Chapter One

1.7K 17 7
                                    

RAE'S POV

"Carlitaa my loveee. We missed you! Hihi." pambati ni Dens.

I rolled my eyes. "Regina Prudence Miraflor, I told you stop calling me Carlita or Carly whatsoever. It's Rae." 

"Sungit mo naman. Huhu. Minsan na nga lang tayo magkita-kita e."

Hindi ko nalang siya pinansin and continued walking towards the gang. Goodness, I am not quite in the mood. Kung wala lang kasalanan tong mga to sakin e. Tss

"Rae's here!" announce naman ni Shans pakakita sa akin. Nag err squeak naman sila habang papalapit ako.

"Raee! We missed you girl! Hahaha. San ka ba kasi nagpunta lately at hindi ka namin ma-contact?" tanong ni Lex.

"Sorry. I just got home from Japan. Business meeting and shit. This day's my only break so yeah--san pala si Gab?" 

"There oh! Just getting some drinks." sagot ni Shans sabay turo doon sa kusina.

"GUUUUUUUYS SINCE KUMPLETO NAMAN NA TAYO AFTER 48 YEARS LEGGO GROUP HUUUUG! >:D<" sigaw ni Dens pagkasettle niya sa couch doon sa may katabi ni Shans. 

"Uhh.. No thanks." I said in reply at natawa naman sila. Like I said something funny. 

Andito pala kami sa condo ni Chanel a.k.a Shans. Kung anong gagawin? I don't know. Don't ask me. Ni wala nga akong alam kung bakit nagpatawag sila ng sudden mini-reunion e. As if naman kailangan pa namin ng time-wasters. I mean look at us, 5 girls with busy lives. The eff! Minsan di ko din alam kung anong tumatakbo sa isip ng mga to. Iniisip ko palang yung pile of work na nakalapag sa desk ko jusko!

By the way hindi pa nga pala ako nagpapakilala. Carly Rae Ojeda. Some of you know me already, some of you don't. Doesn't matter though kasi kung dati umeextra-extra lang ako sa stories, ngayon ako ang bida. Yay me! =)))

Yung mga girls naman na kasama ko ngayon ay yung mga naging kaibigan ko since high school. We met doon sa GUG o Girls Under Glass Group which is some sort of clique na sinalihan ko sa school and voila! We've been friends ever since. Do I have to introduce them one by one? Err.. okay.

So pinakauna ay si Shans. Chanel Samantha Villegas, the social butterfly or the seductress or whatever. And yep. Siya ang pinakanakakasundo ko sa apat. Halos parehas kasi kami ng pagpapalaki and brother-sister thing yung companies namin. Parehas din kaming tumutulong sa pagpapatakbo and stuff pero hindi siya masyadong pursigido kasi yung kuya niya naman ang magmamana ng company nila.

Second is Dens or Regina Prudence Miraflor. Nakapasa palang siya sa board exams so yeah. She's now a lawyer! Hahaha. Tbh I have no idea kung paano nakapasa ng law ang babaeng yan. I mean, we've known her for quite some time now and I must say wala siyang sense of judgment. Haha! Jks. Basta kasi inaaway siya e binubugbog niya na agad. My god. Kahit napaka-wapoise ng dating, I don't know. Parang turn on pa ata for most guys yung ugali niyang ganyan. =)

Third, the ever gorgeous Rainn Alexa "Lex" Frias! Full time model siya unlike me na part-time lang. I remembered siya rin pala yung recruit ko noong high school. Mukhang mahinhin at first pero di talaga. *shakes head* Ceci, Maxim, Vogue, Cosmo-- name it! Runway model din yan kaya rampa kung rampa. Hilig din niyan manglait so kung sensitive kayo, you know what to do ;) Ay saka hindi na nga pala siya available. Haha! Ikakasal na siya this June sa fiance niyang si Ford.

Last but not the least, si Fae Gabriella Mendoza. Siya din pala yung may pinakamadramang story sa amin kung tutuusin. Unlike sa amin ni Shans na work and pressure ang problema, siya e iba lang talaga ang gusto niya. So yeah, iniwan niya yung parents niya and worked as Shans' assistant for awhile. Balak niya kasing magpreschool teacher ever since kaya nagsariling sikap nalang siya. Sina tito at tita naman, idk galit na galit ata. Ipapakasal na kasi dapat si Gab kaso yun nga umalis siya kaya nagkaganyan. They even said something like "Wag kang babalik dito hangga't di ka handang magpakasal" bla bla. And yes, hindi nga bumalik sakanila si Gab. Instead, andito siya ngayon nakikitira sa condo ni Shans.

Prescribed Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon