L's POV...
Nakangisi kong tiningnan si Serrah. I know na tadhana na mismo ang naglalapit sa aming dalawa. It's hard but I'm willing to know her more. May pakiramdam ako,malakas ang kutob ko na sya siya nga ang hinahanap ko.
That day is one of the proof. Yung araw na nagkita kami sa Garden at hinahabol sya ni Karson. Agad kong napansin ang mga bakas ng dugo sa uniform nya. Mga bakas ng dugo sa braso nya na nagbibigay sa akin ng clue.
Marami ang nag-aakalang basta-basta ko lang sinusugatan ang mga nagiging biktima ko. Pwes yun ang isang bagay na hindi nila alam,bawat hiwa na ginagawa ko ay bumubuo ako ng mga code.
"LX-meaning is L's Property" Iyan ang madalas kong inilalagay. Tanging Infinite lamang ang nakakaalam ng bagay na yan. Pero kailangan ko paring makasiguro...
"So anong masasabi mo Serrah? Magiging exciting ang pagiging Chosen One mo hindi ba?" Tanong sa kanya ni Nygiel.
"It's a No!" Simple nyang sagot bago salitang tumingin sa amin ni Shone.
"Anong sabi mo?" Gigil na tanong ni Shone habang nakatingin na ng masama sa kanya.
"Ang sabi ko, it's a NO! I will never accept that I'm the Chosen One." Wika nya bago tumakbo palayo sa amin. Tiningnan ko lang sya habang palayo sya mula sa akin.
'I know that you'll comeback. Sa ayaw mo man o sa gusto ay babalik ka rin. Cause you're already my quest,since the day that I decided to find you and nothing can change that.' I thought while smirking.
"Hindi ba natin sya pipigilan leader?" Tanong ni Brylle sa akin.
"Hindi na kailangan. Makikita nyo babalik at babalik din sya. Tara na masyado na tayong maraming sinasayang na oras dito." Sabi ko bago naglakad paalis pero napatingin ako dahil sa pagtawag ni Shone.
"L!" Walang emosyon nyang sabi.
"Hmm?" Simple kong sagot,pasensya na pero wala kasi akong ganang kausapin sya.
"Let her go and find another one." Maawtoridad nyang sabi pero ngumisi lamang ako sa kanya.
"You know that I can't do that Shone,pareho nating alam na kapag nasa akin na hindi ko na pwedeng ipamigay pa. Kung gusto mo ikaw ang humanap ng panibagong maid mo. But like what I told you earlier,I will never surrender her." Tugon ko bago sya tinalikuran at sinimulang maglakad.
We end up resting in our hide out. Naupo lang ako sa sofa habang sila naman umupo narin sa tabi ko. I rest my back on the sofa and slowly closed my eyes.
"Anong balita sa pinapahanap ko sa inyo?" tanong kahit nananatiling nakapikit.
"Alam mo namang ginagawa namin ang lahat Leader. We're doing our best,I promise." Rinig kong sagot ni Nyle.
"But your best isn't enough,right?" Iminulat ko ang mga mata ko at isa-isa silang tiningnan.
Tumango naman sila kaya napangiti ako pero hindi isang magandang ngiti,ngunit mapang-inis na ngiti. "So kung ganoon ang nangyayari dapat bang ako ang mag-adjust? O baka naman nakakalimutan nyo kung anong kapalit ng pinapahanap ko?" Walang kahit isa man sa kanila ang makatingin sa akin ng diretso kaya sigurado akong,hindi nga sila naghahanap ng maiigi.
"Let me just remind you again kung ano nga bang mapapala nyo kapag nahanap nyo na siya. It's simple as having everything. Una,you will be the second leader,second,I will give you everything you want– money,fame,girls,cars and many more. And last you will have a one week tour around the world without any expenses. So sino sa inyo ang may ayaw sa mga bagay na iyon huh?"
"Pasensya na leader. Sadyang mahirap lang talaga ang hanapin sya. I've already hired an investigator pero bugbog sarado syang bumalik sa akin. Parang...parang..." Wika ni Drake na saglit na nagpatigil sa akin.
"Parang?" Tanong ko pero humawak lamang siya sa baba nya at tila nag-iisip.
"Puta naman! Wag mo kong paghintayin! Masyado mo kong pinapaexcite!" Sigaw ko kay Drake kaya medyo ikinagulat nya yon.
"Easy lang leader!" Awat ni Calvin pero hindi ko sya pinansin.
"Para kasing may nagproprotekta sa kanya." Dugtong ni Drake sa sinabi nya. Nananatili akong tahimik at inaanalisa ang mga bagay-bagay.
"What do you mean na pumoprotekta?" Dylan asked out of his curiousity.
"What I mean is dalawang beses na akong naghire ng investigator. Yung una matapos ng first day ay pumunta sya sakin para tanggihan bigla yung trabaho at mukha syang takot na takot. Yung pangalawa naman,isang araw bigla na lang siyang pumunta sakin na bugbog sarado na at ayaw na ipagpatuloy ang trabaho nya. So according to those situation tila may taong nagproprotekta sa kanya." Pagpapaliwanag ni Drake na mas lalong nagbigay sakin ng interes.
"Kung ganoon ay mas lalo pa natin syang kailangang hanapin. Maari natin siyang maging alas laban sa ibang grupo lalo na ngayon malapit na ang susunod na Gangfight." Suhestyon ni Brylle na sinang-ayunan ko lang.
"Pero iba to,malakas ang pakiradam ko na isa syang malaking kontribusyon sa grupo natin. Basta I want you to find her immediately and as soon as possible,understand?" Lahat sila ay tumango kaya bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Ipinikit ko ang mga mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"
"Hello po Prince L si Princess Leign po." Tila tumigil ako sa paghinga,parang unti-unting sumsikip ang dibdib ko matapos kong marinig ang pangalan nya.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Kailangan nya po ng bagong oxygen tank mamaya baka pwede po kayong pumunta dito." Putsa! Kung kaharap ko Lang tong nurse na ito malamang napatay ko na!
"Ah oo sige pupunta na lamang ako mamaya." Sagot ko bago pinatay yung tawag.
"Leader ano daw nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Nyle.
"Wala kailangan lang daw ng bagong oxygen tank ni Leighn." Tumango lang sila at nanahimik na.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala sa akin si Leighn. She's my everything and I'm willing to do anything for her.
-----
Who's Leighn? And what would be her role in this story? Abangan...😉
YOU ARE READING
The Gangsters' Quest
FanfictionAn EXO+Infinite Gangster story. Kim Myung Soo x Bae Suzy x Oh Sehun. MyungZy o HunZy? Please vote wisely and enjoy! Story cover by -94princehun.💞