Huli na

90 2 0
                                    

Alam kong masaya ka sa kanya
At wala akong panama sa kanyang ganda
Oo alam ko din na mas mahal mo sya
At aaminin ko wala akong karapatan na angkinin ka

Masama bang magarap na--
Napasaya kita kahit sa isang segundo
Masama bang magarap na--
Kahit sandali ako'y naging parte ng buhay mo

Tama ka, isang ordinaryong tula lang 'to
Na naglalaman ng nararamdaman ko para sayo
Baka nga hindi mo mapansin to
Ayos lang ang mahalaga nasabi ko yung nararamdaman ko

Huli naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon