"ano ng gagawin ko pare?! pakshet na buhay to!"
" e de kasi pakasalan mu nalang yung babae na yon..para wala ka ng problema.."
"ANO?! ayoko nga! hindi ko papakasalan yon.."
"e matutunan mo din syang mahalin dude.."
"hinde! ayoko.. ayoko talaga.."
"e pano ka ha? san ka pupunta ngayon? pati aalisan ka ng mana ng mama mo.. kaya mu ba yon?"
"hindi nya kayang gawin yon.. hindi nya magagawa saken yon,"
"tss! e pano ka nga ha?"
"dun muna ko sa inyo.."
"ano?! ayoko nga! wag ka dun dude.. malalagot ako sa mama mo pag tinulungan kita.."
" napakabait mong kaibigan no. hanga ako sayo!!! buset ka! anong klase kang kaibigan!"
"dude naman.. binantaan ako ng mama mo na kapag tinulungan kita malalagot ako sa kanya.. at kapag nalagot ako sa kanya wala ka ng matatakbuhan.. kaya wag ka saken lumapit.. para kapag oras na nagipit ka may matatakbuhan kapa.. "
"oo tama ka nga.. pwes! ipapakita ko kay mama na kaya ko kahit wala sya.."
"e de dun kana muna sa lola mo.."
"ayoko don! oras na humingi ako ng tulong don. ipapakasal nya ko dun sa babaeng matagal na nyang nirereto saken.. ayoko nga!"
"haha! lahat nalang ng pamilya mo binebenta kana hahahaha"
"gagu! kaya ko kahit wala sila.. nanjan pa naman si papa ee. tutulungan ako nun..alam mu naman si papa.. kahit kelan hindi pa sumang-ayon yon sa gusto ni mama..tsaka pinapadalan pa naman nya ko e. haha akala ba ni mama matatalo nya ko.. tss! never!"
"ayun naman pala e. hindi kana masyadong mahihirapan.haha"
" e san nga ako titira ha?!"
" tss! engot ka talaga! ano nalang ginagawa ng mga hotel jan? o kaya naman dun ka nalang sa apartment.."
" maraming tauhan si mama.. agad nya kong mahahanap kapag sa hotel ako.. tsaka halos lahat ng apartment dito sikat..kung dun ako titira madali lang nya kong mahahanap.."
" oo nga no.e pero meron naman sigurong apartment na hindi sikat. tsaka yung mumurahin lang para naman kahit papano makatipid ka.."
" e san naman ako hahanap ng apartment?"
"madali lang yon.. makakahanap din tayo..mamayang uwian magsimula na tayong maghanap para agad ka ng makalipat.."
" oo.. ayoko na sa bahay e. nakakainis na don! araw araw nandon yung irene na yon. halos dun na tumira ee! kainis!"
"haha chill ka lang bro."
"tss!" umiling nalang ako,..
ako nga pala si cyrus fernandez.. 17y/o, 4th year high school sa west brigde academy, hmm. basta yun na. haha katamad magpakilala ee. haha yung problema namin ng kaibigan ko kanina ..dahil yun sa mama ko at lola ko..
sinisisi kasi nila ko sa pagkamatay ng lolo ko .. mabait yung lolo ko na yun , wala kang masasabi sa kabaitan ng lolo ko na yon, kahit anung gusto namin lahat binibigay nya wala kang maririnig na kahit ano sa kanya kaya naman mahal na mahal sya ng mama at lola ko .. pero dahil sa isang aksidente namatay sya..at ako ang may kasalanan kung bakit sya namatay..sigh
FLASHBACK
tatawid kami ng daan non para pumunta sa carpark dahil galing kami sa mall non..
nung patawid na kami ,hindi ko sinasadyang mahulog sa gitna ng daan yung laruan ko na binili nya.
napahinto ako sa paglakad para balikan yung laruan ko..pero pinigilan ako ni lolo
"tara na apo.. madaming sasakyan oh."
"lolo.. yung laruan ko nahulog sa gitna ng daan.."
" ako nalang ang kukuha ha apo. antayin mo ko dito.."
nagnod naman ako
"opo lolo.."
naglakad na si lolo palayo sakin para balikan ang laruan ko ..
pero.....
tumulo nalang yung luha ko ng biglang.........
PIIIIIIIITTTTTTTT!!....
"LOLO!!......"
BOOGSH!
ang lolo ko.. *sniffs*
mabilis naman syang dinala sa ospital. pero hindi na umabot dahil sa sa sasakyan palang binawian na sya ng buhay..
END OF FLASHBACK
at dahil don.. ayun naging iba na yung pakikitungo sakin ni mama at ni lola..
mula pagkabata ko wala akong ibang sinunod kundi silang dalawa.. halos araw araw pinagbabayaran ko yung pagkawala ni lolo.. hanggang ngayon sila pa din yung sinusunod ko kaya ayun, si mama gusto nya kong ipakasal kay irene anak nung friend nya.. e hindi ko naman mahal yun e. tama nga si jake lahat sila binebenta na ko . haha si papa lang ata yung nakakainitindi saken e. sabi ni mama pag hindi ko pinakasalan si irene wala akong makukuha kahit isa sa mga ari-arian nya . tss akala naman nya matatakot nya ko sa ganon lang. nagkakamali sya . ipapakita ko sa kanya na kaya kong mabuhay kahit hindi nya ko tinutulungan . alam kong mahirap ang gagawin ko na yon dahil sanay ako sa buhay mayaman .pero kakayanin ko pa din yon. alam ko namang anjan pa si papa e. tutulungan ako non at hindi nya ko papabayaan, kahit nasa malayo si papa handa pa din syang tulungan ako.. at hindi ako magkakamaling humingi ng tulong sa lola ko dahil oras na humingi ako ng tulong don , ipapakasal nya ko sa babaeng hindi ko naman kilala .. hindi ko papayagang diktahan pa nila ko hanggang sa babaeng mamahalin ko.
isang babae lang ang mamahalin ko habang buhay at si keila lang yon. sigh.. buset lang e, hindi ko sya malapitan, naduduwag ako natotorpe ako pagdating sa kanya .. hindi ko sya maligawan wala akong lakas ng loob na magtapat sa kanya .. sobrang ganda nya kasi e. parang ang hirap nyang ligawan haiiiyysst. ewan bahala na si batman saken .. tss
AFTER 14256543673 YEARSSSS.....
"ok class dismiss.."
"hay salamat, uwian na din . muntik ng dumugo yung utak ko dun ah."-jake habang nag-uunat pa.
inayos ko na yung gamit ko at tumayo na ko sabay lumabas na ko sa classroom
hinabol naman ako ni jake ..
"oy! hindi man lang nag-intay! gagu tu ah! bat ba nagmamadali ka ha? manliligaw kana ba kay keila---ARAY! bat mo ko binatukan? sakit nun ah!"
"tumahimik ka nga! marinig kapa nun e!"
"hahaha TORPE!"
"ULUL!"
"bat ba nagmamadali ka ha?"
"nagmamadali talaga ko.. nagmamadali na kong makahanap ng apartment ng makaalis na sa impyernong bahay na yon!"
"oh tara na ba! anu pang hinihintayn natin! humanap na tayo.."
"tara"
at ayun nagpatuloy na kami sa paglakad..
BINABASA MO ANG
nainlove ako sa TORPE!!
Fanfictionnainlove ako sa TORPE.. basahin nyo po ang story na to.. papagandahin ko po ito para naman po happy tayong lahat haha.. >>> story po ito ng isang babaeng nainlove sa isang TORPE.. tutulungan nyang manligaw ang torpe.. pero habang tinutulungan nya i...