PART 1

3 0 0
                                    

Violet's POV

Andito ako ngayon sa Balcony, umiinom ng tea, katatapos ko lang maghanda for School at hinihintay ko nalang sila Red at Sky.

Kahit na iisang Johanna Sy ang nakikita ng mga tao sa school ay sabay2x parin kaming pumapasok.

Salitan kasi kami sa every subject at activities, kung sino ang mas magaling doon, siya ang papasok. We have different strengths and weaknesses and we recognize those, that's why the weakness of the other will be the strength of the others, its like we're supporting each others Back.

And that is why, we can ace everything without breaking a sweat. That's how we got our title as "the Perfect Princess". You can't find any flaws. Sa Lahat ng bagay magaling kami, may it be Outdoor & indoor activities, name it, easy peasy lang sa amin yan.

Ever since, ganito na talaga ang takbo ng buhay namin, Planado na.

Parang binuhay lang kami para ma prove ni Papa sa mundo na maaring mag-exist sa mundong ibabaw ang isang perpektong tao, isang perpektong anak.

Hinde ko na namalayan na napangiti na pala ako ng mapakla. Pero nawala din agad ng makita ko kung sino ang tumatawag sa phone ko.

*Cellphone Ringing*

"Hello, Papa?"

"Violet, I've heard Red went outside last night AGAIN, are you watching your sisters properly? especially Red?!."

"Sorry Papa, hinde ko namalayan. I'll te--"

"Anyway, I need you here at the office.Be here ASAP."

"But.. Okey Pa, I'll be there."

*End of call*

Napabuntong hininga nalang ako. Ang dami ko pa namang kailangang gawin sa Supreme Student Council ngayon isama mo pa si Red.

Biglang bumukas ang Glass doors sa Balcony at niluwa noon si Red. Tinignan ko siya ng masama, yung tingin na parang nang.aakusa na may ginawa siyang kasalanan, which is meron na man talaga.

"What? Oh ? si Papa yun ano ? Okey Fine! You don't need to give me that look Vi. Guilty as charge, okey? What can I do? ang boring dito at alam mo yan. Haay naku! Nakakabanas talaga ang hukluban nayon."

"Red! watch your words! Papa parin natin siya."

"Huh ! will.. News Flash Vi, I don't consider him one and he will never be. He doesn't deserve my respect anymore." sarcastic niyang sagot.

"But--"

"Whatever. I'll go ahead."

Tapos umalis na siya, nakita ko nalang siyang lumabas nang Bahay dala ang helmet niya. Napailing nalang ako sa inasta ni Red. Sa aming magkakapatid, si Red lang talaga ang may lakas ng loob na sabihin kung ano man ang gusto niyang sabihin at suwayin ang mga kagustuhan ni papa.

"Anyare don ate?"

"Ewan, Nalaman ni Papa na tumakas na naman siya kagabi, at ngayon ay galit na galit." sambit ko sabay buntong hininga.

Anyways, Ano ? ready ka na? Alis na tayo?"

"Okey Ate, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa room."

"I'll call Mang Dennis to prepare the car, bilisan mo ha, baka malate pa tayo."

There are still few people that knows our family secret, yung mga trusted na mga tauhan lang ni Papa. Like Mang Dennis, our personal Driver at the same time Bodyguard. Bata pa lang kami ay nagtatrabaho na si mang Dennis sa pamilya namin same as Manang Ludy our Nanny and Cook sa bahay.

We live in a very hidden place, yung ang makikita mo lang sa paligid ng bahay ay mga kahoy, its like we're living at the center of a forest. Travelling by feet will take you ages before you'll reach our Mansion.

Sa entrance ng Forest, ay may napalaking gate at may nakalagay na "DO NOT ENTER, PRIVATE PROPERTY."

Sinadya talagang tago ang titirhan namin para na din masigurado na walang sino man ang makakatuklas ng aming secreto.

We never experience having friends our age around us. Its always been just the three of us.

Mahigpit na pinagbabawal ni Papa na makipag-kaibigan kami kahit kanino, it will just be a threat to our secret.

"Ate, we have a quiz today at Physics, ako na ha?" biglang sambit ni Sky, napatingin ako sa kanya, busy siyang naglalaro ng ipod sa tabi ko. Binalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa labas ng kotse, kasalukuyan na kasi kaming bumabyahe patungong  school.

"Yah sure, don't forget to inform Red. And by the way I can't stay too long sa school ngayon, Papa wants me to go to his office today, maybe I'll be gone for a few days. I'll just sign some papers sa Supreme Student Council, then I'm Off. Kayo na bahala while I'm gone, okey?"

"No worries Ate. As if ngayon lang to nangyari, leave it to us Ate." 

"Thanks, tell me if something goes wrong, Call me A.S.A.P and - - - "

" Ate Vi, okey na nga diba? we can take care of everything, so stop worrying na po Mommy Vi." saad ni Sky, sabay akap sa akin.

Napailing nalang ako habang nakangiti, sa aming tatlo si Sky talaga ang malambing.

Natatanaw ko na ang Gate ng school namin. Napabuntong hininga nalang ako bigla. I really just hope that nothing goes wrong while I'm gone.. . 

UNCOVERING JOHANNA SY'S SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon