~ You may think I'm going crazy
I want you so desperately
And to tell you the real score
I don't wanna play anymore
Should have admit it before~Roses, Chocolates, Teddy Bear, ilan lang yan sa mga natanggap ko this week at saan nga ba nang galing? Edi kanino pa sa one and only cheesiest and corniest playboy of the Year, Mr. Toffer Alendro. Masyado yatang sineryoso ang sinabi Kong magseryoso kaya naman nalaman na ng buong campus na nililigawan nya ako.
Paano nga ba hindi malalaman ng buong campus eh ikaw ba naman ang haranahin sa tapat ng gate sa school, bigyan ng sweet stuff kada araw, ipagsigawan sa buong campus kung gaano nya ako ka gusto, hinahatid nya ako sa school at sya din ang naguuwi saakin, at ito ang malala pinakilala nya ako sa buong angkan nila nung nagreunion sila noong nakaraang huwebes, and guest what? NAKIPAGMEET SYA SA PARENTS KO AT NAGPAALAM NA MANGLIGAW, OO GINAWA NYA YUNG LAHAT SA LOOB LANG NG ISANG WEEK.
Tinatanong nyo ba kung anong nararamdaman ko?
G U I L T Y
Sobrang nagiguilty ako kasi hindi ko naman deserve to kasi pinapatulan ko lang naman sya dahil sa dare. And to tell you honestly, nagiging crush ko na sya pero Yung crush lang na taga hanga kasi ang bilis nyang nagbago hindi crush na may romantic feelings basta iba Yung nararamdaman ko hanggang kaibigan ko lang talaga sya promise.
Nagulat ako ng bigla akong batukan ni lira
"Ehem girl lumulutang nanaman yang utak mo""Ha? Anong sabi mo?" Tanong ko
"Sabi ko ayun si toffy oh" turo nya sa may bandang pintuan ng restaurant, kaya naman napatingin agad ako
"Tss wala naman eh niloloko mo ba ako?" Asar na sabi ko
"Hahahah ikaw kasi eh kanina ka pa tulala, ikaw nga umamin ka nagugustuhan mo na ba si toffy?" Tanong nya gamit ang kanyang mapanuring mga mata
"Tss tigilan mo nga ako, wag mo akong titigan ng ganyan tusukin ko yang mga mata mo eh" asar na sabi ko
"Ay sya sowry na po, pero may nararamdaman ka na ba para Kay toffy?" Tanong nya ulit
"Tss wala no, para lang sa dare yon kaya pumapayag akong umasta syang ganon" sabi ko
"Really? Yung totoo kasi, kung iniisip mo yung dare promise natin wag mo na Yung isipin maiintindihan kanaman namin eh kasi puso na ang nagdidikta sayo" seryosong sabi nya
"Tss kung ano anong pinagsasabi mo, para sa dare nga lang yon, may pa puso puso ka pang nalalaman eh ganyan ba epekto ng may boyfriend nagiging corny? Tss" sabi ko
Oo may boyfriend na yang babaitang yan, dalawang araw lang syang niligawan ni jiro tapos ayun sinagot nya na kasi bat pa daw papatagalin kung true love na tss ka cornihan. Magsamasama nga sila dyan sheet lang bat ba ako napapalibutan ng mga corny.Biglang tumunog ang phone ko
*corning lalaki is calling*
"🎶Hahawakan ko ang yong kamay sasabihin sayong nandito lang ako---🎶""Oh ano?" Bungad ko Kay toffy
"Sweet mo naman ha wala man lang hello o kaya hi" sarcastic na sabi ni toffy
"Eh ano demanding kana ngayon Tss" inis na sabi ko
"Di naman, sungit mo talaga kaya lalo akong naiinlove sayo eh" pabirong sabi nya
"..."
"Oy di ka na nakapag salita dyan ano nahimatay kana ba sa kilig?" Nang aasar na sabi nya
"Whatever, siguro naman Hindi ka tumawag para lang inisin ako no?" Sagot ko
"Correction pakiligin Hindi inisin hahahahaha, by the way yayain sana kitang makipagdate?" From palabirong tono naging seryoso sya."Date? Tss saan na naman yan ha?" Walang buhay Kong sabi
"Sa EK pero mukhang ayaw mo kaya bye na"
"Oy oy teka lang ibang usapan na ang EK no, sasama ako pag wala kapa dito ng sampung minuto di na ako sasama kaya bilis"
*hangout
"Alam mo kung ako si toffy sumuko na ako sa pangliligaw sayo tsk napaka sungit at demanding mo ba naman eh psh" ani ni Lira

BINABASA MO ANG
Through Music
Cerita PendekAng buhay mo ba ay parang lyrics ng isang kanta? Kantang tamang tama sa pinagdadaanan mo ngayon, kantang tila ginawa para sayo? Kung oo, pwes parehas kayo ng nararamdaman ni Mira. Isang babaeng nahanap ang storya nya sa isang kanta. Samahan...