
Tsk tsk
Miss: "Ngayong araw na'to magiging tour guide kayo"
Jace: "Talaga? Saan ma'am?"
Excited si Jace pero si Andrea at Chain nakatingin lang kay miss at naghihintay ng sagot Tinuro kami ni Miss
Miss:"Si Ms.Catalan and Ms.Ramirez e tour niyo dito sa school"
Bigla kaming tumayo ni Daneca at pumunta sa Desk Sabay kaming nagsalita ni Daneca
Me:" Ma'am hindi na po kailangan"
Daneca:" Sige ma'am!"
Nagtinginan kami ni Daneca pareha naming tinaas ang kaliwang kilay namin, para kaming mga bata.
Daneca: "Kailangan natin ng tour sa school, baka mawala tayo."
Me: "School ito Daneca hindi Gubat, hindi tayo mawawala dito"
Mahina lang kami nag usap.
Tumango na lang si Daneca.
Jace:"Sige ma'am! Si Insan costumer namin ni Chain"
Biglang nasa tabi ko na si Jace at katabi naman niya si Chain.
Miss:"Sige Jace kayo ni Chain mag guide kay Danielle at si Andrea naman mag guide kay Daneca"
Tumango lang silang tatlo.
Hays. No choice.
----
Magkasabay na kami ngayong naglalakad sa school vacant namin 2 hours sa umaga pero hindi kasama si Chain dun kaya nag desisyon siya na mag absent sa subject niya ngayong oras.
Wow? First day cutting agad?
Nasa likod kami nila Daneca at Andrea. Kaming tatlo ni Jace at Chain nag uusap.
Yep! Mas madali akong napapalapit sa mga boys, typical boyish eh.
Chain: "Ramirez?"
Tiningnan ko si Chain kung si Jace ba tinutukoy niya or ako pero nakatingin siya sakin
Me:"Hmm?"
Chain: "Saang school ka nag graduate?"
Me: " BNHS. Isa sa public school sa lugar namin"
Chain: "Ahh.. "
Tahimik lang ako, Hindi naman sa ayaw ko makipag usap pero ewan ko?
Natatakot ako magsalita pag hindi ko masyadong kilala ang isang tao.
Chain:"Akala ko ba mag pinsan kayo ni Jace" Iniling ko ulo ko Me:"Ngayon nga lang kami nagkakilala"
biglang sumali si Jace sa usapan
Jace: "Pareho tayo ng apilyedo, kaya automatic mag pinsan na tayo"
Inakbayan ako ni Jace at tinuro niya yung blue door sa left side ng hallway Jace: "Ito Insan ang School namin dati"
Kaya pala malaki ang building na'to kasi sa left side SAIS at sa right side AMA.
Ahh..Ganon pala yun haha
BINABASA MO ANG
My Possessive Angel [EDITING]
RomanceDo I already have eveything a girl could ask for in her teenage life?Money? Gwapong Boyfriend? Princess Life? Yes, I do have all of that pero ng dumating siya sa buhay ko binalewala ko lahat yun. Pero Mali. Maling magka gusto sa kapwa babae, yan ang...